CHAPTER 48: The Rumor.

336 3 0
                                    

This Moment is Infinite
CHAPTER 48

Gia’s POV

“Mag-iingat ka dun okay? Kung may kailangan ka o kung may problema, mag text ka lang at pupuntahan ka namin ng daddy mo.”

I nodded then nag kiss na ako sa kanilang dalawa pati na rin kay Tita.

Pupunta ako sa Synysville kasama si Mrs. Ty, gusto nya akong isurpresa kaya ayun, biglaan. 'Di tuloy ako nakapag-paalam ng personal kay Dustin at sa buong tropa. 3 days kami dun kasi 3 days din ang event.

Isang malaking opportunity din ‘to para sa akin kasi may mga taga-ibang bansa na mag bibigay ng scholarship at pupunta din dun ang isang sikat na musician na teacher din sa Juilliard kasama ang isang program administrator ng nasabing school.

Bata pa lang, pinangarap ko ng makapag-aral sa Juilliard, kaya hinding-hindi ko papalagpasin ang opportunity na ‘to.

Sinundo ako ni Mrs. Ty sa bahay, then off we go. Matagal-tagal na byahe din yun since sa may bandang North kami pupunta, mga 2-3hours din. Pag dating ko dun, agad kong tinawagan si Dustin. Nakaka-ilang ring na pero walang sumasagot.

Sunod kong tinawagan si Miki, ganon rin… walang sumasagot. Ano ba naman ang mga taong ‘to, busy masyado? So si Tammy na ang tinawagan ko. Sabi nya sa akin wag ko daw syang tatawagan kasi mamimiss nya daw ako pero anong magagawa ko? Hindi sumasagot si Dustin. Geez, I feel like a possessive girlfriend.

Thankfully at sinagot naman nya yung tawag ko after the second ring.

“Hey biatch. How’s school? I’m already here at Synysville. I bet naiinggit ka na by now, don’t worry at ibibili kita ng souvenir.” I playfully told her.

“Ah talaga? Ingat ka dyan tapos enjoy.”

Odd. Kelan pa naging ganyan ang mga sagutan ni Tammy? Aba, she’s the queen of come back, kaya it’d be totally weird kung yan lang yung sagot nya. I mean yes, may karapatan naman syang sumagot ng ganyan lang pero diba nga sabi ko na queen of come back sya. So I think something’s totally wrong.

“Spill it out.” utos ko.

“What? Y’know let’s talk later. Andito na si Mrs. Devera.” napataas ang kilay ko. I knew it, she’s totally lying.

“What’s up Tammy? I know you’re lying! Monday ngayon, so wala kang class kay Mrs. Devera. Saka anong meron ba? Si Dustin at Miki di sinasagot ang phone nila.” sunod-sunod kong tanong.

“Laters.”

At binabaan ako ng telepono. Ang galing diba?

Hay nako, makapag ikot-ikot na nga lang dito sa lugar na ‘to. Susulitin ko yung stay ko dito, ang ganda kaya. Synysville is a private resort owned by a German national by the way.

One word to describe this place: Epic.

Isang malaking investment 'to. At malamang, ilang milyon o bilyon yung nagastos dito para maging ganito ka-ganda. Ang sabi nung tour guide kanina, yung mga gamit daw dito ay galing sa iba’t-ibang bansa but most of it is from France, Germany at Italy.

Habang nag lalakad ako sa garden, nilapitan ako ng isang middle-aged woman.

“Hi. Isa ka ba sa mga studyante na kasali sa event mamaya?”

I smiled at nag nod ako. Nag smile din sya sa akin and to tell you honestly, her smile’s actually mesmerizing.

“Gusto mong ipasyal kita dito?”

“Really?” excited kong sagot. I can really be a kid sometimes.

Ipinasyal nya ako sa 3D museum, sa gallery, at sa art room. Ang dami ko ng pictures kahit konti pa lang yung napupunthan namin. Camera shy pa ako nyan, promise.

Nakita ko rin yung Olympic size pool nila at napuntahan ko rin ang golf course, dojo, basketball court, fitness gym— kumpleto yata yung facilities and amenities nila dito eh tapos. After almost two hours, natapos na namin ang paglilibot sa resort. Ang laking resort naman nito! Nakakapagod libutin! Pano nalang kaya kung nag lakad kami?

Nag thank you ako kay Ms. Fernanda para sa tour, sobrang na-enjoy ko talaga yun. Pag dating ko ng kwarto, tinignan ko yung mga kuha ko at talaga namang natatawa ako sa mga ito. Parang ewan lang yung mga mukha ko, pang wacky lang talaga.

I sent an image to Dustin, yung kuha ko sa 3D museum na may kasamang knight in shining armor.

I’ve got mi self a knight in shining armor.

Saglit lang nag reply sya.

Let’s break up.

Plain text, no emoticons at all. Hindi ko alam kung nag jo-joke sya o kung seryoso sya or kung ano. Then again I mentally slapped myself kasi na pa-praning nanaman ako. I took it as a joke, kasi joke lang naman talaga yun… siguro.

Wala naman akong ginawang masama, so bakit nya ko hihiwalayan diba? Tapos okay naman kami— mejo. May topak lang sya last week pero okay kami. Okay kami.

To: Mi Novio

You jealous? I’m just kidding y’know. Kahit na sinong lalake pa ang dumating, ikaw pa rin ang pipiliin ko. I love you so much!

I waited for his reply pero wala. Busy siguro.

Around 5:30, nag ready na ako. 7 kasi ang start ng event at bilang dakilang pagong, kailangan kong kumilos ng maaga para naman di ako magahol sa oras. Habang inaayos ko yung buhok ko, biglaang sumakit yung dibdib ko kaya naman dali-dali kong kinuha yung gamot ko sa bag at sinubukan kong i-relax ang sarili ko.

Ba’t ngayon pa? Hindi ako pwedeng mawala sa event, dito nakasalalay ang future ko.

“Oh my. Gia! Gusto mong pumunta tayo sa hospital?” natatarantang sabi ni Mrs. Ty nung nakita nya ako. Yes, she knows about my condition. Bukod kay Tammy at sa pamilya ko, yung gym teacher ko at si Mrs. Ty lang ang nakakaalam.

“Magiging okay din po ako.”

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko, “Alam kong importante para sayo ang event na ‘to, pero mas importante sa akin ang masiguro na okay ka.”

“I swear, magiging okay po ako so don’t worry.”

That night, pinilit kong maging okay. Nananamlay ako at alam kong nakikita ito ng iba pero pilit kong ipinapakita na okay ako at kaya ko. Never akong magpapatalo sa karamdaman ko. This is for me— for my future.

*  *  *

Days went by so fast, akalain mo ba namang last day na ngayon? Mamayang hapon uuwi na kami. Andito ako ngayon sa music room, may nag request kasi na tumugtog ako kaya ayun, ginawa ko naman. Nag submit na din ako ng application sa Juilliard. Sana naman palarin akong makapasok.

Habang busy na nag uusap si Mrs. Ty at yung iba, nag excuse muna ako para pumunta sa ladies room. Pero di naman talaga ako pupunta dun, gusto ko lang mag pahangin. Kaya nag punta sa sa balcony ng tinatawag nilang Consuiquie building.

Hay, ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganito— yung peaceful. Kahit papano nakakapag-relax yung utak ko. Walang worries, problems, jealousy at insecurities… plain peace lang yung tanging nararamdaman ko.

“Oo, si Dustin.”

Mula sa pag tanaw ko sa malayo, biglang nabaling yung atensyon ko sa boses ng isang babae. Tama yung narinig ko di ba? Si Dustin ang pinaguusapan nila.

Hindi naman sa chismosa, pero talagang na-curious lang ako. Bilang girlfriend, may karapatan naman siguro ako kahit papano? Boyfriend ko ang  pinaguusapan nila eh.

“Yung girlfriend nya na andito? No wonder kung bakit parang ang tamlay nya.” wait. What? I’m lost.

Ako na yata yung pinaguusapan nila? Hindi ko makuha.

“Grabe si Dustin no? Pero infairness, magiging maganda ang lahi nila.”

“Pero ang bata pa nila. Tingin mo, babae kaya yung ipinagbubuntis ni Gia?”

What? Buntis ako?

This Moment is InfiniteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon