This Moment is Infinite
CHAPTER 54“Anong ibig mong sabihin?” nalilito kong tugon. Feeling ko 'di ko na marinig yung ingay na asa paligid ko at pati na rin ang mga susunod nyang sasabihin.
“I’m sorry.”
Sorry ng sorry! Ano ba!? Hindi naman ako mapapaintindi ng sorry mo. Sabihin mo na yan ng matahimik na ‘tong kaluluwa ko.
“I lied. Hindi si Dustin ang ama ng dinadala ko.”
“Niloloko mo ba ako?” I flashed a bitter smile. “Kasi kung oo, 'di ka nakakatuwa.”
Hindi sya nag salita, umiyak lang sya. I want to slap her hard pero 'di ko magawa. Sinasabi nya lang ba ‘to ng dahil sa nalaman nyang may sakit ako at nakokonsensya sa or talagang 'di si Dustin ang ama ng bata? I can’t figure out kung alin sa dalawa ang gusto kong paniwalaan.
Naiinis ako. Sobrang naiinis ako, to the point na gusto ko nalang umiyak at tumakbo paalis para isigaw tong samang nararamdaman ko sa loob ko.
“Bakit mo ginawa sa akin ‘to? Sa amin ni Dustin? Di ka naman namin inaano ah!” ang bait ko nga sa kanya eh, tapos pati na si Dustin. Concern pa nga kami nung mga panahong baliw sya eh! Baliw sa pag-ibig. Tapos ito ang igaganti nya? Ayos din ah!
“Sorry kung pinaglaruan ko kayo.”
I smirked.
“Sa dinami-dami ng laruan sa mundo, puso’t isip ko pa ang napili mo.” hindi ko alam kung bakit naluluha ako. Pero isa lang ang alam ko, hindi tears of joy ‘to. Sa sobrang inis lang siguro kaya ako naluha.
“I didn’t know what to do. Akala ko magkakabalikan kami, but after Steven and I did the deed, bigla syang nawala. Nag kita kami kanina tapos sinabi ko sa kanya ang totoo, pero ayaw nyang panindigan.” she said while crying continuously.
“So wala talagang nangyari sa inyo ni Dustin?”
Umiling sya, “Nung araw na ni-reject mo sya, nagpakalasing sya. Tinawagan ako ng kaibigan nya para sunduin si Dustin. He was really drunk that night kaya nag take advantage na ako, ipinalabas ko na may nangyari sa amin kasi 'di ako sure kung nabuntis ako ni Steven. I totally lost it for a while, I’m sorry Gia.”
Napakunot-noo ako sa nalaman ko. Puñeta talaga! Kung kelan nakapag-decide na akong mag bagong buhay kasama si Gab saka ito mangyayari. Ano pa tadhana? Ano pa ha?!
“Anong mangyayari sayo at sa baby mo kung sasabihin ko ‘to kay Dustin?”
Napabuntong hininga sya.
“I-I don’t know. I really don’t know. But one thing’s for sure, babalik sayo si Dustin at mapipilitan akong sabihin sa pamilya ko ang totoo. Natatakot ako Gia, I don’t want to lose the baby.”
Kung may super powers lang ako, babalik ako dun sa panahong pinakiusapan ako ni Dustin para balikan sya. Kasi kung naging matapang lang ako edi sana wala kaming problema ngayon.
“You can label me as a selfish bitch, pero gagawin ko ang lahat para di mawala sa akin ang baby ko. So please Gia, kalimutan mo na si Dustin. Ipaubaya mo na sya sa akin. Please.”
My brows furrowed nung marinig ko yun. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya.
“Para saan? Para habang buhay mo syang lokohin? Kaya mo ba talagang mabuhay na kasama si Dustin knowing na niloloko mo lang sya?”
“Oo! kakayanin ko para sa baby ko.” she said with an aggressive tone.
I gave her a bitter smile.
“Para ba talaga sa baby mo o para sa sarili mo? I bet ayaw mo lang malaman ng pamilya mong na fuck and run ka. Matapos kang gawin nung ex mo, tinakbuhan ka. Kaya ito ka ngayon, nagmamakaawa sa akin para ipaubaya sayo ang taong mahal ko. Very brilliant bullshit Gwen.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.