This Moment is Infinite
CHAPTER 3“Take care, okay?”
“Okay.”
Bumaba na ako ng sasakyan at nag lakad papunta sa entrance ng bago kong school. Nung nasa lobby na ako, huminto ako sa may bandang gilid, medyo naiirita kasi ako sa uniform ko parang ang sikip sa may bandang leeg kaya inayos-ayos ko pa.
Pag tingin ko sa may bandang unahan ko, may nakita akong malaking stante na may maraming medals at trophies ng mga varsity at iba pa. May malaking picture frame din dun sa gilid na may caption tapos may apat na lalake sa picture.
Our School’s Pride (L-R) Dane Austin Adams, Mike Kiefer Sandoval, Erl Anthony Rosal, Raffy Canoza
Huh? Dito pala nag-aral dati si Erl? Ah, tama. 3rd year na pala kami nung lumipat sya sa dati kong school.
“Ang sikip, nakakainis.” hinila-hila ko yung necktie ko para lumuwang ng konti. Ano ba naman kasi ‘to, ba’t kailangan pang mag necktie? Tapos bawal i-loosen yun, dapat daw presentable lagi tignan. Aysus, kaartehan 101.
“Ang taba mo kasi.”
Sino yun at ng masapak ko na? Pag lingon ko, ang laki pa ng ngisi nung lalake sa likuran ko kaya napakunot-noo ako sa kanya.
“Kidding!” sabi nya sabay wink.
Wink ka pa ah! Tusukin ko mata mo dyan, e. Psh. Gia, breathe . . . breathe. Wag mong hayaang masira ang araw mo ng dahil lang sa isang retarded na lalake na asa harapan mo. Wag pairalin ang pagkamataray at pagkapikunin.
Hindi ko nalang sya sinagot at nag lakad nalang ako paalis. Teka, san nga ba ako pupunta? Hindi ko alam kung saan ko hahanapin yung room ko. Ang laki kasi ng school tapos walang mga signs, sa dati ko kasing school may online directory sa entrance pa lang tapos may mga sign kaya hindi ka mahihirapan mag hanap unless kung talagang tanga ka.
Babalik sana ako dun sa may guard sa may entrance para mag tanong pero pag lingon ko, asa likod ko nanaman ulit yung bwiset na lalake! Sunod ng sunod, aso lang?
“You know, pwede mo naman sabihin sa akin kung gusto mong magpatulong. Bago ka dito diba?”
“Di bale nalang.”
Nag lakad nalang ulit ako nun kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta. Habang nag lalakad ako, pansin kong may sumusunod pa din sa akin.
“Cut it out! Tigilan mo nga ako.”
“Hindi naman kasi dyan yung mga rooms. Mga laboratories yung andyan. Dun yung mga rooms.” ngumiti sya sa akin this time sabay turo sa kabilang direction.
Bigla namang tumunog yung bell kaya kinuha nya yung papel sa kamay ko, andun nakalagay kung anong section ako at kung sino yung hahanapin ko kung sakali. Tinignan nya lang at hinawakan nya yung kamay ko sabay hila sa akin at tumakbo na kami.
Running is a No-no. Big no-no. Papatayin nya ako sa ginagawa nya.
“Stop! Stop! Please!” hingal na hingal na agad ako konting takbo nga lang yung ginawa ko.
“What? Kailangan nating tumakbo kasi male-late na tayo.”
Sino ba naman kasing nag sabi na hintayin nya pa ako? Tinulungan nya din ako in his own free will, di ko sya pinilit kaya wala akong kasalanan kung malate din sya. Hush. Okay now Gia, wag maging rude.
“I can’t. Hindi ako pwedeng tumakbo.”
“Dalagang pilipina.” sabay tawa nya nung sinabi nya yun.
“You run, I’ll walk.”
“Tara na nga.” nag lakad na lang rin sya kasabay ko.
“Saan ba yung rooms ng mga 4th year?”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.