This Moment is Infinite
CHAPTER 18Siguro she’s the 3rd most beautiful person I’ve ever met. Syempre, ako yung first tapos si Mommy at Tita Margaux yung second saka sya yung third. Hihi.
“May I?”
Hindi pa nga ako nakakasagot, naupo na sya dun sa tabi ko at nag simula ng tumugtog. Sige lang miss, nakakahiya naman sayo, ikaw kasi talaga ang nagpa-practice eh. Okay lang kahit ‘di na ako sumagot, keri lang.
Sa totoo lang, magaling sya. Akala ko nagyayabang lang sya, pero may ibubuga naman pala talaga. Pero bakit parang ang lungkot nya nung tinugtugtog nya yun? Pinakinggan ko lang sya hanggang sa matapos nya ito, as if naman may magagawa pa ako. So ayun nga, natapos nya then she looked at me saka nag smile.
“I’m sorry, napadaan kasi ako dito kanina habang tumutugtog ka. Anyway, I’m really sorry kung na-interrupt kita.”
“Nah, it’s okay.” tugon ko sabay ngiti sa kanya.
Para namang hindi nauubusan ng ngiti ang babaeng to. Parang si Miki lang din.
“By the way, I’m Cassidy. And you’re Claudelle right? Nakalagay kasi sa necklace mo.”
Tinuro nya pa yung necklace ko. Suot-suot ko kasi lagi yung necklace na bigay ni Kuya sa akin dati. Ayaw nyang tinatawag akong Gia, marami na daw kasing tumatawag sa akin nun kaya Claudelle yung tawag nya sa akin.
“Yes?” nasabi nalang nya sa akin.
Ewan ko ba pero medyo na-bothered kasi ako the way she played the piano, parang ang lungkot lang kasi talaga kaya napatitig ako sa kanya.
“I don’t know if I’m allowed to ask this, pero bakit parang ang lungkot ng pagkakatugtog mo ng Canon kani kanina lang?”
Biglang naging matamlay yung ngiti nya sa akin. Oh, I see… painful memories?
“Sa tuwing naririnig ko kasi ang kantang ‘to, old memories—..” tumingala naman sya nun saglit para siguro mapigilan yung mga luha nya. Ay, bet ko talaga yung mga ganyan. Yung mga pandrama na pagpipigil ng luha, ma-practice nga yan minsan. Sabi kasi nila ang panget ko daw umiyak.
“May naaalala lang akong tao sa tuwing naririnig ko ‘to. Alam mo yung feeling na masaya pero malungkot at the same time? Ganon yung nararamdaman ko.”
Meron ba nun? Ang gulo naman! Masaya na malungkot. Nag-aadik lang? Hahaha. Joke.
“Ang gulo no?” truelaley! Magulo talaga teh.
Patuloy pa rin sya sa pag kukwento sa akin nun kaya nakinig nalang din ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, di ko alam kung dapat ko ba syang icomfort. Pero kasi parang ‘di naman nya kelangan ng comfort, parang ayun nga, nalulungkot sya na parang wala lang. Ah ewan!
“Paborito kasi namin ‘to ng ex ko. Sya yung nagturo sa akin ng kantang to, paborito nya to kaya naging paborito ko na rin. I loved him.” Huminga syang malalim at marahang umiling, “No. I still love him. I will always love him.”
Nag punas na sya ng luha nun. Kaya ako naman, bilang isang concerned citizen, nagmagandang loob na ipahiram muna yung hanky ko. Taray! Take note of that! Nag-magandang loob ako. First time in history.
“Pasensya ka na ha. Sayo pa tuloy ako nakapagdrama.”
Okay lang, sanay na ako kasi isang malaking drama din yung buhay ko eh. Nginitian ko lang sya. Bigla naman nag vibrate yung phone ko, pag tingin ko... si Dustin, tumatawag na.
“Sorry ha, but I really need to go. Bye, nice meeting you by the way.” tumayo na ako nun at kinuha yung bag ko at dali-daling umalis. Pag dating ko sa may labas ng gym, nakita ko si Dustin na nakasandal sa may railings.
BINABASA MO ANG
This Moment is Infinite
Teen FictionCOMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.