This Moment is Infinite
CHAPTER 23Nung tinanong nya yun kay Dustin, parang nanliit ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang yung naramdaman.
“Yep.”
“Akala ko ba Gia ang name ng girlfriend mo? Eh diba Claudelle ang name nya?”
Nagkatinginan nalang sila ni Dustin. Napatingin naman ako kay Miki at Janelle nun.
“Teka, magkakilala na kayo ni Gia?” nagtatakang tanong nya pa kay Cassidy.
“Yeah, somehow.”
Ngumiti lang si Dustin nun at inakbayan ako sabay tingin kay Cassidy.
“Gia Claudelle kasi yung name nya. Ang ganda nya diba? Sabi ko sayo eh.”
“Yeah.” maikling sagot ni Cassidy sa kanya.
Hindi ko lang alam ha, pero parang iba si Cassidy ngayon. Parang iba na yung aura nya towards me. Or baka iniisip ko lang yun? Tama, praning lang ako. It’s not like tinignan nya ako ng masama, baka nag kataon lang at baka nagiging imaginative lang ako masyado.
“Miki, sama kayo maglalaro kami ni Dustin ng tennis. Matagal tagal na kasi yung last na nag laro kami eh.”
Napatingin pa sa akin si Miki nun, si Janelle naman tahimik lang. Teka nga, pagod na yang si Dustin tapos aayain mo pang mag tennis. Tindi din ng trip neto sa buhay oh. Show off.
“Pretty please?” sabi nya pa kay Miki.
Pumayag nalang din si Miki pero mukhang napilitan lang.
Mabilis kaming nakarating sa tennis court kasi malapit lang din naman. Medyo maliit ang tennis court na ‘to kesa sa isa pang tennis court dito sa Franklin’s. Yung malaking tennis court kasi, yun yung ginagamit kapag may competitions.
Naupo lang ako sa gilid kasama si Miki at Janelle habang yung dalawa todo laro.
“Ano bang gusto nyang ipalabas?” iritadong sabi ni Janelle.
“Baka naman gusto nya lang talagang makipag bonding kasi matagal din naman yata syang nawala diba?”
“Wag nya nga akong pinaglololoko, sya nga itong nakipag hiwalay at iniwan ng walang dahilan si Dustin eh.” tinignan nya naman si Miki, “Hindi nya ba talaga nasabi yung dahilan?”
Umiling lang si Miki sa kanya nun, huminga ng malalim at saka nag salita. “Hayaan mo na, alam naman nating si Gia na talaga ang mahal ni Dustin ngayon. Tignan mo nga, makikita mo namang kaibigan nalang talaga ang turing nya kay Cassy.”
Tinignan lang namin sila, kitang kita ko kay Dustin na nag e-enjoy talaga sya. Kahit naman alam ko na ako yung mahal nya, hindi ko pa rin maiiwasang mainggit, mag selos at manliit.
“Thay have so much in common.”
Nagulat sila sa sinabi ko, pati nga rin ako nagulat nalang kung bakit nasabi ko din yun eh. Dapat kasi sa utak ko lang yun, ba’t naman kasi nasabi ko pa out loud. Nag kunwari nalang ako na para bang wala lang yung sinabi ko. Napapaisip tuloy ako, pag ba sinabi sa kanya ni Cassidy na sya pa din, iiwan nya kaya ako? Natatakot ako.
Naisip ko lang yun kasi nakikita ko kasing ibang iba yung aura ni Dustin ngayong magkasama sila. Pag kami kasi ang magkasama, tingin ko nakikisama lang si Dustin. Hindi man lang kami makapag laro ng sports. Puro books, music at mga tanim lang kasi ang hilig ko, hindi naman kasi ako pwede mag laro ng kahit anong sports dahil nga sa condition ko.
Nag lakad naman pabalik sa amin sina Dustin at Cassidy, mukhang tapos na silang mag laro.
“Hey Gia, laro tayo?"

BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Fiksi RemajaCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.