This Moment is Infinite
CHAPTER 6Pagpasok ko pa lang sa school gate, pinagtitinginan na ako ng mga tao na para bang isa akong criminal kaya tuloy nagtaka ako.
“Huuuuuuy! Gia! Di mo sinasabi ah, kayo na pala ni Dustin.” bungad agad sa akin ng kaklase ko pag pasok ko ng classroom.
“Ano? Hindi ah!”
Sabi ko na nga ba eh! Dustin humanda ka talaga saken, kasalanan mo talaga to.
“Nakita kayo ni Helen eh tapos nung mga third year.”
“Sinamahan ko lang yung tao eh.”
“Ready ka na ba?”
Ano nanaman ba to? Ready saan? May gyera ba akong pupuntahan?
“Ready saan Janice?”
“Sa mga batikos ng mga fans ni Dustin.”
Naku! Tigil-tigilan nila ako at baka ibitin ko sila ng patiwarik. Naupo nalang ako sa upuan ko. Saglit lang, dumating na din yung homeroom teacher namin.
Bakit kaya wala pa yun, andito na yung teacher namin ah. Hanggang sa umabot yung recess, wala pa din sya. Nakakapanibago, dati rati kasi lagi kaming sabay na kakain sa cafeteria. Asan na kaya yun? Inaya ako ng mga kaklase kong kumain sa cafeteria, tutal wala naman si Dustin pumayag na rin ako. Nasanay lang siguro akong may nanggugulo sa akin lagi.
Pabalik na ako ng classroom nung may lumapit naman sa aking mga babae.
“Ikaw pala ang bagong girlfriend ni Dustin?”
Tinignan nya ako from head-to-toe. Teka, parang namumukhaan ko to ah. Sya yata yung isinakay ni Dustin sa kotse nya last week lang. Ano naman kayang kailangan ng isang haliparot sa isang dyosang katulad ko? Kung gusto nya ng away, no. Pass muna ako dyan kasi masisira ang beauty ko. Ayokong makipag-away kaya hinayaan ko nalang. Maglalakad na sana ulit ako nung bigla nyang hinawakan ng mahigpit yung braso ko.
“Don’t you dare walk away from me kapag kinakausap pa kita.” naloka ako sa laki ng butas ng ilong friend, akala ko mahihigop ako papasok eh.
“I don’t talk to strangers, miss.” sabay tanggal ko nung kamay nya sa braso ko.
Nag tinginan na yung mga tao sa amin. Yung mga kaklase ko, dumating din nun at nasa likuran ko lang.
“Hoy Andrea! Ano bang problema mo? Hindi ka naman inaano ni Gia ah!” sabi nung isa kong kaklase sabay hawak sa balikat ko na para bang nagsasabing, ‘andito lang kami para alalayan ka’.
“Itong babaeng to! She’s my problem. He stole Dustin from me!” ang arte-arte at pasigaw nya pang sabi. Hala sya! Nakatakas sa mental mga friend. Ibalik yan sa Mandaluyong! Gora!
“Kung may problema ka sa akin, problema mo yun. Hindi ko na problema yun.” kalmado kong sabi sa kanya.
Nag cross-arms lang sya sa harapan ko habang nagtataray. Wait, may kamuha sya. Tama, si Daisy Duck. Buti di pa ‘to hinahanap ng may ari.
“I’m a bitch and everyone knows it kaya wag mo akong susubukan.”
Nakapag taas tuloy ako ng kilay ng wala sa oras. Pinapainit mo ulo ko! Baka gusto mong i-hi five ko yang mukha mo gamit ang upuan!?
“You said you’re a bitch, but being a bitch means you’re a little mean. Just so you know sweetie, I’m a bad bitch which means I have the total fvckin’ package.”
“You—…”
Pinutol ko na agad kung ano man yung sasabihin nya kasi hindi pa ako tapos sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.