This Moment is Infinite
CHAPTER 28DUSTIN’S POV:
Hindi ko naman intensyon na saktan sya. Feeling ko nga isa akong malaking jerk sa ginawa ko eh. I tried calling her from time to time pero wala, nung pumunta naman ako sa kanila ayaw daw akong kausapin. Hindi din ako kinakausap ni Tita Margaux, pati si Tammy galit sa akin. Si Miki at Janelle naman, iritado sa akin. Ilang araw na kaming ganito.
What a life.
Wala ibang kumakausap sa akin, si Cassy lang. Nag punta kami sa isang coffe shop nun para mag unwind at gusto ko lang talagang may makausap eh. Habang nakaupo ako dun sa couch, nakita ko namang palabas si Tammy. Akala ko ligtas na ako, pero nakita nya pala ako at lumapit sa amin.
“Akala ko hindi mo talaga magagawang lokohin si Gia, pero mali pala ako. Hindi ako makapaniwalang ako pa mismo ang makakakita sa kalokohang ginagawa mo.”
“Tammy, you’re wrong. We’re just friends, at pumunta lang kami dito para mag unwind.”
“Don’t bother explaining Dustin, hindi ko yan kailangan." nag pause sya nun at seryoso kaming tinignan ni Cassy. "And piece of advice, if you have someone special right now, don’t ever let that special person go, unless you want to regret it.” tapos tuluyan na syang umalis nun.
Damn it! Mas gumulo lalo ang utak ko. Nag simula lang naman kasi to nung bumalik si Cassy eh.
Monday, after ng first game namin nagulat ako nung makita ko nalang ulit si Cassy. She smiled cheerfully at me and we talked for a while. Sabi nya na namiss nya daw talaga ako at kung pwede pa ba daw naming ibalik yung dati. I politely told her na hindi na pwedeng maibalik pa yung dati kasi nga nag bago na ang lahat at dumating na sa buhay ko si Gia. But then suddenly, I felt like my heart stired a bit. Parang nalito ako bigla, yung feelings ko hindi ko na alam kung ano ba talaga.
I kept telling myself na si Gia lang talaga pero hindi ko maalis sa isip ko si Cassy. Kaya naman nung pag labas ko at nakita ko si Gia, agad ko syang niyakap ng mahigpit.
Ahhhhhh! Everything’s messed up.
Kinagabihan din nung araw na nag kita kami ni Tammy sa coffe shop, inaya kong mag bar si Cassy. Gusto ko kasing makalimot muna sa mga problema ko. Medyo napaparami na ako kaya tumigil na ako. Lumabas muna ako nun para magpahangin, sumunod naman sa akin si Cassy.
“Dustin.”
Napalingon ako sa kanya. Pag lingon ko, bigla nalang nya akong hinalikan at niyakap ng mahigpit.
“Ako nalang ulit Dust. Alam kong nasaktan kita dati at sumuko ako agad pero narealize ko na ikaw pa rin pala talaga. Ikaw lang. Please come back to me. Please love me again.”
Ngayon, mas naramdaman ko talaga na isa akong jerk. Dalawang babae ang nasasaktan ko at patuloy kong masasaktan kung magpapatuloy pa ‘to.
Siguro nga nalito ako sa nararamdaman ko dahil sa matagal kong hindi nakita at nakasama si Cassy at sya rin yung unang babaeng minahal ko. Pero sa mga oras na to, narealize ko na wala na pala talaga akong feelings para kay Cassy at si Gia talaga ang mahal ko.
“Sorry kung nasasaktan kita at patuloy kitang masasaktan Cassy. Pero si Gia ang mahal ko, akala ko may spark pa sa atin pero narealize ko na nag bago na ang lahat. Ibang babae na ang bumubuo at nagpapasaya ng mundo ko. You’re very special to me kaya ayokong mawala ka, pero ayaw ko ring maging unfair sayo kaya naman sinasabi ko na sayo 'to. I’m sorry kung hindi na natin maibabalik yung dati at sorry kung hanggang magkaibigan nalang tayo.”
Umiiyak na sya. She’s crying like mad. Ano ba ‘to, nakokonsensya na’ko.
“Dustin, okay lang sa akin kung ako yung third party. Okay lang kung ako yung other woman, ayos lang sa akin yun basta maging akin ka lang ulit.” niyakap nya ako ng mahigpit at ayaw nya talagang bumitaw. Pilit kong tinatanggal yung kamay nya mula sa pagkakayakap sa akin pero patuloy pa rin sya.
Napagod na ako kaya pinat ko nalang yung ulo nya at himinga ng malalim. “I’m sorry Cassy, but ayoko ng saktan pa si Gia. I love her so much. I have to tell her that, so please. Please let me go.” I said in almost a whisper.
With that, she somehow freed me pero iyak pa din sya ng iyak. Nag sorry ulit ako sa kanya pero nag sisisigaw na sya na umalis na daw ako at pinagtutulak na nya ako kaya umalis nalang ako. Pero bago ako tuluyang umalis, nag sorry ulit ko sa kanya kahit na ipinagtutulakan nya pa rin ako.
Nag drive ako papunta sa bahay nila Gia. Pag dating ko dun, si Tita Margaux yung nakausap ko at pinilit ko sya para makausap ko si Gia kahit saglit lang. Sinabi kong maghihintay ako kay Gia at hindi ako aalis hangga’t hindi ko sya nakakausap.
Sumandal lang ako sa kotse nun at nag antay na lumabas si Gia pero wala. Hindi talaga sya lumabas. Lumipas na ang ilang oras pero ang tibay nya talaga. Ni anino nya hindi ko nakita. Bandang 3am na at patuloy pa rin ako sa pagaantay. May lumabas naman sa gate kaya tinignan ko kung sino.
Napangiti nalang ako nung makita ko sya. Nakakunot-noo pero maganda pa din tignan, naka-ponytail at suot suot yung pink pj’s nya tapos may dalang mug.
“You’re drunk.” pataray nya pang sabi sa akin.
“I know.” I gave her a half-smile. I missed her so much.
“Paano nalang kung nadisgrasya ka? Mahilig ka talagang magbigay ng sakit sa ulo. I thought you’re strong, pero ba’t ngayon para ka ng ewan dyan?”
Patuloy lang ako sa pag ngiti and this time, niyakap ko na sya ng mahigpit.
“You might think I’m strong, but the truth is... I'm weak. I'm just really good when it comes to pretending.”
Sinasabi na nyang bitawan ko na daw sya pero hindi ako nakinig, instead, mas hinigpitan ko yung yakap ko.
“I’m sorry I’ve caused you pain. I’m sorry kung hindi na kita nabibigyan ng time simula nung dumating si Cassy. I’m sorry kung you felt insecure and inferior. And I’m sorry for being such a big jerk.”
Hindi sya sumasagot nun kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
“I love you. I love you forever and always. Malinaw na sa akin na ikaw ang mahal ko at wala ng iba. Wala na akong nararamdaman para kay Cassy, so please believe me. Please come back to me Gia.”
“Sheeesh. Nagiging honest ka lang talaga pag lasing ka eh. Bwiset! Umuwi ka na nga.” tinutulak nya ako pero di pa rin ako paawat sa kakayakap.
“I won’t go home hanggang hindi mo ako pinapatawad.”
“Oo na, pinapatawad na kita so go home and rest.”
Kinuha nya naman yung phone ko at tumawag sa bahay namin. Sakto namang may sumagot kaya ayun, ipinasundo nya ako sa driver namin. Maaga din kasi talaga yun nagigising eh.
Bakit nga ba ganito Gia? I used to be strong… but you’ve made me weak.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.