CHAPTER 29: Clearing the air between them.

426 4 1
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 29

GIA’s POV:

That bastard! Ang sakit pa din ng ulo ko dahil sa kanya, buti nalang talaga at extended yung vacation namin tapos nasabayan pa ng semestrial break. Anong oras na akong nakatulog nun, paano kasi gising pa ako hanggang alas 3 ng madaling araw kasi andun sya sa labas at nag aantay.

Buti nalang at naawa ako at naisipan ko na syang kausapin at tinimplahan ko pa ng hot choco. Parang baliw nga eh, kung anu-ano nalang ang pinagsasasabi.

But the more I think about it, the more I fall. Kahit ilang beses na nya akong sinaktan, nagagawa ko pa rin syang patawarin. Isang sorry at isang I love you nya lang, parang bumibigay na agad ako. I’m really scared ‘cause I don’t think you’re suppose to love someone this much.

Antok na antok pa ako pero hindi na ako makatulog ulit kasi kailangan ko pang pumunta sa hospital. Nasabi ko na rin kina Tammy, Miki at Janelle na okay na kami ni Dustin. Akala ko nga kokonyatan ako or bubungangaan ako ni Janelle at Tammy eh. Pero wala, parang okay na din sa kanila.

Nagtataka nga lang ako sa mga ‘to kasi nung isang araw lang galit na galit sila kay Dustin at nung sinabi ko naman na okay na kami, parang wala lang sa kanila, nag aya pa nga ng dinner eh. Sinundo ako ni Tammy sa bahay mga bandang 6pm at nag punta kami sa isang seaside restaurant.

Pag dating namin dun, may mga banda ng tumutugtog kasi bandang 7:30 na kami nakarating dun. Nauna sina Miki sa amin kaya naman nakapag-order na agad sila ng foods at pag dating namin, saka isinerve yung foods.

“You look aweful.” pabirong sabi ni Janelle.

“Thanks to a certain someone.” walang gana ko pang sagot. Antok na antok na ako, guto kong bumawi ng tulog.

“Nakausap mo na ba si Dustin ngayon?”

Umiling naman ako, “Hindi pa. For sure may hangover pa yun saka nagpapahinga.” ngumiti lang sila sa akin nun tapos kumain na ulit.

After kong kumain, pinanuod ko lang yung bandang tumutugtog. Napansin ko namang may tumatawag sa phone ko kaya agad kong tinignan kung sino.

Voice Call

+6391721*****

Pagkakita ko pa lang nung number, alam ko na kung sino. Ayoko sanang sagutin pero ang kulit eh, kaya ayun, sinagot ko na yung tawag nya.

“Yes?”

“Let’s talk.”

Sabi nya sa isang matamlay na boses at tila kakagaling lang sa pagiyak.

“Pray tell.”

“Gusto ko sa personal.” nag pause sya saglit, “I can see you from here.”

Napalingon naman ako nun sa paligid para hanapin sya, napatingin sa akin yung mga kasama ko pero binalewala lang din agad.

“Look on your right. Way right. I’ll wait for you here.”

At andun nga sya nakatayo malapit sa mini-bar. Ni-end call nya din agad matapos nyang sabihin yun. Tumayo ako nun sa kinauupuan ko at nag excuse. Hindi ko na sinabi sa kanila na maguusap kami ni Cassidy, basta ang ginawa ko nag lakad lang ako papunta sa kinaroroonan nya.

“Now what?” sabi ko sa kanya pag dating ko dun.

“I-I’m sorry.” pabulong nyang sabi sa sarili nya pero medyo narinig ko pa rin naman.

“What did you say? I can’t hear you.”

“I’m sorry.”

This time, medyo malakas na yung pagkakasabi nya. Pero dahil nga gusto ko syang pikunin, ipapaulit ko yun sa kanya.

“What? Louder.” I playfully told her with a hint of smirk.

“Sheeesh! you’re hurting my pride y’know? I said I’m sorry. I-I’m sorry… for everything.” napabuntong hininga naman sya nun.

Aba! may gana pang mag buntong hininga, akala mo kay laki ng problema sa buhay. Eh sya nga itong ginugulo ang buhay ko.

“Bumalik ako sa Pilipinas para kay Dustin, akala ko may pagasa pa na maging akin sya ulit. Nung araw na nakita kita sa music room, yun yung araw na dumating ako sa Pinas. Nag punta ako sa school nyo para hanapin sya pero hindi ko na sya naabutan.” bahagya syang ngumiti this time.

“After nung first game, pinuntahan ko sya. Nung nakita nya ako, he hugged me tightly at sinabi nyang namiss nya din daw talaga ako kaya naman nag-expect at nag assume ako na andun pa din yung spark. Pero malaman-laman ko nalang na may girlfriend na pala sya at Gia ang name. I was so pissed kasi everytime na mag-uusap kami, ikaw lagi yung ipinagyayabang nya. At nung araw na ipinakilala ka nga nya, bigla akong nakaramdam ng selos. Hindi ko nga alam na yung babaeng nakilala ko sa music room at ang girlfriend nya ay iisa. I did everything I can para mabaling ang atensyon nya sa akin at sinubukan kong kunin ulit ang puso nya pero wala eh. Ikaw talaga yung mahal nya.”

Tumulo nalang bigla yung mga luha nya kaya ako naman, iniabot ko sa kanya yung dala kong panyo. Nakakailang panyo na ‘to saken ha.

“Nakiusap ako sa kanya na ako nalang ulit yung piliin nya. Sinabi ko rin sa kanya  na all this time, sya pa rin ang mahal ko. Pati pride ko itinapon ko na at sinabi ko sa kanya na okay lang sa akin kahit na ako yung third party, ako yung other woman. Pero alam mo kung anong sabi nya? Sabi nya sa akin ng harapan na ikaw yung mahal nya at ikaw na yung bumubuo at nagpapasaya ng mundo nya.”

Tinignan nya naman ako nun kahit maluha-luha pa sya at ipinatong yung kamay nya sa balikat ko.

“Yung kaisa-isang lalake na minahal ko, in love sayo kaya ingatan mo sya. Kasi kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na bawiin sya sayo and when that day comes, hinding hindi mo na sya makukuha pa ulit.”

Nag smirk naman ako sa kanya at nag roll eyes.

“Oh please, wag ka ng umasa kasi hindi dadating ang araw na yun. Hindi ko hahayaang may umagaw nanaman kay Dustin mula sa akin.”

Nagkangitian nalang kaming dalawa.

“This is why I envy you so much. Hindi kasi nya ginawa sa akin yan dati.” diretso naman syang nakatingin sa stage kaya pati ako, napatingin na rin.

Nakatayo sa stage si Dustin at may hawak na acoustic guitar tapos may bandang kasama sa likod. Di nag tagal, nag simula na din syang mag salita.

“This is for the girl who changed my life in just a blink of an eye. The girl who shed tears for me many times pero hindi pa rin ako sinukuan. She’s the girl whom I will love forever and always.” nag pause saglit, “Gia, this song’s for you.”

Nag hiyawan yung mga tao sa sinabi nya. Agad din naman syang nag simulang tumutog nun at ako naman, seryosong nakatingin sa kanya mula dun sa kinatatayuan namin ni Cassy. Habang kumakanta si Dustin, may mga mangilan-ngilan na sinabayan sya sa pag kanta. Yung iba pumapalakpak, pero pag dating sa chorus, dun na sumabay ang madla at nakikipalakpak ng sabay sa beat.

If ever you’re too sick to walk
I’d carry you, take care of you

If ever you feel scared and alone,
I’d hold you, and I’d just hold you

When the lights go out in the universe
I’ll be next to you, I’ll be next to you

And I’ll surrender my self to you

I love you forever, I like you for always
For always

Together we’ll be…

I love you forever, I like you for always
For always

Together we’ll be…


Ang lakas nanaman ng kabog ng puso ko, baka atakihin nalang ako nito bigla. Saka ang cool nyang tignan ngayon, tuloy parang naiinlove ulit ako. Aysus! Harot!

Nagpalakpakan yung mga tao dun matapos nyang kumanta ng Love you Forever. Yung ngiti ko di ko na maitago, okay, so ako na ang kinikilig. Di ko naman akalain na mag-eeffort nanaman ng husto dito ang lalakeng ‘to. Kainis. Ang saya ko nanaman.

Dustin, kahit na ilang beses mo pa ‘tong gawin. Paulit-ulit pa rin akong kikiligin.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon