This Moment is Infinite
CHAPTER 53“Pinapakaba mo nanaman ako Mommy eh!”
Tumawa lang sya at patuloy na kinakain yung apple na kanina nya pa pinagdidiskitahan. Nung nakaraang linggo, nahimatay sya ng dahil sa pagod ngayon naman niloko nya ako na dinudugo daw sya. Yung totoo, adik ba ‘tong nanay ko?
“Kelan mo sasagutin si Gab?”
Aba’y malay ko? Pag puti ng uwak siguro. Uyy! Joke lang. Syempre pag totally na naka move-on nako, at syempre din di pa yun ngayon.
“Secret.” binato nya ako ng grapes.
“Dali na kasi, kelan?” hala! Ang kulit ni Mommy ah. Kinikilig pa. PBB Teens! PBB Teens!
“Ewan mum, okay? Aalis na po ako. Magkikita kami ni—” hindi ko na natapos yung sinasabi ko kasi biglang sumingit si Mommy.
“Ni Gab?”
“Hindi po, kami po ni Tammy ang magkikita. Diba nga 'di kami nag kita nung nakaraan.”
“Akala ko si Gab eh. Dito kayo mag dinner ng future son-in-law ko ha.”
Sino? Si Dustin? Hahaha! Joke ulit.
Tumango ako at nag kiss sa kanya. Pinaglilihian nya nga yata si Gab eh. At ito pa, pag lalake daw ang magiging kapatid ko, Gabriel Claud daw ang ipapangalan nya at kapag babae naman, Gabriela Claudelle para sunod daw sa pangalan ko at ni Gab. Oh, ngayon nyo sabihin sa akin ni di sya nag lilihi kay Gab.
Nag punta ako sa Pancake House sa may Downtown, andun na ang Power Puff Girls (Tammy, Jan & Cassy) at ako nalang daw ang hinihintay. Pre-birthday celebration ngayon ni Jan, sa makalawa pa kasi talaga ang birthday nya pero gusto nyang mag celebrate ngayon kasama kami tapos ulitin naman daw namin bukas. Medyo adik.
Pag pasok na pag pasok ko pa lang, sinalubong na agad ako ng hug ni Tammy. Oh ano? Sobra lang akong na-miss? Niyakap ko rin sya pabalik at ngumiti ako sa iba.
Alam nyo yung mga araw na parang narealize mo lang bigla kung gano ka kaswerte sa mga taong meron ka sa buhay mo? Isa ‘to sa mga araw nayun eh. It’s nice to know na kahit ilang problema na ang dumating sa akin, at kahit na punong-puno na ng kadramahan ang buhay ko, andyan pa din sila at patuloy akong sinasamahan sa journey ko.
Piece of advice— kung may kaibigan kang andyan pa din sa tabi mo kahit na tinalikuran ka na ng mundo, never ever let that person go bro, that friend is for keeps.
“Anong meron at parang ang saya mo yata? Iba yung aura oh.” tanong nya na parang nang-iimbestiga.
“Kasi pre-birthday celebration mo?”
“You’re lyingggg.” she sometimes prolongs a word which annoys me. Sabayan pa na she’s nudging me. “Spill.” parang ewan ‘to oh.
“Wala nga.” I sighed, “Fine. Alam mo yun, parang feeling ko kasi may magandang mangyayari ngayon.”
“How so?” tanong ni Cassy.
“I don’t know. Basta I just have that feeling.”
“Baka magkakabalikan na kayo ni Dustin.” pagbibiro pa ni Jan.
Ngumiti lang ako sa sinabi nya, I didn’t take it seriously though. Ginagawa nalang naming biro yung sa amin ni Dustin ngayon. Sisikuhin sana sya ni Cassy pero napigilan nya ito.
“Pero aminin, sumaya ka dun saglit. Mga .1 micro second.” sabi nya habang nakangiti na abot hanggang langit.
“May micro second ba?” taas kilay na tanong sa kanya ni Cassy.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.