This Moment is Infinite
CHAPTER 24SATURDAY.
Parang pagod na pagod pa din ako. Paano ba naman kasi, buong araw kaming nag practice kahapon ni Mrs. Ty tapos isinama nya pa ako sa lunch meeting nya. Tapos after pa nung practice namin, dumiretso ako sa hospital para sa check-up ko.
Bumangon naman agad ako nun at inayos yung higaan ko. Napatingin ako sa side table ko nun, may jasmine flower kasing andun at mag nakalagay ‘GOOD MORNING BEAUTIFUL’.
Okay! Anong meron at may paganito ganito pa silang nalalaman? Kinuha ko yung phone ko na asa kama kasi may tumatawag.
“Hello?”
“Hello pretty.”
Masiglang bati nya pa sa akin.
“What’s wrong with you people? Ya’ll creepin’ me out. Anong meron?”
“Uhhhg!” sabi nya pa nun, “Hindi ako tumawag para lang marinig yan sayo.”
Nag pause naman sya, akala nya siguro sasagot ako pero wala eh. Tinatamad akong makipagusap ngayon kaya hindi ako sumagot.
“Hindi mo nanaman naalala no? It’s your birthday today!”
“Ah? Talaga? Wow.” sarcastic at walang gana kong sagot sa kanya.
“Loka ka talaga. See you later! Happy Birthday!”
“Akala ko ba asa Canada ka pa?”
“Joke lang, kagabi pa kaya ako dumating. Shempre gusto kitang makasama sa birthday mo no. Sige na, magaayos pa ako. Bye!”
Kumilos na din ako nun. Naligo, nagbihis at nag ayos ako tapos bumaba na ako. Pag baba ko, super ngiti silang lahat sa akin. Luh? Lumapit naman sa akin si Tita at nag kiss.
This is what I like about Tita, ang sweet nya kasi. I mean I like everything about her simula nung bata pa lang ako, minsan nga parang mas nanay ko pa sya kesa sa totoo kong nanay eh. Parang sariling anak ang turing sa akin ni Tita, wala kasi silang anak ni Tito.
“Happy Sweet 16.”
“Yeah. Thanks Tita.” napatingin naman ako sa paligid, “Anong meron at parang busy kayong lahat?”
Napangiti nalang sya sabay kindat.
“Tara, may pupuntahan tayo.”
Hindi na ako nag tanong kung saan, basta sumama lang ako nun kay Tita. Habang asa byahe, nag text naman sa akin si Tito Fred.
From: Tito Fred
Happy Birthday Sweetie!(*´▽`*)(○`ε´○)/
Napangiti ako dun, ang kulit kasi ng text ni Tito. Hindi yan masyadong mahilig mag lagay ng mga emoticons, pero pag yan nag lagay, nakakatuwa yung mga ginagamit nya. Nag thank you lang rin ako sa kanya at sinabi kong may pupuntahan kami ni Tita, sabi nya lang na mag iingat daw kami at uuwi daw sya ng maaga mamaya.
After 30 minutes or so, asa harap na kami ng Piandré.
“Kailangan kasi maganda ka mamaya.”
“Po? Ano bang meron?”
“Party mo.”
Ahhh! Okay, hindi ko alam na may party pala ako. Jusme!
Nagpa hand and foot spa kami ni Tita tapos manicure-pedicure. Tapos nagpa-trim na din ako ng buhok ko. After naman namin dun, nag punta kami ni Tita sa isang body spa. Kaya naman ngayon, parang ang gaan gaan ng feeling ko. Lahat ng stress nag fly away na.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.