CHAPTER 4: One of a kind.

613 11 5
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 4

“Hey new girl!”

“What?”

Hinawakan nya yung noo nya. “Hindi ka man lang ba mag so-sorry sa ginawa mo? Ang sakit sakit ng noo ko!”

“Pwede ka ng artista. Ang arte, ang hina lang nun eh.”

“Hindi kaya! Masakit yun! MASAKIT!” with feelings nya pang sabi. Uhg. Drama. This is why I hate high school. Ang daming artista.

“Umalis ka sa harapan ko, tirisin kita dyan eh.”

“Sa liit mong yan matitiris mo ako?”

“Hindi ako maliit, may sa higante ka lang talaga!”

May katangkaran din naman ako, maliit nga lang ako tignan pag katabi ko ang lalakeng to. Kung ako 5’5, mga 5’8-9 naman sya.

“Mag sorry ka!”

“Gusto mong mag sorry ako sayo? Sige, pag sorry na ang pangalan mo. Tabi nga.” tinabig ko sya nun.

Mag lalakad na sana ako nung may tumawag naman ng pangalan ko kaya lumingon ako, si Miki pala kaya tumango lang ako at ngumiti tas nag simula ng mag lakad ulit.

“Ah, Gia pala ang pangalan mo ha.”

“Ano naman ngayon?”

Bigla nalang syang tumigil sa paglalakad. Buti naman at napagod ka ring mokong ka.

Akala ko okay na eh kaya napangiti ako pero maya-maya pa, narinig ko nalang na isinigaw nya yung pangalan ko.

“GIAAAAAAAAAAA! GIAAAAAAAAA!” ayaw nya pa rin tumigil sa pag sigaw ng pangalan ko. Nag titinginan na yung mga tao sa kanya. Bwiset! Nakakahiya naman tong lalakeng ‘to. Hindi na ako nakatiis kaya nilapitan ko na sya at tinakpan ko yung bibig nya.

“Baliw ka na ba?” iritado kong tanong sa kanya.

“Hoy Dustin! Ano nanaman bang trip mo sa buhay?” tanong nung lalakeng asa may hagdan.

“Nababaliw lang tong kaibigan mo. Hindi pa yata kasi to nag aalmusal eh.” sagot ko sa kanya. Ngumiti lang sa amin yung lalake at umalis na din agad.

“Ano bang gusto mong mangyari?”

“Sabi ko naman sayo! Mag sorry ka sa akin!” nag stomp pa sya nun. Hahaha. Nakakatuwang inisin ‘to.

I smirked, “Ilang beses ko din bang sasabihin sayo, maririnig mo lang yung sorry mula sa akin kapag sorry na ang pangalan mo.”

“Sorry ang pangalan ko!”

“Hindi ah, Dustin kaya ang pangalan mo.”

“I changed my name to Sorry kaya mag sorry na sa akin!”

Hinayaan ko nalang sya at nag lakad na ulit ako. Bahala ka sa buhay mo. Nagugutom na ako kaya iiwanan na kita dyan.

“Hoy! Ilibre mo nalang ako.”

“Mukha ka namang mayaman, siguro naman may pambili ka ng sarili mong pagkain.”

Sumimangot lang sya nun at nag pout. Nakakatuwa ang lalakeng ‘to oh, sarap hampasin ng hollowblocks. Mukhang magiging masaya ang school life ko ah.

“Mukha ka din namang mayaman kaya siguro naman kaya mo akong ilibre.”

“Naku, hindi ah. Mahirap lang ako, scholar lang kaya ako dito.”

“Liar! Tara na! Ilibre mo ako.”

Ang kulit. Hinila nya talaga ako at pumunta kaming cafeteria. Kumuha sya ng kumuha ng mga pagkain dun. “Sya po yung magbabayad ng lahat ng ‘to.” nag smile sya at nag wink sa akin. Luh! Bwiset to oh. Mabulunan ka sana!

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon