This Moment is Infinite
CHAPTER 17“Nakahanap na kami ng suitable donor para sayo.”
Nung marinig ko yun, biglang pumatak yung mga luha ko. I’m really happy. After 10 years of waiting, may nahanap na kaming donor para sa akin.
Since birth, I have a serious medical condition. I have an enlarged heart and was diagnosed with Dilated or congestive Cardiomyopathy also known as DCM. The pumping chambers of my heart contract poorly.
Tito Fred’s a general surgeon and a cardiologist at the same time. And sya na yung naging doctor ko ever since. Itinago namin kina mommy at daddy yung katotohanan. Or more like, niloko ko sila at idinamay ko pa sina Tita Margaux at Tito Fred. Ipinalabas ko na nagkaroon na ako ng heart transplant, na okay na ako at namumuhay na ako ng normal. Alam kong mali, pero ayoko lang kasing mamuhay kaming malungkot habang buhay.
Ayokong makitang miserable ang mga magulang ko, dahil sa akin. Ayoko ng makita ulit yung itsura nila nung araw na nawala sa amin yung kapatid ko. Gusto ko, kung mawawala man ako eh yung tahimik nalang. Ito yung dahilan kung bakit ayoko sanang ma-in love at mapalapit sa kung sino man, kasi alam ko na isang araw, mawawala din ako ng ‘di inaasahan.
“Pero kailangan pa nating mag hintay ng 2 months bago maisagawa yung heart transplant. Ang sabi kasi ng pamilya nung donor, kailangan pa nilang hintayin yung desisyon ng buong pamilya before sila mag decide na ipa tanggal na yung life support nito.”
Ngumiti lang ako nun kay Tito at niyakap sya. I can’t believe it. Finally, may chance na akong mabuhay ng normal.
“Kung nakapag hintay nga ako ng 10 years, 2 buwan pa kaya?”
Pinat nya yung ulo ko sabay gulo ng buhok ko. Ish, nagulo tuloy ito.
“Alam mo namang gagawin ko ang lahat para lang gumaling ka diba? Ikaw lang ang nag-iisa kong pamangkin.”
“Thank you Tito.” tugon ko at mas hinigpitan ang yakap ko sa kanya.
**
Yung saya ko hindi ko maitago hanggang nung sumunod na araw. Nung sinundo ko si Dustin, tinignan nya ako na para bang galing ako sa ibang planeta.
“Bakit ganyan ka makatingin?”
“Bakit ang saya mo yata ngayon?” uy, pansin nya pala? Ganon na ba talaga ka obvious?
Ngumiti lang ako sa kanya, ayoko pa kasing sabihin sa kanya yung about sa medical condition ko. Napag desisyunan ko na kasi na sasabihin ko lang sa kanila kapag malapit na yung operation ko.
Pag dating namin sa school, hinintay kami ni Miki at Lex sa entrance. Aalalayan kasi nila si Dustin paakyat ng room. Sabi nya, kaya na daw nya pero halata mo namang nahihirapan pa din sya. Batukan ko nga! Ang arte eh.
“Aray, napaka sadista mo talaga.”
“Wag ka kasing magulo.”
Nakakunot-noo pa sya nun habang makarating kami sa room.
Tingin ko gusto na talaga nyang gumaling agad, sya kasi yung tipo ng tao na ayaw na tinutulungan sya. Ayaw nya rin makitaan ng kahinaan. Isa pa, sa Monday na yung first game nila kaya gustong gusto na nyang gumaling at matanggal yung supporter na inilagay sa paa nya.
Sa sabado pa tatanggalin yung supporter nya kaya if ever na okay na sya by then, may isang araw pa sya para makapag practice.
Nung break time, ako lang yung pumunta ng cafeteria para bumili ng snack namin ni Dustin. Habang nag lalakad ako pabalik ng room, tinawag naman ako ni Mrs. Ty.
“Come with me.”
“Ma’am, okay lang po ba kung pupunta muna ako sa room? Ibibigay ko lang yung snack ni Dustin.”
Tumango naman sya at sinabing puntahan ko nalang sya sa music room kaya agad na akong umalis at pumunta sa room.
“Aalis ka nanaman?”
