This Moment is Infinite
CHAPTER 2Diretso akong nag lakad papunta ng subdivision na tinitirhan namin, dun lang kasi humihinto ang jeep sa may kanto kaya kailangan ko pang mag lakad. Habang nag lalakad ako, may naririrnig akong sumusutsot pero di ko sya nililingon. Ba’t ako lilingon? Hindi naman ako aso.
“Hoy!” kinalabit nya ako ng mahina nung nasabayan na nya ako. Huminto naman ako sa paglalakad.
“Hoy ka rin! Close ba tayo?”
Anong trip nito sa buhay? Naka sombrero at naka shades pa ang mokong. Tirik na tirik pa din ba ang araw? Kasi ang pagkakaalam ko palubog na, e.
“Ang taray mo naman. Mag tatanong lang ako kung san banda yung clubhouse, e.”
“Mukha ba akong mapa?”
Tinalikuran ko na sya matapos yun, nung nilingon ko sya ulit… nagkakamot lang sya ng ulo nun. Sus, pag naligaw ‘to at na salvage, kargo de konsensya ko pa.
“Hoy! Kaliwa ka, tapos kanan. Makikita mo na ang clubhouse dun! May guard naman kasi dun bakit di ka nag tanong!”
“Salamat! Kahit masungit ka!” tumakbo na sya matapos.
Aba! Dapat pala di ko nalang tinulungan ang lokong yun ah.
Pagod na pagod na ako, sa layo ba naman kasi ng nilakad ko. Hindi na ako nag taxi, aabutin pa ako ng magdamag nun kung i-pupush ko pa talaga ang pagaantay nun. Wala ring tricycle sa labas ng sundivision kaya napilitan akong mag lakad papunta sa bahay, ang layo pa man din nung amin! Buti at ‘di na ichineck nung guard yung ID ko at kung ano-anong echebureche, kasi wala na talaga ako sa mood. Grabe, para na akong sumama nito sa alay lakad. Dora the explorer lang ang ganap.
Nung malapit na ako sa bahay, nakita kong may mga kotse na nakaparada sa labas. At sino naman kaya ang mga andito ngayon? Wala naman akong maalala na bisita ngayon. Para matigil na ang pagtatanong ko sa sarili ko, pumasok na ako ng bahay para malaman ko kung sino ang andun.
“Ma’am, andito na po pala kayo?” tanong ni Martha pag pasok na pagpasok ko pa lang ng pintuan. Don’t talk to me! Binabaan nyo ‘ko ng phone, hindi tayo bati.
“Wala. Wala pa ako dito. Hologram lang ‘to.”
“Si ma’am talaga.” bahagya syang ngumiti sa akin pero tinitignan ko lang sya ng matiim.
“Oh, buti at andito ka na.” nung narinig ko ang boses nya, napakunot-noo nalang ako bigla. Nilingon ko sya at nag tama ang malalamig naming tingin. Bakit andito sya? Wala naman akong ginagawang masama ah.
“Why are you here?”
“Bakit? Bawal bang umuwi sa bahay ko? The last time I checked, bahay ko pa din naman ‘to.” sabi nya sabay ngiti. “Tara sa living room. Andito ang Mommy at Tita Margaux mo.”
Sumunod nalang rin ako sa kanya. Ano kayang meron at pati si Tita andito? Andito din si Mommy, kinakabahan akong makita sya. Halos 3 years na din kaming hindi nagkikita, parang may part sa akin na gusto syang makita at may part naman na natatakot. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon.
Pag pasok na pag pasok ko pa lang ng living room, si Tita Margaux agad yung nakita ko. Nakatalikod si Mommy nun kaya hindi ko makita yung mukha nya.
“Mom, galit ka pa ba? Namimiss mo rin ba ako? Kasi ako miss na miss kita.” yan yung gusto kong sabihin sa kanya pero natatakot ako sa posibleng isagot nya.
“Mom . . .”
Lumapit ako sa kanya para mag kiss pero isang malamig na tingin ang binigay nya sa akin kaya ‘di ko nalang itinuloy yung pag lapit sa kanya. Tumingin ako kay Tita Margaux at nakita ko sa mga mata nya na para bang awang-awa sya sa akin. Nilakasan ko ang loob ko at ipinakita ko na balewala lang sa akin yung ginawa ni Mommy.
“Hi Tita.” lumapit ako at nag kiss sa kanya. I like her very much, sya na kasi ang tumayong nanay ko for the past 3 years. Sya ang naging proxy ni Mommy nung araw na iniwan ako ng mga magulang ko.
“You look good today.” nginitian nya ako at ganon rin ang ginawa ko, wala naman kasi akong magandang maisasagot. “Gia, why don’t you wash up first? Aayain sana kitang kumain sa labas, e. Just you and me. Inaaya ko din kasi ang Mommy at Daddy mo pero ayaw nila. Isa pa, may pag-uusapan din sana tayo.” masiglang tugon sa akin ni Tita.
Nakakakonsensya man, kailangan kong tumanggi. Wala kasi ako sa mood ngayon, e.
“Next time nalang siguro Tita? Medyo napagod po ako ngayon, e.”
Nakita ko yung panghihinayang sa mga mata ni Tita, at tingin ko’y medyo nalungkot rin sya. Pero I’m not lying naman, sobrang nakaka-stress talaga sa school. Hindi lang sa school, parang pagod na pagod na ako pati sa buhay ko, paulit-ulit nalang ang nangyayari araw-araw.
Bigla namang tumayo si Mommy nun kaya napatingin ako sa kanya.
“I’ll tell her right away if I were you Margaux. Anyway, matigas ang ulo ng batang yan kaya hindi ako sigurado kung papayag yan.” ang cold ni mommy sa akin. Ganon nalang ba talaga ang galit nya sa akin? Namimiss ko na yung mommy ko na pinapatahan ako pag umiiyak ako, yung mommy na nilulutuan ako ng breakfast, tinatabihan ako sa pagtulog, yung mommy na mahal ako . . . sobrang miss na miss ko na ang mommy kong yun.
“Ano po ba yun Tita?” medyo iritado na ako kasi hindi ko alam kung tungkol saan ang pinag uusapan nila. Ayoko pa naman sa lahat eh yung may itinatago sa akin, lalo na kung tungkol sa akin yung pinaguusapan.
“Naisip ko kasi, tutal ikaw lang naman mag-isa lagi dito, bakit hindi ka na lang tumira kasama kami ng Tito Fred mo?”
Napataas ang isa kong kilay, “Pero hassle masyado yun Tita kasi malayo yung tirahan nyo diba? Siguro about 1 hour yung byahe papunta sa school ko.”
Hello? Ayoko ngang bumyahe ng ganon ka-layo araw-araw. Stress na nga ako na ilang minuto lang yung byahe ko mula dito papunta sa school ko, e. Ano pa kaya yung isang oras?
“Hindi na magiging problema yan kasi ililipat ka na namin ng school. May malapit na school kina Margaux at mabilis lang din ang byahe.” sabi ni Mommy ng hindi man lang tumitingin sa akin.
“Isa pa Gia, every week kami maghuhulog sa account mo para sa allowance.” sabat ni Daddy na sya namang nakatayo ngayon sa may gilid ng couch na malapitkay Mom.
Grabe! Hindi ako makapaniwala sa kanila. Mga magulang ko ba talaga sila? Bakit parang feeling ko ipinagtatabuyan na nila ako? Sobrang nasasaktan na ako, pero as usual, I put up a tough front at nag smirk sa sinabi nila.
“Hindi naman masyadong halata na ayaw nyo na ako dito no?” I bit my lip. Effort na effort na ako sa pagpipigil ng mga luha ko. Ang hirap, pero kailangan. Kailangan kong pigilan ang sarili ko, ayokong makita nila akong umiyak. I won’t let them see how they have badly hurt me.
“Fine! If that’s what you want, then so be it.”
Dumiretso na agad ako sa kwarto ko nun at dumapas sa kama ko. Pag higang-paghiga ko, dun na nag simulang tumulo yung mga luha ko. I can’t even control them anymore, it’s like kusa nalang silang lumalabas.
“Stupid mom and dad.” maluha-luha ko pang sabi sa sarili ko. “Kung alam nyo kaya yung kalagayan ko, gagawin nyo pa rin kaya ‘to?”
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Genç KurguCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.