This Moment is Infinite
CHAPTER 37“Hi babe, nawala ka sa party kahapon. Hinahanap ka ni Tammy at ng iba pa, may nangyari ba?” tanong sa akin ni Dustin, concern is evident in his voice.
“Sorry, medyo sumama lang ang pakiramdam ko kaya umuwi na ako. Pasensya na kung hindi ako nakapag-paalam.” I heard a sigh of relief on the other side, “Sige Dust, gotta go. Bye.” I dropped the call. I don’t know what to do anymore.
Gusto ko syang ipaglaban pero tama din naman yung Lolo nya, sa loob ng dalawang linggo, marami pang pwedeng mangyari. Naka-schedule yung operation ko sa second week ng December. Medyo matagal pa.
I’m so stupid. May pa-one minute one-minute pa akong nalalaman, eh alam ko naman sa sarili ko na ipaglalaban ko si Dustin. Tama, hindi ko sya susukuan. May mga pagsubok na kaming nalampasan kaya makakaya namin ‘to. Uhg. I hate it when I overthink things!!
As Monday rolled around, pinilit kong maging normal towards Dustin pero nagmumukha akong retarded. I need to tell him, pero parang may part saken na pumipigil sa akin.
“Okay ka lang babe?” nagulat ako nung bigla nalang syang nag tap sa balikat ko kaya na-brush off ko yung kamay nya.
“A-ah, oo. O-okay lang ako, don’t mind me.”
“Ihahatid kita, matagal na kasing di kita nahahatid babe eh.”
“No, wag na. S-si dad, susunduin ako.” mabilis kong sagot sa kanya. Ano ba Gia? Miss na miss mo na si Dustin! Wag mong ideny kaya wag ka ng mag-inarte dyan.
Nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa magkabilang balikat at tinignan ako ng seryoso, “May problema ba tayo Gia?”
Yung tingin nya parang hanggang kaluluwa yung kita, tinignan ko lang din sya ng diretso saglit tapos tumingin ako sa baba then I shook my head, “I’m just being stupid. Sorry. Sige, hatid mo na ‘ko.” pagkakataon ko na para sabihin sa kanya eh.
Yun lang naman ang dapat kong gawin eh, ang sabihin sa kanya yung about sa sakit ko tapos syempre idadagdag ko yung about sa nalalapit na operation para pampalubag loob, tapos it depends upon him kung anong magiging desisyon nya. Kaso natakot ako na baka pag sinabi ko, iwanan ako ni Dustin kasi ayaw nya ng girlfriend na sakitin. Yung girlfriend na di sya sure kung makikita nya pa sa mga susunod na araw. I’m damn scared.
He hugged me tight then I heard him sob, “I love you so much. Natakot ako, akala ko kasi ayaw mo na sa akin at iiwan mo na ako.”
I patted his head, “I love you.”
I was relieved nung naassure nya ako na parehas kami ng nararamdaman. Takot na takot rin akong maiwan. I've bee lonely for so long. Ayoko ng maramdaman ulit yun.
Kaya lang 'di talaga mawala yung takot na baka isang araw, pag nalaman nya yung sakit ko, iiwan nya nalang ako.
Inihatid ako ni Dustin at habang asa sasakyan kami, parehas lang kaming tahimik kaya nakakapanibago tuloy. Pag dating namin sa bahay, inaya ko syang pumasok pero sabi nya wag nalang daw. Nakasandal sya sa kotse nya ngayon habang hawak hawak nya yung kamay ko.
“Babe, date tayo bukas?”
“Eh may pasok kaya tayo.”
“Edi absent tayo.” kinaltukan ko nga! Mas inuuna pa yung date kesa sa pag-aaral eh.
Tumawa lang sya at mas hinigpitan ang hawak sa kamay ko tapos hinila nya ako papalapit sa kanya saka nya ako niyakap ng mahigpit. Wow, so he’s a real hugger now.
“Umuwi ka na nga, nahahanginan na utak mo oh kaya kung anu-ano nalang ang pumapasok sa isip mo.” nag pout naman ang loko kaya natawa ako.
"Bye pogi.” binigyan ko sya ng smack tapos pumasok na ako ng bahay. Nakita ko naman syang parang baliw na ngumingiti mag-isa nung napalingon ako kaya napangiti nalang rin ako.
Kung mawawala sya, makakaya ko kaya?
“Hi mom. Ano yan?” agad kong tanong nung nakita ko si Mom sa living room na may binabasang documents. Agad nya naman itong itiniklop at inilagay sa drawer.
“Wala baby, random documents lang. Nag meryenda ka na ba? May inihanda ako para sayo.” hinalikan nya ang noo ko at hinila ako papunta sa kitchen. Tamang tama, nagugutom pa naman ako.
