This Moment is Infinite
CHAPTER 41Gia’s POV
“How’s your heart?”
Andito nanaman ako sa hospital, three days na. Pag uwi ko sa bahay matapos namin mag usap ni Dustin, diretso ako sa kwarto ko at nag-iiiyak dun kaya na-stress nanaman ako. Ang adik lang no? Ipinagtatabuyan ko sya tas nung sinabi nyang I can’t have him anymore sobra akong nasaktan at eto ako nag da-drama pa din dahil dun hanggang ngayon.
“I’m okay Mom, really. Stable naman na din yata ang puso ko.” I gave her a reassuring smile para naman 'di na sya magalala sa akin.
“I’m not talking about that.” she gave me a half smile tapos seryoso akong tinignan, “I’ve heard wala na kayo ni Dustin. Hindi mo man lang sinabi sa akin, you know that I’m here for you naman diba?”
“I’m sorry mom.” yumuko ako at nilaro lang yung mga kamay ko.
Hinaplos nya yung buhok ko at inayos ito.
“Ang laki mo na, dati rati ang reason lang ng pagiyak mo eh kapag nadapa ka o 'di kaya'y kapag nag away kayo ni Tammy or kapag 'di nasusunod yung gusto mo. Ngayon umiiyak ka na ng dahil sa lalakeng pinakamamahal mo. Oh how time flies.”
“Yeah, how time flies.”
Parang kahapon lang nangyari yung pag-amin ni Dustin ng feelings nya para sa akin, yung ligawan, yung awayan at suyuan namin. Parang kahapon lang malaya kaming nag mamahalan at parang kahapon lang din… masaya kami.
Gusto kong bumalik sa panahong yun. Kung sana pwede lang. Kung sana wala lang akong sakit.
“Kung dahil ‘to sa sakit mo, magpa-opera ka. Kung mahal mo talaga sya at gusto mong makasama sya ng matagal, itutuloy mo ang operation.”
Yung operation. Dapat ko bang sabihin? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ayoko na mag sinungaling at mag lihim, nakakapagod na rin kasi.
“Mom, I have to tell you something. But promise me first na hindi ‘to makakalabas sa iba.” inextend ko yung kamay ko, “Pinky promise?”
She smiled at nag chuckle, “Pinky promise.”
“The truth is… hinindi kayang i-donate ni Tita Barbie yung puso ni Gab kasi naniniwala sya na magigising pa sya.” I started crying, “I’m scared mom, ayoko pang mawala. Half of me says it’s okay, tapos half of me naman ang nag sasabing okay lang magpaka-selfish. Hindi ko alam kung ano ang gusto ko Mommy.”
Napatakip muna sya sa bibig nya nung sinabi ko yun tapos niyakap nya ako at hinagod yung likod ko. I’m glad dahil andyan ang mommy para sa akin, I’m glad kasi napaka-supportive ng family ko at mahal na mahal nila ako. I couldn’t wish for a better family ‘cause I already have the best.
“Shh, that’s enough. Makakasama sayo ang pag-iyak. Everything will be alright baby, I promise. Hahanap tayo ng ibang donor, okay? Mabubuhay ka ng matagal.” she then wiped my tears away at nginitian ako. “You know what? Hindi ka dapat nagpapatalo sa sakit mo. Hindi ka dapat mabuhay sa takot, you have to enjoy every moment. Kung may mahal ka, mahalin mo sya hangga’t kaya mo— don’t hold back para wala kang regrets.”
Naliwanagan ako sa mga bagay-bagay. Sus, si mommy lang pala ang magiging susi para ma-clearout tong mga doubts at worries ko sa buhay e. Indeed, mother knows best.
“If you really love Dustin, balikan mo sya. Hindi mo deserve ang maging malungkot, at alam ng buong mundo na sya ang happiness mo. Wag mong isipin ang mga problema mo, lift you worries to God. Pray.”
“Thanks Mom.” I kissed her lightly sa cheeks at niyakap ulit sya.
* * *
“What are you doing here?”
![](https://img.wattpad.com/cover/3559426-288-k844283.jpg)
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.