This Moment is Infinite
CHAPTER 57Nung araw ng graduation, wala akong planong umattend talaga pero pinilit ako ni Mommy. Nakakawalang gana. Buhay ako pero feeling ko wala akong buhay, magulo? Let’s just say na para akong zombie. Ang sakit pa rin talaga.
Sinabi ko kay Tammy yun, pero ang sabi nya lang wag ko na daw guluhin si Gia kasi nag sisimula na syang mabuhay ng tahimik. May bago na daw syang buhay at masaya na sya kay Gab.
How can she be happy just like that?
Nag simula na yung graduation ceremony, pero wala talaga akong gana. Nag-isip lang ako ng nag-isip. I was thinking na susundan ko si Gia sa America, pero sa tuwing naiisip ko yung sinabi ni Tammy, nawawalan ako ng lakas ng loob. Natigil lang ako sa pag-iisip ng malalim nung siniko ako ni Roanne para sa speech ko. Napatitig pa ako sa kanya saglit saka ako tumayo at nag lakad papunta sa stage.
Huminga muna akong malalim, “H-hi. Sorry, wala akong naihandang speech kasi masyado akong pre-occupied this past few days.” huminga muna akong malalim bago itinuloy yung speech ko, “First of all, I would like to thank God for the greatest gift of all— my life. Gusto ko din po sanang pasalamatan ang mga teachers ko, lalo na dun sa mga tumulong nung nanliligaw pa lang ako kay Gia Rivera.”
The mere mention of her name breaks my heart. The pain’s still here at di ko alam kung kelan mawawala ito. I don’t even know if mawawala pa ba talaga yung sakit. I bitterly smiled nung naalala ko nanaman sya.
“Mom, Dad, Lolo, thanks for always being there for me. Thanks dahil hindi nyo ako iniwan during the darkest hours of my life. I love you guys.” ginala ko yung mata ko hanggang sa nakita ko si Janelle, then si Miki at Tammy. “Tam, Miks, Jan. I’m sorry kasi naging malaking jerk ako at sakit ako ng ulo.” they smiled and Jan evern mouthed ‘Wala yun’. “And thank you kasi andyan pa rin kayo para sa akin. I don’t know kung pano ko malalampasan yung mga nangyari sa akin kung wala kayo.”
I smiled to myself kahit na ang sakit na ng lalamunan ko ‘cause I’m restraining my self sa pag iyak, “And also, gusto kong magpasalamat kay Gia. I don’t know where she is pero sana masaya sya.” I stopped for a moment kasi nangingilid na talaga ang mga luha ko.
"I-I’m sorry. So uh, gusto ko lang sabihin sa kanya na thank you kasi sya yung naging ispiration ko. Sya rin yung naging motivation ko para pumasok sa school araw-araw at para mas pagbutihin ang pag-aaral ko. Kahit na napaka-bugnutin nun, sweet yun tapos maalalahanin. Para syang anghel, pero pag nag selos yun, dinaig nya pa ang isang tiger.
Kung sana andito ka lang Gia. Kung sana nakikita at nakakausap kita, ito na sana ang isa sa pinakamasayang araw ng buhay ko. If only nasabi ko sayo kung gano pa rin kita kamahal. I still love you, hindi naman yun nag bago eh.” di ko na napigilan, naluha na ako kaya bahagya akong yumuko at pasimpleng pinahid yung luha ko. Mangilang beses ako tumikhim bago nag salita ulit.
“Thanks everyone para sa isang napaka-memorable na high school life. God bless us all.”
Pag-upo ko, tinapik tapik ako ng mga kaklase ko. Ilang saglit pa, nag dim yung lights sa loob ng hall, then a video played.
“Ate Gia, okay na po.” napalingon sya sa camera at ngumiti. Nakita ko nanaman yung mga ngiti nyang napakasarap tignan.
“Ah talaga? Wait lang. Teka naman, maganda na ba ako dyan? Baka ikahiya ako ni Dustin nyan ha?!” may narinig na tawanan sa video at nag tawanan din yung mga tao sa hall. Kahit kailanan talaga Gia, you never fail to make me smile.
“Game na po.”
“Aloha Mr. Dane Austin Adams! Kahit di halata, pang valedictorian pala talaga yang utak mo so congrats!” she bubbly said, and the people behind the video camera chuckled.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.