“Mom, kanina napag-usapan namin yung about sa prom. Sabi ni Tammy sya daw mag dedesign ng gown na susuotin ko. Tingin mo?” na-excite tuloy ako para sa prom. Parang napaka-magical kasi eh. Hindi every year yung prom namin, di tulad ng sa dati kong school. Last year si Erl yung partner ko, this year sana si Dustin na.
“Sige, tignan natin. Si Tammy din ang nag design ng gown mo nung birthday mo diba? She’s really good, dapat mag enroll sya sa fashion school.”
Napangiti ako.
“Yun din po ang sabi ko sa kanya pero gusto nya mag culinary, idol nya daw po kasi kayo.” natawa naman si Mom. Simula nung mga bata pa kasi kami, sobrang idol na ni Tammy si Mom. Sabi nya pag laki nya daw gusto nya maging tulad ng mommy ko, isang kilalang chef. Hindi lang naman fame yung gusto nya, gusto nya daw mag bigay saya sa mga tao sa pamamagitan ng mga pagkaing lulutuin nya. Napaka-lalim talaga ng best friend kong yun.
“Ikaw, anong gusto mong kunin?” napaisip ako sa tanong ni Mommy.
Hindi ko pa talaga napag-iisipan yan dati pero nung nag usap kami ni Dustin, sinabi ko nga na gusto ko maging doctor kaya sinabi ko kay Mom. Natuwa naman sya at sabi nya suportado nya daw ako sa path na kukunin ko.
Nag kwentuhan kami ng nag kwentuhan tapos tawa sya ng tawa kasi ikinuwento ko sa kanya yung lovelife namin ni Dustin. Mas kinikilig pa sya kesa sa akin. If I know naaalala lang nya yung love story nila ni Dad.
Habang napapasarap ang kwentuhan namin ni Mommy, bigla nalang akong napahawak sa dibdib ko kasi nag sisimula nanamang sumakit.
Anong nangyayari? Ba’t naman bigla nanamang ganito?
Nagtataka ako sa katawan ko, feeling ko kasi may nag iba eh. I know there’s something wrong pero iba talaga yung nararamdaman ko nitong mga nakaraang araw. It felt like my condition has gone worse pero di ko lang sinasabi kay Tito.
Hindi na masyadong clear sa akin yung pangyayari, parang asa haze ako. Ang alam ko lang isinakay ako sa kotse tapos sinasabi ni Mommy na malapit na daw kami. Di ko na alam ang sumunod, ang huling naalala ko lang ay mahigpit na hawak ni Mom yung kamay ko, and it feels nice.
“Am I dead? Cause I see an angel beside me.” sabi ko habang hagod-hagod ko ang buhok nya. Ngumiti sya sa akin pag angat nya ng ulo nya. “Hi Mom. Para kang babyahe nyan sa dami ng bagahe sa ilalim ng mata mo.” pag bibiro ko pa. Hindi sya nakatulog, alam kong hindi. Halata sa mata nya, she's got panda eyes.
“Kamusta ang pakiramdam mo?”
“I'm grand. Never felt this good.” I smile to hide the pain. “Kelan ako pwedeng lumabas mom?” hindi sya sumagot, instead tumingin sya sa ibang direction. “Mom?”
“I-I don’t know. Let’s ask your uncle when he gets here.” there’s something wrong. I know there’s something wrong.
Hinintay ko si Tito, at 'di naman nag tagal ay dumating sya. Chineck nya ako at kinausap nya si Mom sa labas ng room. Pag pasok nila, halata mong pilit na pilit yung ngiti nila. I hate it when things get awkward and they have to act like everything’s okay when in reality, things are all fucked up.
“You can tell me, y’know. Ayoko yung nililihiman ako ng about sa sakit ko 'diba?”
Ayan nanaman si Mommy, naiiyak nanaman. And since I hate seeing her cry, I averted my gaze.
Nilapitan ako ni Tito at ginulo yung buhok ko. “You’ll be fine.” tapos nginitian nya ako.
“Not until you tell me kung anong nangyayari. Mamamatay na ba ako?” pagbibiro ko pa, pero sa joke kong yun, napaiyak ko ng tuluyan si Mommy.
"Why are you saying that? Why? Do you really wanna leave me? Do you?" sabi nya habang umiiyak.
“I’m sorry, I’m kidding.” I sighed, “These past few days may nararamdaman akong kakaiba sa katawan ko. Hindi ko alam kung kelan nag simula pero nito ko lang nararamdaman yung pagbabago.”
Nung tinignan ko si Tito, pansin kong pinipigilan nya yung sarili nya sa pag iyak. Huminga sya ng malalim at tumingin sa ibang direction saka nag salita.
“You’re already in the end-stage Gia.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.