This Moment is Infinite
CHAPTER 47“What!?” galit nyang tugon at yung tingin nya'y parang gusto na nya akong patayin. Nilapitan nya ako at kwinelyohan.
“Bingi ka?”
“You think you impregnated her? You think!?” tumatalsik pa yung laway! Galit na galit? Geez. Take a chill pill.
“Yeah. I mean 'di ko pa nako-confirm, but I've seen the signs. I even searched for online to double check. 'Di ko pa sya nakakausap because I'm pretty sure that she’s avoiding me.” I heave a deep sigh.
“Mababaliw na ako pare, 'di ko na alam ang gagawin. Nakokonsensya ako. I don’t want Gia to be a part of this mess. I don’t want to hurt her.”
“Kahit anong gawin mo, masasaktan at masasaktan mo pa rin sya.”
Yeah, you have a point there buddy. Pero yun na nga, gusto kong makahanap ng way para hindi sya masyadong masaktan. Kaso malabo, kasi kahit anong isip ang gawin ko, alam kong malaki ang posibility na akin yung ipinagbubuntis ni Gwen. First, she doesn't have a boyfriend. At pangalawa, we slept together.
“I don’t wanna lose her.” I said in almost a whisper.
“You already did. Sana naisip mo yan before you did the deed with Gwen.”
“I was drunk! Yun yung araw na pinakiusapan ko si Gia na balikan ako but she rejected me. Nagising nalang ako na walang saplot at katabi si Gwen.”
Umiiling sya habang hawak-hawak yung ulo nya at tila ang lalim ng iniisip. Damn. I’m in a heap of trouble.
“Kausapin mo si Gwen, then si Gia. Yun lang naman ang tanging solusyon para dito eh.”
Naaasar ako kay Miki. Naaasar ako kasi tama sya and I hate it when he's right. So kailangan ko ng makausap ng harapan at masinsinan si Gwen.
* * *
Hindi ako gaanong nakatulog. Actually, parang 'di talaga ako natulog eh. Sa tuwing pinipikit ko ang mga mata ko, yung mukha ni Gia na umiiyak ang nakikita ko. Ayokong masaktan sya, pero sa sitwasyon namin ngayon, malabong mangyari yun. Masasaktan at masasaktan ko pa din talaga ang taong mahal na mahal ko ng buong puso.
Matapos kong maligo at mag-ayos, tumambay muna ako sa coffee shop para mag-isip ng sasabihin ko. Iniisip ko kung ano ang gagawin ko kung sakaling makausap ko na si Gwen. Ngayon pa lang parang nanginginig na ang buong pagkatao ko.
Ilang oras din akong tumambay nun sa café, sobrang kinakabahan kasi ako. After lunch, dun na ako nag decide na mag punta na sa kanila. 30 minutes drive yung kanila mula dito kaya ibig sabihin, may 30 minutes pa ako para mag isip pa ulit. Hindi kaya ako himatayin nito? 'Di ako kumain ng lunch tapos nininerbyos pa ‘ko. Nasobrahan na yata ako sa kape.
Pag dating ko sa labas ng bahay nila, mas lumakas yung tibok ng puso ko. Doble na yung kaba na nararamdaman ko ngayon. Kalalake kong tao pero naduduwag ako. Kung 'di lang talaga ako nakita ng maid nila, 'di ako papasok eh.
“Sir, andun po si ma’am Gwen at ang mga magulang nya sa living room.” medyo naiilang pang sabi sa akin ng maid nila.
“May nangyari ba?”
“Sir, si ma’am po… kasi po parang ipapadala sa America ng magulang nya. Galit nag galit po yung parents nya.”
Naiihi ako sa kaba. Sa lahat ng taong kilala ko, yung dad ni Gwen ang pinakaayaw kong makitang magalit. Nung minsan kasi na nagalit sya, parang dinala ako sa isang bahagi ng impyerno. Simula nun, 'di ko na sinubukan pang galitin ang daddy nya.
Nag pasama ako sa maid nila papunta sa living room, sa labas pa lang dinig ko na yung malakas na boses ng dad nya.
“Who's the father of that child, Gwen? Bakit 'di mo ako magawang sagutin?” sigaw ng dad nya sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/3559426-288-k844283.jpg)
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.