This Moment is Infinite
CHAPTER 27Monthsary namin ngayon ni Dustin at aalis ako ng bahay today para makipagkita sa kanya dun sa usual park na pinupuntahan namin, nung Tuesday nya pa ako tinext para sa araw na to. Gusto nya din daw mag sorry personally kaya ako namang si tanga, pumayag din na makipagkita sa kanya.
Bandang 2pm daw kami mag kita sabi nya kaya 1:30 pa lang, umalis na ako sa bahay. Medyo may kalayuan din kasi yun eh tapos nag commute lang ako para din a ako magpahatid. Pag dating ko sa park, itetext ko na sana si Dustin pero pag tingin ko sa phone ko, drain na sya. Nakalimutan ko kasi tong i-charge.
So eto, no choice ako kundi ang mag antay. First 30 minutes, okay lang eh kasi naaaliw din naman ako sa mga batang dumadaan at naglalaro. Lahat na yata ng mga taong nadadaanan ako, nginingitian ako kaya nginingitian ko din sila pabalik.
After 2 hours or so, may bata namang lumapit sa akin nun. Siguro mga 6 or 7 years old yung batang babae at ang chubby nya talaga kaya naman natutuwa ako sa kanya.
“Ate, may inaantay po ba kayo?”
Ngumiti naman ako nun sa kanya. Napansin na nya siguro, medyo kanina pa din kasi sya dun sa may fountain.
“Oo eh, pero ewan ko ba dun. Nakakaasar nga eh.”
Napabuntong hininga naman yung bata. Ano ba yan, para namang ang laki ng problema nya sa buhay.
“Alam nyo po ate, sabi ng kuya ko po may nakikita syang lalake dito dati at parang may hinihintay po. Tapos.. tapos umiiyak yung kuya na pogi. Nakakaawa nga daw po eh, sabi ng kuya ko po. Tapos may isang araw nun, isinama ako ng.. ng kuya ko, tapos nakita ko yung si kuyang pogi. Pero matagaaaaal na po yun eh. Hindi ko na nakita sya dito.”
With matching feelings pa nyang kwento sa akin. Natuwa ako sa kanya kasi super kwento sya about dito sa lalakeng nakikita nila ng kuya nya dito dati. Nung natahimik sya, napatingin nalang ako sa kanya tapos nakatingin na pala sya sa akin nun ng seryoso kaya medyo na-curious ako sa kanya.
“Ano yun bata?”
“Wala lang po. Naisip ko lang po na.. na baka kayo po yung inaantay ni kuyang pogi. Kasi po.. kasi nag aantay din po kayo ngayon eh.”
Natawa nalang ako sa sinabi nung bata. Ayun, nag kwentuhan pa din kami dun. Nikwento nya pa sa akin na lagi daw sila dito ng kuya nya kasi may trabaho sa malapit na grocery yung mama nila kaya dito sila naglalaro. Maya maya lang, dumating naman si Dustin na hingal na hingal. Tinitigan naman sya ni Reece, yung batang kausap ko. Saglit lang din bumulong sya sa akin.
“Ate, sya po yung kuyang sinasabi ko sayo.”
Tinawag din naman sya ng kuya nya nun kaya nagpaalam na sya sa akin at tumakbo na papunta sa kuya nya.
Napaisip tuloy ako sa sinabi nung bata, so kung si Dustin yung lalake.. possibleng si Cassidy yung babaeng iniiyakan nya. Kasi sa pagkakaalala ko, ang sabi ni Miki, after hiwalayan ni Cassidy si Dustin saka lang sya naging certified playboy. At sya lang din daw ang tanging babae na iniyakan nito.
“Gia, I’m sorry. Nawala sa isip ko eh, tapos hindi pa kita ma-contact kaya—…”
Hindi ko na sya pinatapos nun at nag salita na ako.
“Bakit nawala sa isip mo?”
