CHAPTER 45: Concerned best friend.

347 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 45

“Si Dustin, andun na ba?” tanong ko kay Cassy. Nakiusap kasi ako kay Cassy, Miki, Jan at Tammy para dito—or rather, pinilit ko sila. Wala eh, desperate times calls for desperate measures.

“Oo kaya, kanina pa. Baka mainis na yun at umalis. Halos pasabugin na nga ang inbox ko oh.”

Natawa ako kasi naman tong si Cassy, may halong pag seselos pa ang tono. Medyo sadista din talaga ako eh.

I dropped the call at nag punta na ako sa restaurant. Pag pasok ko, nakita ko si Dustin na nilalaro yung phone nya at tila bagot na bagot na.

“Hey stranger.” sabi ko sa kanya pag lapit na paglapit ko.

Tinignan nya lang ako at ibinaling yung atensyon nya dun sa hinayupak nyang phone.

“What are you doing here?”

Naupo ako at umarte na tila nag isip, “Uhm, mang huhunting ng elephant.” I crumpled my nose then I smiled.

He rolled his eyes at nag mumble, “Pilosopo.”

“Ikaw napaka high blood mo sa akin. Sobrang lakas na ba ng bitterness mo sa akin dyan sa katawan mo?” tiningnan nya lang ako na tila ayaw na ayaw nya talagang makipag usap sa akin, kahit na ang sumagot.

“Let’s eat?” tinawag ko yung waiter at nag order ako, nag order na din ako para kay Dustin— yung paborito nya.

“Ikaw ba ang may pakana nito?”

I nodded. What’s the point in lying?

“Medyo, kasi hindi kita nakakausap ng matino.”

Hindi nya ako tinitignan kaya inabot ko yung mukha nya at tinignan ko sya ng seryoso.

“Look at me.” I said in an authoritative voice. Ayaw nyang tumingin kaya mas hinigpitan ko ang hawak ko sa mukha nya.

“I said look at me.” and he did. Sus, kelangan pala pinipilit pa ‘tong lokong ‘to eh. “I will do everything just to have you back.”

“Don’t you have any pride?”

“To hell with pride. I want you. End of conversation.”

Dustin’s POV

Gia’s been acting really strange this past few days. I find her annoying and cute at the same time though, plus I’ve never seen this side of her, ngayon lang.

Bago na yung seating arrangement namin. Asa harapan na sya at ako naman asa bandang likuran pa din, just how I like it. Know why I like it here? Nakikita ko kasi ang lahat ng galaw nya. Madalas ko syang makitang tumingin sa akin at parang may gusto syang sabihin pero di nya naman sinasabi.

Hindi na kami nag usap matapos nung Monday, kaya nagulat ako ng bigla nya akong kantahan sa harap ng buong klase kahapon. Gustong-gusto kong makipag balikan sa kanya pero gusto ko munang ipa-realize sa kanya yung totoo nyang feelings para sa akin. Lagi nyang sinasabi na mahal nya ako, pero pag naisipan nyang hiwalayan ako, ganon-ganon nalang?

Buti na rin yung ganito, yung malaman nya yung halaga ko sa buhay nya. Hindi naman sa nag-eenjoy ako na makita syang nahihirapan sa situation namin… de joke lang, natutuwa talaga ako na hinahabol-habol nya ako. Feels like sya yung nanliligaw sa akin ngayon.

“Ano pa ba kasi Dustin? Ang pakipot mo naman eh!” sabi nya habang papalabas na kami sa restaurant. Sya pala ang nag plano ng lahat ng ‘to. May dinner date pang nalalaman, eh dati nga halos kaladkarin ko na sya para mag date lang kami eh. Paminsan-minsan lang ‘to pumayag ng date, pag tinopak lang.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon