CHAPTER 26: She's my best friend anyways.

380 4 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 26

Ilang araw na din kaming hindi naguusap ni Dustin. And this week wala din kaming pasok kasi foundation week. Asa bahay lang ako at nagpapahinga, sinabi ko na din sa mga kasama namin sa bahay na pag may nag hanap sa akin na kahit sino sabihin nila na wala ako, na umuwi muna ako sa Bayview.

Ano naman kayang sasabihin ko sa kanila aber kung makita nila akong matamlay, namumutla at naka-dextrose? ‘Ay, trip ko lang mag dextrose para hindi na ako kumain. Diet eh.’. Hello? Hindi pa ako hibang para magpakita sa kanila sa ganitong sitwasyon.

Habang nanunuod ako ng tv sa kwarto ko, ring ng ring yung phone ko pero hindi ko lang yung pinapansin. Nakakailang text at missed call na sa akin si Tammy, Miki at Janelle. May mangilan ngilang text din sa akin si Dustin.

Wednesday na today at medyo nakakagalaw na ako ng maayos. Dapat asa hospital pa din ako ngayon, pero sabi ko kay Tito na sa bahay nalang ako kasi mas lalo akong manghihina kapag dun lang ako sa hospital. Bumaba na ako nun kasama yung dextrose ko at nung nakita naman ako ni Tita, agad nya akong tinulungan.

“Ikaw talagang bata ka, bakit kasi hindi mo nalang ako tinawag. Pinapahirapan mo pa talaga ang sarili mo.”

Natawa nalang ako, ang kulit kasi ng reaction ni Tita. Napaka nerbyosa nya pa man din.

“Si Tita talaga, kaya ko naman po eh.”

Ngumiti lang sya sa akin.

“Anong gusto mong kainin?”

“Apple lang po sana, pero ako na po Tita.”

“No, ako na.”

Mabilis naman syang pumunta nun sa kusina para kumuha at magbalat ng apple. Gusto ko kasing binabalatan muna yung apple.

Habang nakatayo ako sa may gilid ng mesa at kumakain ng chicken roll, may bigla namang nagsalita sa likuran ko na ikinagulat ko talaga. Sa gulat ko, nabitawan ko pa yung hawak kong tinidor.

“Ikaw naman ginugulat moko eh.”

“Bakit ka nag sinungaling? Akala ko ba asa Bayview ka? At saka bakit ang putla mo at naka-dextrose ka?”

“Ang dami mo namang tanong eh.” ngumiti ako sa kanya, “Gusto mong chicken roll?”

Sumubo naman ulit ako ng chicken roll nun, pero sya nakatayo lang dun at diretsong nakatingin sa akin.

“Gia ano ba! Sagutin mo nga ako!” humawak sya sa balikat ko at inalog-alog ako.

“Tammy! Stop that!” malakas na sabi naman ni Tita nung nakabalik na sya galing sa kusina.

“It’s okay Tita. Siguro nga kailangan na din nyang malaman, isa pa best friend ko na sya simula nung mga bata pa lang kami.”

“Ano bang sinasabi mo Gia? I-explain mo nga ng maayos sa akin please.”

Bumitaw sya sa balikat ko at tumayo ng maayos. Huminga muna ako ng malalim nun tapos pinilit kong ngumiti sa kanya nun.

“I have a serious medical condition Tammy. I have an enlarged heart and was diagnosed with congestive cardiomyopathy.” nakaka-ewan lang yung itchura nya, parang lutang lang eh. Nah, I’m just messing with her. Pinapahaba ko lang yung tawag sa sakit ko, eh sakit lang naman talaga yun sa puso. Wow! ‘lang’, nila-lang ko nalang ngayon yung sakit ko. “In other words, the pumping chambers of my heart contract poorly.”

“W-what? B-bakit ngayon mo lang sinabi sa akin yan? Nakakainis ka naman eh.”

Nagsimula na syang umiyak nun. Kaya ayokong sabihin sa kanya eh, napakaiyakin kasi nito kahit kelan. Nilapitan ko naman sya at niyakap.

“Wag ka ngang OA. Yes, I could die any moment pero just so you know, magkakaron na ako ng heart transplant sa December kaya wag ka ng umiyak dyan. Mabubuhay pa ako ng matagal.”

“Pag nawala ka talaga, huhuntingin kita sa langit pag nagkataon.”

“Wag kang ambisyosa, hindi ka makakarating ng langit. Bawal ka dun.”

Binatukan ba naman ako. Pero ayos lang, atleast tumatawa na sya.

“Please Tammy, don’t tell anyone about this. Kayo lang nila Tito Fred at Tita Margaux ang nakakaalam pati yung mga kasama namin dito sa bahay.”

“Oo na. I promise.”

That day, tingin ko mas napahalagahan ako ni Tammy. Ganon pala talaga yun no? Kapag alam mong may possibility na mawawala na sa piling mo ang isang tao, mas napapahalagahan mo na sya.

I hope we could be like this forever.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon