CHAPTER 8: The more you hate, the more you love.

620 9 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 8

“Gia, bakit blooming ka ngayon?”

“Wag mo nga akong pinaglololoko.” sinimangutan ko naman sya.

Ang aga-agad pinaglololoko na agad ako ng mga ‘to? Blooming? Blooming your face. Chura neto. I’m the same old me, walang blooming-blooming. Aysus!

“Ang aga-aga nakasimangot ka na agad. Pero totoo nga Gia, blooming ka ngayon.”

“AY! In love ka siguro no?”

Etong mga ‘to ang aga mag joke. Nakakapikon! At bakit naman ako maiinlove? Hindi naman ako in love, kung maka gawa to ng issue tong mga to.

“Tigilan nyo nga ako.”

Umayos ako ng upo nun saka nag sketch. Habang nag s-sketch ako, napalingon naman ako sa may labas ng bintana. Nakita ko si Dustin na may kasamang babae at naka akbay pa sya dito. Paikot kasi yung building namin kaya kita mo yung kabilang banda ng third floor pag lumingon ka sa bintana. Tss! Ang aga-aga nag lalandian na agad.

“Tss, ang aga aga eh.”

“Ano yun Gia?”

Yumuko nalang ulit ako nun at nagpatuloy sa pag sketch.

“Wala.”

Napaka uneasy ng feeling ko, hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. What’s wrong with me today? Naka ilang ulit na ako pero wala pa din. Mga ilang minuto na rin yung nakalipas at patuloy pa rin ako sa pag s-sketch ng may bigla namang umihip sa tenga ko kaya nagulat ako. Hindi ko kasi napansin na may lumapit sa akin.

“Morning. Seryoso ka ata sa ginagawa mo?”

Inirapan ko lang sya sabay tayo, “Tabi nga.”

Lumabas ako ng room para sana mag cr, pag dating ko sa may bandang dulo, may lalakeng lumapit sa akin.

“Miss, penge namang number mo.”

“Ang matinong lalake, pangalan ang unang itinatanong sa isang babae. Hindi yung cellphone number nya.”

Bakit nakakapikon yung mga tao ngayon?

“Ah, diba ikaw si Gia? Sige na, pengeng number mo.”

“Tigilan mo nga ako. Baka gusto mong ihampas ko tong fire extinguisher sa mukha mo?”

Asa gilid ko lang kasi yung fire extinguisher nun. Pinag tawanan lang sya ng mga kasama nya nung sinabi ko yun.

“Bwiset! Maka alis na nga lang.” bumalik nalang tuloy ako ng room.

Sa labas ng room, may nakikipag lampungan nanaman. Kanina lang yung third year ang kasama nya, ngayon naman yung isang fourth year na tiga ibang section. Naupo na ako sa upuan ko nun.

“Gia, bakit bad mood ka yata bigla?”

“I'm not in a bad mood, everyone is just annoying.”

Pero ang totoo, hindi ko din alam kung bakit nagkakaganito ako. Bigla nalang akong na bad mood. Bipolar yata ako eh?

Nung pumasok si Dustin, inilagay ko na agad yung earphones ko para makinig ng music. Pag hindi ko kasi ginawa yun, paniguradong kukulitin lang ako ng taong to. Kakapasok nya pa lang, lumabas nanaman ulit sya kasi may tumawag na babae sa kanya. What a jerk!

Sinubukan ko nalang mag draw ulit. Whenever I’m in a bad mood, I draw. Tumabi na sa akin ngayon si Dustin at kausap ng kasuap sa akin.

Let me tell you one thing. Don't bother communicating with me when I’m pissed or in a bad mood. I am a professional when it comes to ignoring.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon