CHAPTER 39: I fell out of love.

360 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 39

My mom cried hard after those words left my mouth, ofcourse masakit din para sa akin pero I felt at ease. Ganito pala yun no? kahit napakahirap ng desisyon mo, malalaman mo lang na yun ang tama kapag nakaramdam ka ng ganito— yung at ease ang puso mo.

Kinausap ako ni Dad at Tito kung bakit, ang sabi ko lang I don’t feel like it at sabi ko na I feel better now— na hindi ko na kailangan ng operation. Pilit nila akong kinukumbinsi na ituloy yung operation pero I ignored them. 'Di ko magawang sabihin na hindi tuloy ang operation kasi nag backout ang mommy ni Gab, mag mumukhang masama si Tita nun kaya inako ko na lahat.

Friday morning. I don’t want to go to school kasi di ako masyadong nakatulog pero kailangan kasi kakausapin ako ni Mrs. Ty para sa isang importanteng bagay.

“Where’s Dustin?” tanong ko sa kaklase namin pero ang sabi nya lang 'di nya pa daw nakikita si Dustin.

Nung lunch break, tinanong ko si Miki at Tammy kung nakita ba nila si Dustin pero 'di din daw. Asan ba kasi yun?

“May sakit ka ba? You don’t look well.” sabi sa akin ni Miki.

I smiled at him, “I’m okay. All good.”

I wanted to talk to Dustin pero 'di ko naman sya mahanap, ni anino nya 'di ko nakita buong mag hapon. Pinuntahan ko si Mrs. Ty at nag usap kami, pag balik ko ng room wala pa din si Dustin. Before matapos ang last period, I texted him pero wala akong natanggap na reply kaya bumaba na ako.

Pag dating ko sa lobby, may nakita akong sign board na may nakalagay ‘This way Gia’ kaya sinundan ko ito. It led me to the school quadrangle where I saw rose petals everywhere. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, I was standing in the middle of the quadrangle tapos nag simulang tumugtog ang kantang I will take you forever.

I was a man who always played around in love

So quick to take but so afraid to give enough

But now I found the one

And heaven will only know what only my eyes can say

And time can take away

Nag simula ng mag labasan yung mga kaklase ko at isa-isang nag bigay sa akin ng bulaklak, bawat bulaklak may note pero I can’t bring myself to read it kasi alam ko na pag ginawa ko yun, 'di ko magagawa yung dapat kong gawin.

'Di ko na alam kung ilan na silang nag bigay sa akin ng bulaklak, hanggang sa nakita ko na sya. Ang lalakeng kanina lang gustong-gusto kong makita pero ngayon parang gusto ko nalang na ma-lock sa basement or something.

He was smiling brightly habang nag lalakad sya papalapit sa akin, his eyes locked on mine. Pinigilan ko ang sarili ko na wag maiyak. Effort na effort na ako sa pag pigil nun hanggang sa makarating sya sa harapan ko. I braced myself para sa mga susunod na mangyayari.

I will (I will) take you (take you) forever

And there will never be

anyone else in my heart but you

and I will (I will) take you (take you) forever

And there will never be anyone else but you

Anyone else but you

“Happy 3rd Monthsary, babe. Hindi natin na-celebrate ng ganito yung second monthsary natin kaya parang sabay na rin yun dito ngayon.” patuloy pa rin sya sa pag ngiti. “Nakalimutan mo no?” nag pout sya which I think is cute. “Okay lang, okay lang din kahit na mailap ka sa akin this past few days. I still love you so much Gia.”

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon