CHAPTER 49: Over again

364 3 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 49

Grabe naman yung chismis. Akalain mo yun? Buntis daw ako? Natatawa nalang ako. Paano naman kaya ako mabubuntis eh wala namang nangyari sa amin ni Dustin. Saka sa totoo lang, 'di ako pwede nyan at baka di kayanin ng puso ko no. Literal na baka di kayanin ng puso ko. Wala pa din akong plano na isuko ang bataan sa ngayon, aba!

Kaya paano naman magkakaanak sa akin si Dustin? Maliban nalang kung magkakaanak sya sa ibang babae. Hahaha. Stupid. Hayop talaga sa imagination ‘tong utak ko eh. Hello? Di nya kaya magagawa sa akin yun. Malabo. Hindi ako magagawang pag taksilan at lokohin ni Dustin. Hindi. Sana hindi.

Hanggang sa nakauwi ako sa bahay, feeling ko lutang pa rin ako. Alam ko namang chismis lang yun at walang katotohanan, pero bakit ganito? Bothered na bothered ako. Dagdagan pa nung malupet kong imagination. Kainis. Ayoko ng ganito. Saka dapat ma-clearout na yang misunderstanding na yan! Baka makaapekto pa yan sa application ko kapag kumalat na buntis ako.

Saka ayoko rin naman na malaman yan ng pamilya ko, ano nalang ang sasabihin nila kay Dustin diba? Baka akalain nila na walang respeto sa akin si Dustin. Manyak lang sya pero ang totoo, nirerespeto nya ako.

THURSDAY MORNING

“Pasok ka?”

Aba! ang aga yata ng babaeng ‘to, himala! Magugunaw na ba ang mundo? And for the first time, nag punta sya sa bahay ng maaga during a school day. What’s up with that?

“Oo naman, bakit?” nag taas ako ng kilay kasi tinitigan nya lang ako. Ang lalim naman yata ng iniisip ng babaeng ‘to. “Huy!”

“Ah wala lang. Gusto mo wag nalang tayong pumasok?”

Tama ba ‘tong naririnig ko? Ang nag-iisang Tammyra Samantha Chung nag aaya na wag kaming pumasok? Ha! Na-engkanto na yata ‘tong friend ko.

Natawa nalang ako sa kanya, “Ano ka ba? Di pwede!”

“Ha!? Ah— Eh… uhm. Wala naman tayong gagawin kasi may mga darating na bisita sa school diba?”

“Hindi nga pwede kasi namimiss ko na si Dustin.” hinawakan nya yung braso ko ng mahigpit kaya napatingin ako sa kanya.

“H-ha? Eh—… sure ka?”

Kung sure ako? Let me think. Ilang araw kaming di nag kakatext nor nagkakausap nor nagkita, so yes. Sure ako na namimiss ko sya.

“Oo naman. Alam mo, ang weird mo today. What’s up?”

“Ah kasi—…”

Nag vibrate yung phone ko kaya nag excuse muna ako kay Tammy para tignan kung sino ang nag text.

From: Mi Novio

Asa school ka na?

Napangiti ako, “Nag text na ang love of my life. Tara na?”

Ayaw pang umalis ni Tammy sa kinatatayuan nya kaya hinila ko na sya. Ewan ko ba, ganon nalang ba talaga kalakas yung katamaran nyang pumasok today?

Pag dating namin ng school, sobrang naiilang ako sa mga tao. Pano ba naman kasi, mula nung pag pasok namin ng building pinagtitinginan ako na para bang alien ako.

Bigla namang nag pop-out sa isip ko yung about sa issue na buntis ako. Oh noes! Malamang dahil sa issue na yun kaya ganito nalang ka-weird ang mga tao ngayon.

“Tammy, alam mo na ba yung about sa issue?” tanong ko sa kanya habang nag lalakad kami papunta sa respective classrooms namin.

“A-anong issue?”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon