This Moment is Infinite
CHAPTER 13Habang nag lalakad ako papunta sa Gelatissimo, may nakita akong dalawang taong nag-aaway hindi kalayuan sa kinatatayuan ko. Hindi ko balak na makinig sa kung ano mang pinag-uusapan nila pero rinig ko yung sinasabi ng babae, sa lakas ba naman kasi ng boses nya eh.
"So sinasabi mong hindi mo kayang ma-in love sa akin? How dare you! Ang dami-daming lalake ang nagkakandarapa sa akin tapos ngayon, babalewalain mo lang ako? You must be crazy!"
Pasigaw nyang sabi kay Miki. Yes, si Miki yung lalakeng kausap nya. Nanlaki nalang yung mata ko nung bigla syang sinampal nung babae sabay alis. Walang kibo si Miki, nakatayo lang sya doon at hinihimas nya yung mukha nya pagkaalis nung babae.
"Masakit?" tanong ko sa kanya in a soft voice.
Aish. Ano bang iniisip mo Gia? Syempre masakit yun! Ang engot mo talaga.
Ngumiti lang sya, "Oo eh. Bakal yata yung kamay ng babaeng yun eh."
Natawa nalang din ako sa kanya. Sya na nga itong nasampal at lahat-lahat, nagagawa nya pa ring mag joke.
"Ice cream?" once in a blue moon lang ako mag aya kaya dapat di nya ito i-turndown.
"Ililibre mo ba ako?"
Kunwari nag-isip pa ako nun. "Pag-iisipan ko muna." sabi ko with a hint of smirk.
"Tara na nga!" sabay hila nya sa kamay ko.
Pag dating namin sa gelatissimo, as usual.. umorder nanaman sya nung paborito nya. Chocolate ice cream na may mix ng tiramisu, ako naman macadamia and caramel.
"Parehas kayo ni Dustin, favorite nya din yan."
"Oo nga eh. Halos parehas kami sa lahat ng bagay, pati din sa babaeng mamahalin."
Napatingin ako sa kanya. Nginitian nya lang ako na para bang wala lang sa kanya yung sinabi nya. Naman Miki eh, wag ka ngang ganyan! Di ko alam kung pano mag rereact dyan sa mga sinasabi mo eh. Di pa pwedeng shut up ka nalang pag dating sa ganyang bagay?
"Hindi mo yata kasama si Dustin ngayon?"
"Practice. Pero pupuntahan nya ako dito mamaya."
Ngumiti lang sya ulit. Napatitig ako sa kanya.
"What? May dumi ba ang mukha ko?"
"Parang ang saya ng buhay mo. Palagi ka lang nakangiti na para bang wala kang problema."
Medyo hinawi nya yung buhok nya palikod nun.
"Kasi kung iisipin ko ng iisipin yung problema ko, walang mangyayari sa akin. Mas mabuti ng tawanan ko nalang."
Tama nga naman. Mas mamomroblema ka lang kapag inisip mo yung problema mo.
"Alam mo yung kantang don't worry be happy ni Bob Marley? Yun ang lagi kong pinapakinggan kapag may problema ako."
Kinanta nya pa yung chorus nung sinasabi nyang kanta. Ang loko nga eh, ang kulit pa ng boses. Gusto nya daw kasi ginagaya ang boses ni Bob Marley.
Habang nagkukulitan kami ni Miki, napansin ko namang kanina pa tingin ng tingin yung mga babae na asa tapat namin. Kinalabit din ni Miki yung kamay ko saka sinabi na lumipat daw kami sa labas kasi naiilang sya. Pansin nya rin pala yung mga babae.
Ayun, lumipat din naman kami. Pag upo namin sa labas, nakita namin yung kaklase namin ni Dustin, iniwan nya din muna kay Miki yung gitara nya kasi may pupuntahan lang daw sya saglit.
"Marunong kang mag gitara Miki?"
"Medyo lang."
Nakakatuwa lang yung mga lalakeng marunong mag gitara, parang ang cool nilang tignan.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.