This Moment is Infinite
CHAPTER 46“Ayan kasi, kinakain mo kasi pati yung mga prutas dito sa kwarto ko.” sabi ko kasi masakit ang tsyan ko. Najejebs ako tuloy!
“Shut up Benitez.”
Ilang beses ko ng sinabi na 'di ko na sya dadalawin pero andito nanaman ako at dinadalaw ang abnormal na ‘to. Di ko nga alam ba’t dinadalaw ko pa ‘to eh. Tuwing nag kikita naman kami nagkakapikunan lang kami.
Patuloy lang sya sa pag bi-braid ng buhok ko habang nanunod ng video tutorial sa YouTube. Ako pa ang pinahawak ng iPad nya, kapal ng mukha diba? Gusto nya kasing mag aral kung pano para ma i-braid nya ang buhok ng pinsan nya. Mas paborito na kasi ng pinsan nya si Rui kasi marunong itong mag braid ng buhok.
“Aray naman. Ang sakit.” sabi ko habang hinahampas ang kamay nya.
Aba’y ang mokong tumawa lang, siguro sinadya nya yun. Ang sama ng ugali.
“Kamusta naman kayo ni Dustin?” napangiti ako sa tanong nya. Kinikilig ako eh.
“Okay naman, pero parang wala lagi sa sarili nya ang lalakeng yung eh. Halos one week na, ewan ko ba dun kasi. Tas parang laging may inaantay na text o tawag. Naka-subsob lagi dun sa phone nya.”
“Baka may iba ng girlie. Ganon kaya yun.” natahimik ako sa sinabi ni Gab. Isipin ko pa lang na may iba na sya parang kinukurot na yung puso ko. Napansin nya siguro na nanahimik ako kaya inalog nya ako.
“Uy joke lang, naniwala ka naman.”
“Uh— Gab.”
“Hm?” medyo tinatamad nya pang sagot.
“Anong signs ba pag may ibang gusto na yung lalake?” this may sound stupid pero curious kasi ako. Itatanong ko na ‘to para naman alam ko at di ako masaktan no, or maging handa nalang sa kung ano man ang mangyari at the very least.
“Don’t be stupid. Ano nanaman bang tumatakbo dyan sa abnormal mong utak ha?” iritado agad? Nag tatanong lang yung tao eh.
“Ah, wala naman.” Hindi ko nalang ipu-push ‘to at baka magkasagutan at magkapikunan lang kami. Ayokong ma-badtrip no.
“Nga pala, yung boyfriend mo ang sungit. Tinawagan kita last week tapos syang ang nakasagot. San ka ba nun?”
“Hospital. Umatake nanaman eh.”
After kong sabihin yun, natahimik ang paligid. Walang nangahas na mag salita sa aming dalawa, it was awkward— really awkward and I hate it. Ayoko ng ganito, yung awkward yung air around us kaya nag salita na ako.
“Hey, maalala ko. May girlfriend ka ba?” naalala ko kasi yung post it dati. Di ko alam kung nabasa na nya yun, pero malamang hindi pa, tamad ‘tong lalakeng ‘to eh. Ultimo pag kuha ng teaspoon sa side table nya 'di nya magawa, talagang iuutos pa sa iba. Prinsipe nga naman oh.
“Wala, may boyfriend kasi yung crush ko. Pero lagi nya akong binibisita at iniinis. Minsan nga feeling ko crush nya din ako eh. Nahihiya lang syang aminin.” sabi nya ng may isang nakakalokong tingin.
“Kapal ah. Seryoso na nga, kasi dati may nakita akong post it dito, nag I love you sya sayo tas sabi nya miss na miss ka na nya.”
Yung kaharap ko na Gab ngayon, feeling ko nag iba. Nawala kasi yung pagiging maloko nya eh, napaka-seryoso at napaka lungkot nya tignan pero itinatago nya ito sa pamamagitan ng ngiti at tawa.
“Mahal nya ako pero mas mahal nya ang best friend ko. Yung pagmamahal nya sa akin… pang best friend lang.”
Medyo sensitive pala na topic yun. Di ko na sana inopen-up, nalungkot pa tuloy yung loko.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.