This Moment is Infinite
CHAPTER 12Maaga nanaman akong pumasok ngayon kasi wala lang, gusto ko lang umiwas sa madaming tao sa corridor. Pag bandang 7 na kasi ako pumasok, crowded na masyado yung corridor nun.
Tumambay muna ako sa may balcony ng school, maganda kasi ang view dun tapos napaka refreshing. Tanaw mo din yung school garden mula dun.
“Balita ko kayo na daw ni Dustin. Congrats.”
Nagulat ako kung sino yung biglang nag salita kaya napalingon agad ako.
“Miki, ikaw pala.” ngumiti ako sa kanya, “Yeah. Nung Saturday lang.”
Maalala ko lang, hindi ko yata sya nakita nun sa party. Pumunta ba sya?
“Teka Miki, bakit nga pala wala sa sa party ni Dustin?”
“Sasaktan ko lang ang sarili ko.”
Nag flash sya sa akin ng isang bitter smile?
“Huh? Sasaktan?”
Nung medyo nag sink in na yung sinabi nya, dun lang ako nag karoon ng hint sa mga susunod nyang sasabihin pero ayokong mag assume. Kaya kunwari hindi ko sya maintindihan.
“Don’t you get it Gia? I like you. From the moment I met you, gusto na kita.”
“Miki…”
“Alam kong wala ng point kung mag co-confess ako sayo ngayon. Pero gusto ko lang talagang sabihin sayo yung nararamdaman ko kahit na girlfriend ka na ng best friend ko.” huminga sya ng malalim, “Mas nauna kitang nakilala kesa kay Dustin pero dahil sa natakot ako, hindi ko tuloy agad nasabi sayo yung nararamdaman ko.”
Natahimik kaming dalawa pagkatapos nun. Saglit lang, nag salita ulit sya.
“Gia, question.”
Ano ba yan, nailalang akong tumingin sa kanya kaya tuloy sa ibang direksyon ako tumitingin.
“Ano yun?”
“Kung ba nag tapat agad ako sayo nun… possible kayang tayo ngayon at hindi kayo ni Dustin? May possibility kaya na sa akin ka na-in love?”
Kung iisipin kong mabuti, siguro.. mabuting tao naman kasi si Miki at alam mong sincere rin sya. Kaya bakit naman hindi.
“You’re a really great guy. Maswerte ang babaeng mamahalin mo.”
“Hindi mo naman sinagot ang tanong ko, e.” aniya sabay ngiti. “Sana wag kang mailang sa akin after nito. Sana maging tulad pa din ng dati, kasi kahit magkaibigan lang tayo… kontento na ako dun.”
Hoy Miki! Paanong hindi ako maiilang nyan kung ganyan ba naman ang sasabihin mo sa akin. Pero syempre, tumango lang talaga ako sa kanya at ngumiti na rin. Nag lean sya sa may railings ng balcony at nag simula ng magkwento ulit, siguro nga para hindi na ako mailang sa kanya. Nung una, inaamin ko sobrang nailang pa ako, pero kalaunan… naging okay naman na. Medyo parang tulad na rin ng dati.
Saglit lang sana ako tatambay sa balcony pero dahil nakipag kwentuhan pa nga si Miki, nakaliktaan ko yung oras. Namalayan nalang namin na time na pala kaya pumasok na kami at pumasok na kami sa mga rooms namin.
“San ka galing?”
“Sa balcony.”
“Ikaw lang?”
Interrogation lang? Umiling ako.
“Kasama ko si Miki. Nag kwentuhan lang, sabi nya congrats daw sa atin.”
Nag smirk lang sya, “Ah ganon ba?”
“Selos ka?” pabiro kong tanong sa kanya at nginitian ko sya ng nakakaloko.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.