Prologue & Brief Intro

2.9K 19 1
                                    

THIS MOMENT IS INFINITE
BY: THATGIRLCANDEE
Copyright © 2012 by thatgirlcandee. All Rights Reserved.

Prologue:

Madaming What Ifs ang mundo, madaming mystery, madaming problema at madaming questions na hindi agad nasasagot. But that’s what makes life more exciting. That’s the thing na nag pu-push sa atin para mag look forward sa bawat araw na ginawa ng Dyos.

There are also things that are better left unsaid, may mga questions na hindi nalang dapat malaman ang kasagutan. Kasi kapag nasagot ang isang katanungan, it will lead to more questions. So sometimes, mas mainam na yung hayaan nalang ang mga bagay-bagay na mag unfold sa sarili nilang oras at panahon. I think, that would make life less complicated.

May mga bagay na hindi natin alam kung bakit nangyari sa atin, di natin alam kung bakit may mga taong bigla nalang dumadating sa buhay natin, at kung bakit bigla-bigla nalang din silang mawawala. It may seem unfair to you, but that’s how the world works. Honestly, our life and the world isn’t unfair. Iniisip lang natin na unfair ito kasi madalas 'di ito tugma sa kung ano ang gusto nating mangyari.

Say may mahal ka, tapos 'di ikaw ang mahal nya. Pero ang 'di mo alam, yung taong mahal mo’y 'di rin pala mahal ng taong mahal nya. See? Life isn’t unfair; life’s difficult and complicated but it’s always fair.

 

"Sa buhay, hindi lahat ay huma-happy ending. Deal with it."

Brief Intro:

"Na-in love ka na ba?" umupo sya sa desk ko nung tinanong nya sa akin yun, pero hindi ko sya sinagot at nagpatuloy pa rin ako sa pagbabasa ng libro.

"I don't like you Rivera." she flipped her hair at itanaas nya ang kanyang kaliwang kilay.

I looked at her straight in the eye sabay tayo mula sa kinauupuan ko.

"The feeling's mutual. Ayoko rin sayo." inayos ko yung gamit ko at nag simula na akong maglakad paalis.

"Feisty, I see.” she chuckled and gave me one of her mischievous smirk. “Hindi mo lang siguro masagot yung tanong ko kasi hindi mo pa naranasan. Pero hindi na nakakapagtaka kasi sa ugali mong yan, malamang walang magkakamaling manligaw sayo."

This bitch is starting to get into my nerves… again! She’s so irritating to the point that I want to slap her so hard she’d die. Gusto kong palampasin nalang, pero sumusobra na sya e, kaya nag decide akong huminto sa paglalakad at lingunin sya para sagutin.

"You talk a lot, Monique. You don't know when to shut up, do you?" I tilted my head ang gave her my sweetest smile which made her even more irritated.

"Naaawa ako sayo, alam mo ba yun?” she paused then started again, “ Don’t worry, ibibigay ko sayo yung iba kong manliligaw. Ang rami na nila, e. Gosh.” hinawi nanaman nya ng buhok nya matapos nyang sabihin yun, tipong nag mamalaki. Akala mo naman kay ganda ng buhok. If I know, puro split ends yan. Kaloka.

Nag tinginan sa amin yung mga kaklase namin. Nag aantay nanaman siguro na may mapanuod na pang telenobela na awayan. Mga tsismosa at tsismoso forevs!

Simula nung araw na nag-aral ako dito hanggang ngayon, hindi talaga kami mag kasundo ni Monique. Papansin kasi sya kaya lagi syang gumagawa ng eksena sa classroom at kung saan nya man gusto. Abnormal talaga, abnormal at kulang sa pansin.

"Actually, may nadagdag nanaman sa listahan ng mga manliligaw ko kanina lang. Gosh. Ba’t kasi di ka nalang gumaya sa akin.” pag yayabang nya pa. Sige lang, push mo yan.

Natawa ako sa sinabi nya kaya tinaasan nya ako ng kilay. Tinanong nya sa akin kung ba’t ako tumatawa pero di ko sya sinagot kaya naasar sya at sinigawan ako. Damn, ang sakit nun sa ego.

"Ba’t ba? Masama bang tumawa?" nginitian ko sya ng nakakaloko, "Fine. If you insist. Ayokong madurog yang dignidad mo, Monique. Pero makulit ka, e.” huminto ako saglit para mabitin lang sya ng konti, “Wag mo akong ihalintulad sayo, okay? Magkaibang level tayo. Kung sa cellphone pa, iPhone ako at ikaw naman yung cheap na phone. Ikaw yung pinipilahan kasi cheap ka, madali kang makuha.” nag kibit-balikat ako, "Kuha mo? Or do I have to elaborate it further for you to understand? Baka kasi sa sobrang simple-minded mo, pati yun di ma-comprehend ng utak mo.”

I may look like na wala akong pakealam sa mundo, but really, I’m just silently judging them in my mind. Nah, kidding. I just really don’t care about the people around me. Tahimik lang ako, pero pag nag salita na ako… either matutuwa, mapipikon or masasaktan ka. I say shitty things whenever I open my mouth sometimes. It’s intentional though.

Iritang-irita yung mukha nya, tipong sasabog na sya any moment. Nag smirk ako sa kanya saka ako nag lakad paalis.

"Stupid. Ano bang alam nyo sa akin?" nasabi ko nalang sa sarili ko.

Ang problema kasi sa mga tao, putak ng putak na akala nila alam nila ang buo mong pagkatao. Hinuhusgahan ka agad ng hindi ka pa nga nakikilala ng maayos. I don’t want that. I want people to see through me first before they judge me, kasi I know better than anyone else. Nakakapagod din kasi yung lagi nalang akong namimisinterpret.

I admit. I'm rude, mean, heartless and the list goes on. I'm no saint! Hindi naman talaga ako ipinanganak na ganito, minsan lang kasi may mga bagay na nangyayari at ito ang nagiging dahilan kung bakit nag babago ang tao.

Tinitingala ng ibang tao yung pamilya namin kasi we're giving off the impression of a 'perfect family' nga daw. "What a perfect life you have. I'm so envious." yan ang madalas kong marinig mula sa mga kaklase ko.

Nakakairita na rin kung minsan, kasi ang totoo, hindi perfect ang buhay ko pati na ang pamilya ko. We're not happy. We don't even have time for each other. They don't have time for me.

At kung bibigyan ako ng pagkakataon para maibalik sa dati yung buhay namin, I'll surely grab that chance.

But what can I say? Life can be very shitty sometimes.

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon