This Moment is Infinite
CHAPTER 16“Alam kong alam mong may gusto ako sayo dati pa. Natatakot akong sabihin sayo yung nararamdaman ko kasi baka mawala o di kaya’y mag bago yung closeness na meron tayo ngayon. At yun ang ayokong mangyari kaya pilit kong itinago.”
Alam kong may feelings para sa akin si Erl, hindi naman kasi ako manhid. Tapos madalas nya din kasing ipakita sa akin yun pero hindi ko nalang masyadong binibigyang kahulugan. He’s very important to me at para ko na din syang kapatid pero hindi ko talaga sya kayang mahalin ng higit pa sa isang kaibigan.
Patuloy pa rin sya sa pag ngiti. Erl, wag mo ng pilitin ang sarili mong ngumiti kasi alam ko namang nasasaktan ka at talagang nasasaktan din ako kasi ayokong nakikita kang nasasaktan.
“Sabi ko, pag nahanap mo na ang taong magpapasaya sayo at mamahalin mo, didistansya at susuko na ako.” hingang malalim, “Pag sinaktan ka nya, sabihin mo sa akin ah. Ako mismo ang gugulpi dun.”
“Sorry Erl. Sorry kung hindi ko magawang mahalin ka ng higit pa sa isang kaibigan.”
Binatukan ba naman ako. “Aray naman.” dapat talaga may kasamang batok? Huhuhu. Maaalog utak ko, ito pa naman ang puhunan ko para sa magandang kinabukasan. Naks!
“Ikaw naman kasi. Bakit ka nag so-sorry? Okay lang yun no. Basta wag mo lang akong kakalimutan ha?”
This time, kahit medyo malungkot yung mga mata nya, pilit nya pa ring ipinakita sa akin na masaya sya… na parang okay lang talaga kahit hindi naman.
“I gotta go. See you around, hihingin ko nalang ang number mo dun sa chic ni Tim.” sabay takbo nya paalis. Ang bilis talagang tumakbo ng lokong yun. Hindi man lang ako nakapag paalam ng maayos.
“Hindi pa rin talaga yun nagbabago. Pag gusto nyang umiyak, tumatakbo agad palayo.”
Nagulat naman ako nung may biglang nag salita sa likuran ko. Jusmiyo marimar, para namang kabute tong si Miki, bigla-bigla nalang sumusulpot.
“Nakakagulat ka naman Miki.” napahawak pa ako sa dibdib ko, arte lang.
Ngumiti sya sa akin sabay wink. “Hindi man lang ako binati nun, loko yun ah.”
Napangiti nalang rin ako. “Kakatapos lang ng practice nyo?”
Bakit kaya ganon tong mga to? Kahit pawis, parang fresh na fresh at ang cool pa din tignan. Si Dustin kasi ang sexy kapag pawisan tapos pag magulo ang buhok. Tapos napaka-seductive ng boyfriend ko kapag pinupunasan nya yung pawis nya. Ang pucha, bakit parang ang manyak ko naman na yata?
“Yup. Si Dustin san na?” tanong nya matapos umiinom ng Milkis.
“Practice.”
Natigil naman sya sa pag inom nung sinabi ko yun at tinignan ako na para bang nagtataka. “Kanina pa natapos yung practice nila ah. Mas nauna silang natapos kesa samin eh.”
Huh? Bakit hindi man lang sya nag text? Nakakainis talaga yun. Kanina binabaan ako, tapos ngayon naman di nag tetext. Anong ganap nun sa buhay?
“Hindi pa sya nag tetext eh, tinext ko yun kanina sabi ko itext nya ako pag tapos na sya sa practice.”
Sinamahan na akong mag lakad ni Miki pabalik sa school nun, medyo madilim na din kasi. Nung malapit na kami sa may parking lot, nakita kong nakaupo dun sa may gutter si Dustin.
“Hoy, bakit andyan ka lang at bakit hindi mo ako tinext?”
Nginitian nya lang ako nung makita nya ako. “Deadbatt na yung phone ko eh. Sorry.”
Nag smirk ako sa kanya. “Tumayo ka nga dyan, para kang bata.”
Tinignan nya lang kami ni Miki nun.
“I can’t.” medyo naiilang nya pang sabi. Hindi nya talaga kami tinignan ni Miki matapos yun, sa sapatos nya lang sya nakatingin. Ah hello po? Andito po kami nakatayo sa harap mo, wala kami dyan sa sapatos.
“Anong I can’t? Wag kang OA, sisipain kita.”
Ang cute ni Dustin mag pout. Ang sarap hilahin ng nguso. Hahaha. Pero talaga, seriously, para syang bata ngayon. Ano nanaman kayang drama neto sa buhay? Ang daming arte nito eh, artista talaga.
“Natapilok ako okay? Kaya medyo masakit yung paa ko.”
Natawa nalang ako nung sinabi nya yun, idagdag mo pa yung expression nya.
“Ang lampa mo naman. Nakakainis.”
Di ko pa rin mapigilan yung tawa ko sa kanya nun, parang pikon na pikon na sya. Kinuha ko naman yung phone ko at nag dial ako.
“Hello Tita, andyan po ba si Tito Fred ngayon?” nag antay ako ng sagot ni Tita at napangiti, “Ah okay, uuwi na po ako saka may papatignan din po ako kay Tito. Thanks!”
Binaba ko na yung phone saka tumingin kay Miki.
“Miks, paalalay naman kay Dustin papasok ng kotse nya.”
“Sure.” agad namang itinapon ni Miki yung dala-dala nyang can at nag lakad na papunta kay Dustin para alalayan sya.
Nung tinignan ko si Dustin, nakakunot-noo pa ang loko. Aarte pa talaga?
“What?” ang sama kasi ng tingin sa akin. Sya na tong tinutulungan sya pa ngayon ang galit.
“Tingin mo paano ako makakapag drive?”
Nag sigh nalang ako. Ang engot jusko Lord. Asan na ba ang utak nito? Nalalaglag kaya nung natapilok sya?
“Syempre ipagmamaneho kita.” I rolled my eyes. “Swerte mo at ipagmamaneho kita ngayon kaya umayos ka.”
Inalalayan sya ni Miki hanggang sa makasakay sya sa kotse. Nag thank you lang din ako kay Miki at nag drive na kami paalis. Dinala ko sa bahay si Dustin para matignan sya ni Tito Fred.
“Lalagyan lang natin ng supporter to, after two days makakapag lakad ka na din ng maayos.” sabi ni Tito Fred sa kanya. Tumango-tango naman ang loko.
“Thanks Tito. Lampa kasi to eh, matatapilok na nga lang, ngayon pa kung kelan malapit na magsisimula ang game nila.”
“Ay sorry ha.” pout ulit. Tss. Pacute to ng pa-cute saken oh. Wag ka nga! Baka mas ma in love ako eh.
Habang nag kukwentuhan sila Dustin kasama si Tito at Tita, pumunta muna ako sa kusina para kunin yung niluto kong chicken adobo at ng makakain na kami. Nag promise kasi ako sa mokong na yun na ipagluluto ko sya ng adobo.
“Hoy Dustin, dito ka na mag dinner.”
Ngumiti lang si Tita at Tito tapos sabay react naman nung isang kasambahay namin.
“Ipinagluto nya po kayo ng adobo.”
Ang laki ng ngisi ni Dustin sa akin. So ayun, sabay sabay kaming kumain at inaasar pa ni Dustin yung luto ko. Kunwari pa sya, eh halata namang nagustuhan nya yun. Hindi daw masarap pero parang isang bandehadang kanina ang naubos, ang kapal ng mukha.
Matapos naming kumain, kwentuhan lang ulit saglit tapos ipinahatid na ni Tita Margaux kay Mang Nilo si Dustin. Yung kotse nya iniwan nya lang sa bahay, ang swerte nga ng buang eh.
Nag suggest kasi si Tita na sunduin ko nalang daw si Dustin hanggang sa makapag maneho na daw sya ulit, kaya ayun tuwang tuwa sya. Simula bukas, susunduin ko na si Dustin at ihahatid sa bahay nila. Ang swerte nya ha! Oo, ipagdidiinan ko talaga na maswerte sya, sa ganda kong ‘to magiging driver nya. Ha! Ako pa talaga ang gagawa nun para sa kanya.
After ko mag linis ng katawan, nag ligpit ako ng mga gamit ko. Matapos kong mag ligpit, sakto namang may kumatok sa pintuan.
“Gia?” si Tito Fred.
“Po Tito?”
Ngumiti sya sa akin nun. “Come to my office, may paguusapan tayo.”
Tumango naman ako sa kanya tapos sabay ngiti. Nag suklay lang ako tapos itinali ko yung buhok ko into a bun then pumunta na ako sa office ni nya.
“Tito, tungkol po saan?”
May kinuha syang documents mula dun sa drawer nya saka sya tumingin sa akin habang naka ngiti.
“Nakahanap na kami ng suitable donor para sayo.”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.