“Ipinatawag ako ni Mrs. Ty, I don’t know why pero I’ll be back.”
Dumiretso na ako sa music room at nakita ko nga dun si Mrs. Ty na nakaupo sa harap ng piano.
“Rivera, c’mere.”
Sabi nya habang tumutugtog ng piano. Kaya ako naman, lumapit din. Saka lang sya huminto sa pagtugtog nung malapit na ako sa kanya. Sya nga rin pala yung music teacher naming at vibes na vibes ko.
“Ikaw yung napili namin para maging representative ng school.”
“Oh okay, I’m lost. Representative? Uh, saan po?”
Tumayo sya nun and then she gently held my hand. Alam nyo yung tipong pa-sweet na may halong pagmamakaawa? Ganon eh.
“I know it’s too sudden pero wala na kasi kaming ibang maaasahan. Dapat si Thia Goles ang magiging representative, pero tumawag yung mommy nya kanina lang at sinabing nagkaron ng bulutong si Thia.” hingang malalim, “Please.”
Napa buntong hininga nalang talaga ako, eh may magagawa pa ba ako?
Every year, nagkakaroon sila ng tinatawag na ‘United by Music Program’. Isang event na a day before the last day of the inter-high competition isinasagawa. And bawat school na kasali sa inter-high competition, dapat may isang representative na tutugtog ng kahit ano mang musical instrument.
So dahil wala nga si Thia, ako ang magiging representative ng school sa araw na yun.
“Sunday next week na po yan, tama?” napahinga nalang akong malalim. Ayoko namang biguin si Mrs. Ty, gusto ko din namang tumugtog so okay then. “Sige po.”
Bahagyang ngumiti sa akin si Mrs. Ty at tinapiktapik yung kamay ko na hawak nya.
“I knew I could count on you. Yes, Sunday next week na yun.”
Ngumiti ako. Bigla kasi akong naexcite nung naisip ko yung mga tutugtugin ko. Tanungin ko kaya si Dustin kung anong gusto nya? Tama.
“2 ang tutugtugin mo, choice mo yung isa at yung isa naman is Fur Elise.” sakto. Yung favorite nalang ni boyfie ang tutugtugin ko, sana di ko sya makalimutang tanungin later.
“Fur Elise? Yung kay Beethoven po yun diba? Hindi ko po alam yun tugtugin eh.”
“Don’t worry, tuturuan kita plus ibibigay ko din sayo ang music sheet ko nun. Be here every after class, mapapractice tayo.”
Umalis na din agad sya nun kasi may pupuntahan pa daw sya. Ako naman, bumalik na ng room. Pag dating ko dun, tinanong ko agad si Dustin kung ano yung paborito nyang piano piece at baka kasi makalimutan ko pa.
“Uh, canon. Yung version ni George Winston, bakit mo nga pala natanong?”
“Natanong ko lang, gusto kong tugtugin yun para sayo.”
Aba! Ang loko, ang laki nanaman ng ngiti sa akin. Feeling nya naman mahal na mahal ko sya dahil lang sa tutugtugin ko yung favorite nya, excuse me lang ha.
Pag dating ko sa bahay, mabilis kong ginawa yung mga ritwal ko bago matulog tapos matapos yun, nag research muna ako. Syempre ano pa nga ba ang ireresearch ko kundi yung kantang sinabi ni Dustin kanina. Kinuha ko yung chords nun tapos pinakinggan kong maigi at nidowload ko na din para mapakinggan ko lagi.
Kinabukasan, nag practice na kami ni Mrs. Ty at una naming prinactice eh yung ‘Fur Elise’ ni Beethoven. After ng isang mahabang practice, umalis na rin sya at iniwan akong magisa sa music room, sabi ko kasi ipa-practice ko pa yung isa ko pang tutugtugin.
Madami pa akong sablay sa Canon ko pero kahit papaano, nakukuha ko naman na din. Yun nga lang dahil sa medyo naaasar na ako sa mga sablay ko, nahampas ko nalang yung piano. Nagulat naman ako nung may biglang pumasok ng music room at nilapitan ako.
“Would you like me to help you out? I know that song, favorite ko kasi yan.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.