CHAPTER 55: Pathetic and selfish

325 6 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 55

“Akala ko ba gusto mo sa Juilliard, bakit biglang nag bago naman yata yung ihip ng hangin at gusto mo ng mag Interior Design ngayon? Pero teka, diba dati gusto mo din mag medicine? So ano na talaga ang plano mo?”

I can hear Tammy talking non-stop, pero alam mo yun, yung feeling na kahit gustong-gusto kong ibigay sa kanya yung full attention ko pero tila kusa itong nababaling kay Gab.

Kainis naman kasi yun! May paiyak-iyak pang nalalaman, nakakakonsensya tuloy. Nasasaktan ko na sya at nasasaktan ko na rin ang sarili ko, kasi sa tuwing nasasaktan sya, nasasaktan rin ako. He’s so dear to me kaya as much as possible, ayoko syang masaktan. Pero the thing is… habang ibang tao ang nag mamay-ari ng puso ko, patuloy ko syang masasaktan.

“Uhm hello? Anyone? Sabi ko nga wala akong kausap dito.”

Naputol yung pag mumuni-muni ko when Tammy snapped her fingers right in front of me. My eyes instantly rolled.

“Narinig naman kita eh.” I calmly said.

Napahawak sya sa bewang nya at nag make-face pa. Such an annoying best friend.

“So ano na?”

Naupo ako sa couch at tumingin sa kanya, “Habang hindi pa ako natatanggap sa Juilliard, mag e-enroll muna ako sa Interior Design.” sagot ko pero matapos yun, bigla namang may nag pop-out na question sa utak ko kaya medyo napatulala ako.

“Alam mo ikaw, ang sarap mo talaga kausap. Palagi ka naman lutang. Tumira ka ba ng katol?”

Tinignan ko lang sya at huminga ng malalim. When she noticed that I was staring at her, her brows furrowed saka nag tanong na nakataas pa ang isang kilay.

“What?” maldita talaga.

Nag dadalawang isip pa ako nun kung tatanungin ko ba sya o hindi, but I did anyway.

“Tam, what if may may mahal ka pero lahat na yata ng pwersa ng universe against talaga sa inyo, tapos may taong sobrang nagmamahal sayo na kahit alam nyang may mahal kang iba, handa syang mag hintay para sayo. Anong gagawin mo?”

At first, tinignan nya ako na para bang sinasabi nyang ‘the hell are you talkin’ about?’ , tapos nag change ito into a serious one.

“I bet you already know that there’s a limit on how stupid a person can be, right?” she sighed, “You said it yourself, parang ang universe na ang tutol sa inyo. Gia, maybe you’re not really meant for each other.” she tapped my shoulder then she gave me a comforting smile.

“You see, there’re things that are worth fighting for, but this one’s definitely not worth it so maybe you should let it go.”

Maybe, puro nalang maybe. What I want is certainty— I want to be certain that I won’t regret whatever decision I am going to make, ‘cause what’s more painful than a brokenheart is living a life full of regrets.

“Don’t get me wrong, gustong gusto ko si Dustin para sayo, honest! Pero ayoko yung lagi ka nalang nasasaktan. Andyan si Gab na mahal na mahal ka, kaya kang ipag laban, kaya kang hintayin kahit gano katagal— he’s the ideal boyfriend.” she paused for a while, “But what the heck, sa dalawang taong nagmamahal sayo, sigurado, pipiliin mo pa rin yun sasaktan ka lang sa dulo. Ganyan ka eh.”

We both laughed, yeah siguro nga ganon ako. Masokista ako eh.

“Seriously tho, wag mong sundin ang advice ko o ang advice ng ibang tao, maniwala ka sa sarili mong desisyon because in the end, you are still the one who calls the shot at desisyon mo pa rin ang masusunod. Magpakatotoo ka, kasi kung hindi ka magpapakatotoo sa nararamdaman mo, sasaktan mo lang ang sarili mo at ang damdamin ng ibang tao.”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon