This Moment is Infinite
CHAPTER 33“Si Dustin?”
Hindi ko alam okay? Wag nyo akong tinatanong kasi promise, ‘di ko din alam kung asan ang taong yun. Nakakailang text na ako pero wala syang reply. Hindi ako tumawag kasi sabi wag ko daw munang tawagan. Pero ‘di naman sinabi na wag kong itext diba? Hahaha.
“Hindi ko alam eh. Dalawang araw ko na syang hindi nakakausap o nakakatext man lang.”
Actually mag tatlong araw na nga eh. Ewan ko ba dun, di man lang magawang mag text. ‘Di man lang kinonsider na may girlfriend na nagaalala sa kanya.
“Bukas na ang camping, tingin mo sasama sya?”
“Hindi ko alam.”
Hay puro ewan, wala akong idea at hindi ko alam lang talaga ang naisasagot ko sa mga tao ngayon. Ano nalang bang alam ko? Pinat naman ni Miki yung ulo ko kaya nginitian ko sya. Ayoko yung ganito, ayoko yung kinakaawaan ako kasi wala namang dapat ikaawa. Okay naman kami ni Dustin, diba? Hindi lang sya nagpaparamdam kasi baka busy. Pero alam ko yun, ico-contact din ako nun.
“Okay ka lang Gia?” tanong ni Tammy during lunch break. Sya at si Miki ang kasama ko ngayon kasi MIA nga si Dustin at si Janelle naman, ayun, gumagawa ng homework sa English. Ang babaeng yun talaga, laging nakakaliktaan gumawa ng homework ng dahil sa kaka-date nila ni Tim.
“Oo naman? I’m totally fine.” medyo ‘di ko pa siguradong sagot sa kanya.
Sus, bakit naman ako hindi magiging okay? Ang saya ko nga eh kasi walang makulit. Tapos tahimik ang buhay ko oh. So bakit hindi ako magiging okay diba?
“You’re totally lying. Okay ba yang ganyan?” itinuro nya yung pagkain ko na sya namang ikinagulat ko. Yung banana ko andun na sa ibabaw ng sandwich ko tapos tinusok-tusok ko pa at ang daming bread crumbs na nag kalat sa table.
“Yeah, looks like you’re totally fine.” sabi ni Miki habang nakangisi at pailing-iling. Si Tammy naman napabuntong hininga nalang habang tinitignan ang pagkain ko.
Nag kibit balikat nalang ako at uminom ng tubig, kumain ba ako? Ba’t di ko maalala?
Matapos naming kumain, bumalik na kami sa kanya-kanya naming rooms at naupo sa chair of agony. Isang madugong labanan na naman ang nangyari sa mga sumunod sa subject lalo na sa Physics at Math. Yung curves ng utak ko naging tuwid na at lahat lahat pero parang di ko pa din maintindihan yung dinidiscuss ng teacher namin. Kawawa naman yung utak ko, naiistress na.
Parang ang tagal ng uwian, grabe. Dati naman parang ang bilis lang ng isang araw, ni ‘di mo mafe-feel at magugulat ka lang na uwian na. Buong mag hapon, yun lang talaga ang inantay ko. Excited na kasi ako para sa camping bukas, kailangan ko pang ayusin yung mga gamit ko.
“Yes. 5 minutes nalang!” hindi ko maitago yung excitement ko kasi 4:55 na, limang minuto nalang makakalabas na ako dito at makakauwi na ako.
“Yes Ms.Rivera, at dahil dyan, ikaw ang sasagot ng question number 5.” patay tayo nito. ‘Di pa naman nag register sa utak ko yung mga idiniscuss ngayon. Ito na talaga ang napapala ko kapag lutang ako.
Napabuntong hininga nalang ako. Ba’t napunta saken ang mahirap na question? Huhuz.
“Hello Princess, how’s your day?” tanong ni dad pagpasok na pagpasok ko ng sasakyan.
Tinignan ko lang sya at ngumiti, “Hindi ko nasagot yung pinapasagutan sa akin ng teacher ko sa Physics.”
Tinawanan lang ako ng tinawanan ni dad. Yes dad, thank you. You can stop laughing now. Sobrang nakakahiya, nakatayo lang ako dun sa tinitignan ang board at yung teacher ko. Nung hindi talaga makaya ng powers ko sinabi ko na nauntog ako kagabi kaya nag mamalfunction ang utak ko.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.