CHAPTER 44: Staying strong

379 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 44

“Mom, pwede bang wag akong pumasok ngayon?” naiisip ko pa lang kasi na makikita ko si Dustin parang kontra na ang buong pagkatao ko eh.

Dali-dali akong nilapitan ni Mommy at ichineck yung temperature ko.

“Mommy, kalma. Wag OA, tinatamad lang ako.” she warmly smiled at me tapos hinaplos yung buhok ko. She tucked my hair na asa right side ko.

“Tinatamad ba talaga o ayaw mo lang makita si Dustin?” Omg! Do you have any superpowers mum? How’d you know that?

“Di mo maloloko yan." sabi nya sa akin sabay turo sa may puso ko. "Kahit anong iwas ang gawin mo, mag mamahal at magmamahal pa rin yan. Package na ng pagmamahal yung masasaktan ka paminsan-minsan. Show him that you’re worth it, na you’re worth fighting for.”

I hugged her tight at nagpasamalat ako. Just what I needed to hear. I can’t thank her enough.

*  *  *

This day is the most annoying day of my life so far. Can I have a moment of peace? Geez. Please people, stop bothering me and asking me stuffs I don’t wanna talk about.

Dahil sa masyado akong na-stress sa mga tao sa paligid ko, mas pinili ko nalang na mag skip sa klase at mag stay nalang sa garden. I love it here, wala kasing masyadong nag pupunta dito sa part na ‘to ng garden. I closed my eyes at pinakinggan ko yung paligid.

Ahh. Relaxing. I can hear the wind blowing, yung mga ibon na tila kumakanta at yung kaluskos ng mga dahon. Nakakapag-relax na yung utak ko at kamuntikan na akong makatulog ng may bigla akong marinig na footsteps.

“Uhg, please. Kung mag tatanong ka ng about sa amin ni Dustin, wag ngayon. Napa-praning na ako sa dami ng nagtatanong sa akin.” sabi ko habang naka pikit pa rin ang mata. Naramdaman kong naupo sya sa tabi ko kaya minulat ko ang mga mata ko, “Sabi ko wag—” natigil ako nung makita ko kung sino.

He was there— sitting right beside me habang nakasandal yung ulo nya at nakapikit ang mata.

“Ikaw din pala.”

Tinignan ko lang sya habang may chance pa ako. Namimiss ko na yung ngiti nya na abot hanggang mata, yung makulit nyang tawa, yung mukha nya, yung sweetness nya, yung mga reklamo nya… lahat. I miss everything about him.

“Staring is rude.” pasimple nyang sabi sa akin.

Pano nya nalaman na tinititigan ko sya? May extra ba syang mata para malaman yun? Or baka may super powers sya? Chos.

“Hindi na ba talaga kita wedeng titigan ngayon? Arte ha.” hindi nya ako sinagot, instead he heaved a deep sigh. “Dust, I miss you.”

He smiled. I miss that one.

“I’ll fight for you.” 'di ko din alam kung bakit, pero gusto ko lang talagang sabihin yun.

“Don’t.”

Natahimik nalang ako. Totoo pala talaga yung ‘so close yet so far’ na feeling, kasi ang lapit nya lang talaga sa akin pero ang hirap nyang abutin. Parang kahit anong pag re-reach out ang gawin ko, 'di ko pa rin sya maaabot. If only I could turn back time, babalik ako sa panahong masaya kami, kasi during that time… I feel so alive.

After 15 minutes or so, tinitigan ko sya ulit. Nagtutulog-tulugan ba sya o talagang tulog sya? I poked him lightly sa cheeks, na-curious kasi talaga ako. Nung hindi sya dumilat, dun ko nasiguro na tulog nga sya. I sighed.

Tinitigan ko muna sya bago ako nag salita ulit, “Alam mo bang miss na miss na kita ha? Ang arte mo naman, may soul searching-soul searching ka pa kasing nalalaman.” I gently traced his face, enough lang para hindi sya magising.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon