This Moment is Infinite
CHAPTER 22After that incident sa mall, hindi ko na masyadong nakakasama si Dustin. Lagi nalang syang busy kahit na wala silang game. Sa tuwing tinatawagan ko sya, laging busy ang phone nya tapos kung macontact ko man, busy sya kaya saglit lang kaming nagkakausap.
Today’s Thursday by the way, at Game 4 na. Game nila Dustin ngayon at ang kalaban nila is Brasley High. Kung sino man ang manalo ngayon, pasok na sila sa Finals. Gustong gusto kong manuod pero may schedule kasi ako ngayon kay Tito Fred after ng practice ko with Mrs. Ty kaya malabong makapanuod ako ang game nila Dustin.
Dahil nga ganon, I texted him.
To: Mi Novio
Hindi ako makakapunta today, may naka-schedule kasi akong gagawin eh pero I’ll try pa din.
Saglit lang nag reply din agad sya.
From: Mi Novio
Okay lang.
Talagang yan lang yung isinagot nya sa akin. Hindi naman sa nagiging OA yung reaction ko o ano, nakakapagtaka lang kasi. Dati rati kasi kapag sinasabi kong hindi ako makakapunta, super text at tawag yan at kukulitin talaga ako nyan para pumunta.
Bakit ganito na ngayon? Feeling ko tuloy nanlalamig na sa akin si Dustin.
Maaga akong pupunta sa school today para kausapin si Mrs. Ty, gusto ko kasi sanang agahan yung practice namin today para makaabot pa ako sa game.
**
SCHOOL.
Nag tanong ako sa assistant ni Mrs. Ty kung pwede ko ba syang makausap, pero ang sabi asa meeting pa daw sya kaya ayun, wala akong choice kundi ang mag antay sa kanya. Hay, hindi din naman pala kami makakapag practice ng maaga.
30 minutes din akong nag antay dun sa office nya. Finally, nakita kong nagsisilabasan na yung mga tao mula sa meeting room. Lumabas ako ng office ni Mrs. Ty at nilapitan ko sya, sabi nya sa akin hintayin ko nalang daw sya sa music room at may aayusin lang daw sya sa office nya saglit. Sinunod ko naman, nag punta ako sa music room at nag solo practice muna ako.
Hindi ko magawang mag concentrate, distracted kasi talaga ako ngayon. Saglit lang din, dumating na si Mrs. Ty kaya pinilit kong umayos. Pinatugtog nya sa akin yung Fur Elise at habang tinutugtog ko yun, ang dami pa ding sablay kaya napapailing nalang sya.
Halos magdadalawang oras din kaming nag practice nun kasi ayaw akong paalisin ni Mrs. Ty habang hindi ko nakukuha yun, napagalitan nya pa ako kasi bakit ganon daw yung performance ko ngayon.
“Alam mo kung bakit ang dami mong sablay?” naupo sya sa tabi ko nun. “Wala ka kasi dito.”
“Ma’am, I’m here. It’s just that…”
“No you’re not. Lumilipad sa kung saan yang isip mo, try to focus Gia. Focus. Wag mo munang isipin yung ibang bagay, mag focus ka dito sa practice natin.”
Pilit kong ginawa yung sinabi nya, pinilit kong mag focus sa practice pero isa lang naman ang gusto ko eh, ang makahabol pa sa game.
“Bukas pumunta ka ng maaga dito. Bukas nalang natin itutuloy to kasi mukhang distracted ka talaga.”
Ngumiti naman ako sa kanya at nag thank you. Dali dali akong umalis nun tapos nitext ko si Tito Fred. Sabi ko sa kanya if pwede bang magpa-reschedule, pumayag din naman sya at ayun pumunta na nga ako sa Franklin’s Place. Pag dating ko dun, tapos na yung game. Nagpapa-picture na yung mga tao sa mga players. Habang iniikot ko yung paningin ko, nang hina nalang ako sa nakita ko.
Nakita ko si Dustin, kasama si Cassidy at naka-akbay pa sya dito. Bigla namang may nag tap sa balikat ko.
“Okay ka lang?”
Si Miki at kasama nya si Janelle.
“Oo naman.” pilit ko namang ngumiti sa kanila, “Sino nga pala ang nanalo?”
“Sila Dustin yung nanalo, pasok na sila sa finals. Teka, akala ko ba hindi ka makakapunta ngayon?”
“Pinaalis na ako ni Mrs. Ty, bukas nalang daw namin itutuloy yung practice kasi hindi ko daw magawang mag focus ngayon.”
Nakatingin lang silang dalawa sa akin.
“Ano? Magtititigan nalang ba tayo dito?” sabay tawa ko pa.
Nag ring naman yung phone ko kaya laking pasasalamat ko nun. Ang awkward na kasi eh, nag excuse lang ako nun sa kanila. Sinagot ko yung tawag mula kay Tita, sabi nya lang kung pwede ko daw ba syang samahan mamaya. Hindi naman agad ako nakasagot kasi hindi ko pa alam kung tuloy yung dinner namin ni Dustin mamaya. Sabi ko nalang na magtetext nalang ako sa kanya later.
Lumabas kami nila Miki at Janelle, pumunta kami sa may malapit na grocery store. Nag aya kasi si Miki na bumili ng inumin. Kakatapos lang din kasi ng game nila at di pa sya nakakainom ng kahit na ano kaya uhaw na uhaw na sya. Naubusan pa sya Milkis, nakalimutan nya daw kasing bumili kanina bago yung game nila. Mas nauna yung game nila ngayon kesa kina Dustin.
Habang nagkukwentuhan kaming tatlo sa labas ng grocery store, tinawag naman si Miki ng isang pamilyar na boses. Pag lingon ko, si Cassidy nga kasama si Dustin.
“Ito na pala sya eh.” lumapit naman si Dustin sa akin.
“Sya yung girlfriend mo Dustin?”
![](https://img.wattpad.com/cover/3559426-288-k844283.jpg)
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.