CHAPTER 32: This kind of guy.

434 4 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 32

Parehas kaming nagulat kaya naman natahimik kami ng mga ilang segundo. After sometime, bigla nalang kaming nag tawanan.

“Small world huh? Sabi na nga ba tayo ang meant to be eh.”

“Aysus, nagkataon lang yun.”

“Pero it’s really amazing don’t you think? Sa dinami-dami ng tao sa mundo, ikaw pa talaga at ako ang ipinagtagpo nung araw na yun.” naipailing nalang sya habang ang laki ng ngiti sa labi. Maya-maya pa, nag salita ulit sya. “Do you want to go somewhere?”

Tumango naman ako sabay ngisi. Mabilis naming tinapos yung dinner namin para makapunta na agad kami sa kung saan man yung sinasabi ni Dustin.

More or less 30 minutes kaming nag drive bago nakarating dun sa sinasabing lugar ni Dustin. Pagkababa ko ng kotse, namangha ako sa nakita ko.

Lights, sweet music and a cozy place. Napaka-romatic ng feels. Medyo konti lang yung tao dun kaya naman ang sarap mag chill dun. By the way, asa beach kami ngayon ni Dustin.

“Gusto mo mag lakad-lakad?”

Tinignan ko yung shoes ko at napa-kibit-balikat nalang, dali-dali ko itong hinubad at sabay ngiti kay Dustin. “Tara?”

He smiled back at kinuha yung shoes na hawak ko. Hinawakan nya rin yung kamay ko at saka kami nag simulang mag lakad.

I can feel the cold breeze right under my nose at nararamdaman ko na din ang simoy ng kapaskuhan. Actually gustong-gusto kong naglalakad sa tabing dagat, bukod kasi sa nare-relax ako feeling ko din I’m free— like the birds. Free from problems which causes me stress, free from the noisy cars, free from this heart disease and free from everything.

After a while, naupo kami ni Dustin sa isang bench.

“Ang ganda dito no?”

“Oo, kasing ganda mo.”

Pag lingon ko kay Dustin, nakatingin sya sa akin at nakangiti. The moment I saw his eyes at yung ngiti nya, parang may kumurot sa puso ko.

It’s really weird kasi parang feeling ko ito na yung last time na makikita ko yung ngiti nyang yun. At yung tingin nya sa akin, iba eh. Sa tingin nyang yun, parang nakita ko sa mga mata nya kung gaano nya ako kamahal.

I shook that weird feeling off at nginitian sya pabalik. Ilang segundo din kaming nagkatitigan nun, kung wala lang ibang bagay na nag caught ng attention namin, we could possibly go on like that for hours.

Nabaling ang attention namin sa magandang fireworks display. Napangiti ako nung makita ko yung fireworks, matagal ko na kasing pinangarap na manuod nito na may kasama. Madalas kasi dati ako lang mag-isa ang nanunuod.

“Dustin?” sabi ko habang naka patong yung ulo ko sa balikat nya.

“Yeah?”

“Pag nawala ba ako, hahanapin mo ako?”

“Hindi.” derechahan nyang sagot sa tanong ko. So like him.

I smiled bitterly at ipinikit yung mga mata ko. Hindi ko naman ini-expect na sasabihin nyang hahanapin nya ako kahit anong mangyari. Siguro nga sya yung tipo ng tao na pag iniwan mo, hinding-hindi ka na nya pagaabalahan pang habulin.

“Hindi kita hahanapin kasi hindi naman kita hahayaang mawala.”

Na-distract ako sa pagkausap ko sa sarili ko nung sinabi nya yun. A tear suddenly fell from my eyes. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa feeling ko ay ngayon lang ako minahal ng isang tao ng sobra-sobra o dahil sa ramdam kong sincere si Dustin nung sinabi nya yun or both.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon