CHAPTER 20: He's getting weird but I still love him though.

458 6 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 20

Simula na ng inter-high competition ngayon. Sobrang busy na sa school at yung mga tao, parang hindi mapakali. Kumpulan dito, hiyawan dun. Practice dito, takbuhan dun. Ang gulo!

And speaking of practice, hindi ko makita yung music sheet ko. Importante pa naman yun kasi yun na yung revised copy mula kay Mrs. Ty. Sabi nya pa wag ko daw iwawala kasi nag iisang kopya nya lang yun at ginawa nya daw yun para sa akin. Errrr! Ma’am, ngayon pa lang gusto ko ng mag sorry.

Bumalik ako sa music room para tignan kung andun pa yung music sheet pero wala na dun, siguro dala ni Cassidy. Ano ba yan! Mukhang napadayo lang yun dito eh, hindi naman kasi mukhang dito yun nagaaral.

“Psst. Psst.”

“Sinong andyan?”

May sumusutsot kasi eh, nakakapanindig balahibo tuloy. Inikot ko yung tingin ko sa paligid, nakita ko nalang si Miki na nakatayo sa may pintuan at pilit na nagtatago. Nilapitan ko nga at binatukan. Tinatakot pa ako neto eh!

“Grabe ka talaga, oo na. Di na kita tatakutin.” matawa tawa nya pang sabi sa akin.

“Bakit andito ka pa ha?”

“Paalis na sana ako, eh nakita kitang pumasok dito kaya nag punta muna ako dito.” sabay halukay nya sa bag nya. “Gusto mo?” inabot nya sa akin yung inumin na hawak hawak nya.

“Yan din lagi mong iniinom. Ba’t ayaw mo ng Gatorade?”

Nag kibit-balikat lang ang loko.

“Mas masarap to eh. Mas gusto ko tong Milkis kesa sa Gatorade.”

Nag pout lang ako sa kanya.

“Hindi ka manunuod ng game ni Dustin?”

“May hinahanap pa kasi ako eh.”

Napatingin lang sya sa akin.

“Ano naman yung hinahanap mo?”

“Yung music sheet na bigay sa akin ni Mrs. Ty. Naiwan ko kasi dito sa music room nung Friday, eh may nakilala akong babae dito. Baka dinala nya or what.”

Pabiro nya naman akong tinaasan ng kilay ngayon.

“Sino naman ang babaeng nakilala mo? Pakilala mo naman ako dun.” tawa sya ulit. Parang baliw.

“Cassidy daw ang name nya. Hindi ko na naitanong yung surname nya. Pero tingin ko hindi yun taga dito.”

Nung sinabi ko yun, medyo nag bago yung expression ng mukha ni Miki.

“Mukha ba syang may lahi na medyo brownish ang buhok?”

Pilit ko namang inalala yung mukha ni Cassidy, at sa pagkakaalala ko, oo. Parang may lahi nga sya pero hindi brown yung buhok nya.

“Mukhang may lahi pero hindi brownish ang buhok nya, black yun tapos maikli. Teka, kilala mo ba sya Miki?”

Umiling lang si Miki.

“Baka nagkataon lang, may kakilala din kasi akong Cassidy pero andun na sya sa Canada nakatira ngayon.”

Nag nod nalang ako sa kanya. What are the odds diba?

**

Sabay kaming pumunta ni Miki sa Franklin’s Place, dito kasi gaganapin yung Game 1 ng basketball, lawn tennis at soccer. Malaki naman kasi talaga dito tapos kumpleto din yung mga facilities nila kaya madalas eh dito ginaganap yung mga laro.

“Go Dustin!”, “Captain galingan mo!”, “Dustin for the win!”, “Go Purple Ravens!”

Halos yun lang yung naririnig ko dun sa court at hiyawan ng mga tao.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon