This Moment is Infinite
CHAPTER 43Naiinis talaga ako sa Dane Austin Adams na yan! Ang kapal ng mukha! Porke alam nyang mahal ko sya at gusto ko makipagbalikan, gaganituhin ako— pagseselosin? Ha! Naku talaga.
Dumiretso agad ako sa condo ni Tammy matapos kong bumili ng cake. I’ve had enough bad vibes for today, sana naman kahit ito lang ibalato na sa akin ni Lord. Sana maging okay na kami ng best friend ko. Kahit naman kasi topakin, mainitin ang ulo at masungit yun paminsan-minsan, mahal ko pa rin yun.
Naka-ilang door bell nako wala pa rin. Weird. San naman kaya nag punta yun? Tatawagan ko na nga lang. Kinuha ko yung phone ko mula sa bag ko at nakita kong may text si Miki.
From: Miki-mouse
Where art thou? Bahay. Now.
Uy, ayos sa timing. Si Miki na nga lang ang pupuntahan ko. Saktong sakto ang timing nya, sarap din nun ka-kwentuhan eh. Dun nalang ako sa kanila, pag bumalik kasi ako sa hospital malamang kukulitin lang ako ni Benitez.
Nag taxi na ako papunta kina Miki ng makapag pahinga din ako. Mga 15 minutes lang din naman yung kanila mula kina Tammy kaya keri na din sa pahinga. Pag dating ko dun, nakita kong naka-park ang sasakyan ni Dustin sa labas. Oh great, andito sya. Napa-roll eyes nalang ako. Akala ko pa naman kami-kami lang ni Miki, mag lalabas pa naman sana ako ng sama ng loob. For sure kasama nanaman nya si girlie.
Teka lang, pansin ko talaga pinag-iinitan ko si Gwen kahit 'di ako inaano. Selos na selos ako.
Pag pasok na pag pasok ko sa entertainment room, si Dustin agad ang nakita ko. Nilibot ko yung tingin ko and there’s something in me na parang nag bunyi nung di ko nakita si Gwen. Gusto kong ngumiti pero baka mahalata ako kaya pigil na pigil ako.
“Buti naman at nandito ka na, kanina ka pa namin inaantay eh. Asa kitchen si Tammy at Cassy, kakatapos lang mag bake ng cupcakes.” sabi sa akin ni Miki nung nakita nya ako.
“May dala akong cake.” itinaas ko ito at ngumiti. Para kay Tammy talaga sana ‘to pero okay na din, 'di nya din naman ‘to mauubos ng mag-isa.
Kinuha mula sa akin ni Miki yung cake at nag punta sa kitchen so ngayon, kami lang ni Dustin ang andito ngayon sa entertainment room.
Naka-aircon naman sana, pero pinagpapawisan ako. Baka mag waterfalls na ‘tong kilikili ko. Nag halong kilig, kaba at saya pa naman yung nararamdaman ko ngayon. Kaso nung napatingin ako kay Dustin, inirapan nya lang ako.
Hala sya! Inaano ka ba? Sarap lunurin nito ah! Lunurin sa pagmamahal. Hehe joke lang. At bilang dakilang mapagpanggap, nag smirk ako sa ginawa nya.
“Bitter.”
Kung nakakamatay lang ang tingin, malamang patay na ako ngayon. Ang sharp ng tingin sa akin ng mokong eh, akala mo naman kung anong sinabi ko. Sabi ko lang naman na bitter sya. Galit agad? Affected much?
“Shut up. Di ako bitter sayo.” sagot nya sa akin tapos bumalik na sya sa paglalaro ng Tekken 5.
Ang tagal naman nila. Mamaya nito mag-away nanaman kami ng unggoy na ‘to. Kakasimula pa lang ng taon puro bad vibes na ang sunod-sunod na nakukuha ko. Baka naman pag sinumbatan ko ‘to, isumbat nya din sa akin na 'di naging maganda ang pagtatapos ng taon nya ng dahil sa akin. Baka maging sumbatan session pa namin ‘to.
Habang pinapanuod ko syang nag lalaro, 'di ko maiwasang isipin kung bakit 'di nya kasama si Gwen eh halos di na nga sila mapaghiwalay nitong mga nakaraang araw at linggo eh. Hindi naman sa stalker, pero ang sabi, simula nung Christmas, lagi na silang magkasama tapos hanggang ngayon pa din? Hay. Halos isang linggo na din matapos ang New Year no, so halos dalawang lingo na silang magkadikit na parang tuko?
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.