“Sinamahan ko kasi si Cassy para—…”
Napakunot ang noo ko nung narinig ko yung pangalan na yun, “Cassidy, lagi nalang si Cassidy. Cassidy here, Cassidy there. Nakakarindi ka na Dustin. Puro ka nalang Cassidy. Simula nung dumating si Cassidy wala ka ng ibang ginawa kundi ang makipag bonding dyan sa close friend mo. Lagi ka nalang busy sa kanya.” inemphasize ko talaga yung word na close friend kasi baka sakaling marealize nya na dapat mas iprioritize nya ako kasi girlfriend nya ‘ko!
“Bakit ba galit na galit ka kay Cassidy? Wala naman syang ginagawa sayong masama ah.”
Shit, hanggang ngayon ba talaga ipagtatangol mo pa rin yang si Cassidy na yan. Hindi mo kasi alam na mahal na mahal ka pa rin nya. Hindi mo alam kung gano ako katakot na baka agawin ka nya sa akin. I’m scared to the point na parang napaparanoid na ako.
“Mahal mo pa ba si Cassidy?” seryoso at marahan kong tanong sa kanya.
Napakunot-noo nalang sya sa tanong ko.
“Anong klaseng tanong ba yan Gia? Kung anu-ano nalang ang tumatakbo dyan sa isip mo.”
“Bakit hindi mo masagot? Simpleng oo at hindi lang naman ang sagot sa tanong ko ah. Mahal mo pa ba si Cassidy?”
“Alam mo namang magkaibigan lang kami diba? Walang patutunguhan ang usapang to!”
Napahawak sya sa batok nya na para bang nagsisimula na syang mairita sa akin.
“Ano bang gusto mong mangyari ha? Ano bang gusto mong gawin ko?”
Natahimik ako nun, alam kong magiging selfish ako kung hihilingin ko yun kay Dustin pero gusto ko lang din naman magpakatotoo sa sarili ko.
“Layuan mo si Cassidy. Putulin mo lahat ng connections mo sa kanya at ibalik mo yung dating Dustin na minahal ko. Yung Dustin bago dumating si Cassidy.”
Nag smirk sya sa akin matapos kong sabihin yun.
“I knew it. Nagseselos ka kay Cassy. C’mon! You can’t be serious right? Alam mo ba kung ano yang hinihiling mong gawin ko ha? You’re asking me to give up something so important to me. Oo, may past kami ni Cassy pero past na yun. You’re asking for too much Gia, parang sobra naman na yata yang pagseselos mo.”
“I hate how you act like I’m asking for so much when all I want is for you to give a damn about me.”
Naiiyak nanaman ako pero pinipigilan ko lang. Huminga ako ng malalim at tinanong ko sya ulit.
“Ako o si Cassidy?”
Ayoko na sanang umabot sa ganito pero kailangan na eh. Gusto kong makasiguro na ako pa rin, na kahit papiliin ko sya, ang pangalan ko pa rin ang maririnig ko mula sa bibig nya.
“Gia, wag mo naman akong papiliin.”
“Kung mahal mo talaga ako Dust, hindi mo na kailangang mamili pa.” naiyak na ako, hindi ko na kasi talaga mapigilan. Ang sakit na. “Wow, way to go. Happy Monthsary ha.”
Pinunasan ko na yung mga luha ko at tinignan ko sya ng diretso. “Masyado ng magulo Dustin. Hindi ako makapagisip ng maayos. I need some space at kailangan mo rin yan. Pahinga muna. Goodbye.” umalis na agad ako dun at nauwi sa bahay. Tinawagan ko naman si Tammy nun at pinapunta ko sa bahay.
Nung pag dating ni Tammy, niyakap ko sya ng mahigpit at ikinuwento ko sa kanya yung mga nangyari. Galit na galit sya kay Dustin nung nalaman nya yun pero sabi ko nalang na hayaan nya kasi ayokong malaman ni Dustin na sobra nya akong nasaktan.
Ganito pala kasakit mag mahal, mas masakit pa kesa sa nararamdaman kong chest pain everytime na inaatake ako. Kung alam ko lang, edi sana di nalang ako nag mahal.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.