This Moment is Infinite
CHAPTER 56Dustin’s POV
I wished for her happiness at ngayong nakikita ko na syang masaya, sobra akong nasasaktan. Ang sakit pala yung makita mo ang babaeng mahal mo na kasama yung lalakeng ngayo’y nagpapasaya sa kanya. Seeing her with him makes me jealous. Crazy jealous. Alam kong hindi na dapat, pero di mo naman mapipilit yung puso mo na wag na mahalin ang isang tao diba?
Habang tinitignan ko yung mga pictures namin ni Gia, nag ring yung phone ko. Psh, si Dave. Hindi ko na sana sasagutin pero nakaka-ilang tawag na ito kaya sinagot ko na.
“Sup?” tinatamad ko pang sabi.
“Pare, I don’t know what’s the real score between you and Gia pero I just want you to know…” huminto sya at parang nag-aalangan kung itutuloy nya pa yung sasabihin nya.
The thing I hate he most eh yung binibitin ako kaya naman 'di ko na sya hinahayaan na manahimik pa.
“What now? What about Gia?”
To be honest, sa bawat segundo na binibitin nya ako, mas kinakabahan ako. What the hell happened to the girl I love? Ay pucha, sabi ko move-on na pero nadudulas pa. Tss.
“Andito kasi ako sa airport then I saw her together with her family. Andun pa nga si Tammy eh, may kausap sya sa phone then bigla nalang syang nag collapse.”
Wait what?
Teka, kelangan ko pa yata ng ilang segundo para mag sink in sa akin yung sinabi nya. Airport, family, collapse.
“C-collapse?” dun na ako nataranta. “San sya dinala? Pare tell me.”
“Sorry pare pero di ko alam eh, pero baka sa pinakamalapit na ospital dito sa airport.”
Ano ba naman kasi ang ginagawa nya sa airport? Aalis ba sila ng pamilya nya? Pero 'di naman siguro sasama si Gia, graduation kaya namin sa Friday. First honorable mention sya kaya imposibleng 'di yun mag punta.
“S-sige pare, salamat.” I dropped the call then kinuha ko yung susi ng kotse ko at nag drive ako papunta sa ospital na malapit sa airport. Mag babasakali ako na andun sya.
Nung asa kotse na ako, nag ring ulit yung phone ko. This time, the call was from Gwen.
“Shit.”
Ayokong sagutin yung phone call. Just this one Gwen, just this one. Please. Hindi muna kita mauuna ngayon, si Gia muna. Si Gia naman muna ang uunahin ko ngayon.
But it didn’t stop. She didn’t stop. Tawag pa rin sya ng tawag.
“I said I can’t!” sigaw ko habang hawak ko ng mahigpit yung phone ko. Itinigil ko yung kotse at lumabas ako para itapon ito, nakita ko pa kung paano nagkalasug-lasog ito.
I drove to the hospital, dumating ako dun 30 mins after. Nag tanong ako sa nurse’s station kung may patient ba silang Gia Claudelle Rivera at ang sabi asa room 517 daw. Agad ko naman itong pinuntahan, 'di ako mapakali habang nag lalakad ako sa hallway papunta sa room nya. What’s wrong with her? Ba’t sya nag collapse?
The moment I reached her room, domoble yung kaba ko. The door was open kaya dahan-dahan ko itong binuksan, and what I saw broke my heart— into a million pieces. He was hugging her and she hugged him back. Nag alala pa naman ako kasi akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya tapos ito lang pala ang madadatnan ko. Pucha namang buhay to oh.
“I love you so much so choose me instead, Gia.”
Ang sarap pumatay! I want to kill him right this instant. Hindi ko nagugustuhan yung sinasabi nya. I was hoping na hindi sumagot sa kanya si Gia kasi natatakot ako, natatakot akong bigyan sya ng chance ni Gia at tuluyan na akong makalimutan.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.