Louise's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nang biglang kumatok si Dad sa pinto ko. Agad ko naman itong binuksan.
"You have a visitor." nakangiti niyang sabi.
"Who?" kunot noo kong tanong. Hindi siya sumagot. Inaya niya lang akong bumaba kaya sumama ako para malaman kung sino ang tinutukoy ni Dad na visitor. Nang matanaw ko siya ay napangiti din ako. Excited akong bumaba ng hagdan at sinalubong siya. Napatayo naman siya nang makita ako. Napangiti din siya.
"What are you doing here?" nakangiti kong tanong.
"Well, I came here para bisitahin ang nililigawan ko." sabi niya binigyan ako ng bouquet of sunflowers. Napangiti naman akong tinanggap ito.
"Thank you. Paano mo nalamang ito ang favorite ko?" tanong ko. Nakangiti naman siyang napatingin kay Dad kaya napalingon din ako. Nginitian lang ako ni Dad tapos umalis na siya. Mukhang close na sila agad ni Dad ah? Well sabagay kaibigan ba naman ni Dad ang tatay ni Ethan.
"Are you free today? Can I take you out? I bought an entrance ticket." sabi niya at pinakita ang dalawang ticket ng amusement park. Automatiko naman akong napatango. Siguro sinabi din sa kaniya ni Dad how I love amusement parks.
"Sure! Wait me here. Magpapalit lang ako ng damit." sabi ko. Natawa na lang siya sa sobrang excitement ko kaya agad na akong gumayak.
_
Nang makarating na kaming amusement park ay sumakay kami sa mga rides. Natatawa na lang ako dahil mas malakas pa ang sigaw ni Ethan sa akin. Ako sumisigaw na lang ako dahil sa saya eh. Kasi gustong-gusto ko talaga ang sumasakay sa mga challenging rides. Mwahaha! Si Ethan mukhang hindi.
After naming sumakay sa may anchor's away ay nagpahinga muna kami at namili ng pagkain. Nilibre lang ako ni Ethan kaya tuwang-tuwa ako. Syempre kahit may pera naman ako pambayad iba pa din talaga ang libre no? Hahaha! Totoo nga sabi nila na mas sumasarap ang pagkain kapag libre. Makapagpalibre nga lagi. Joke.
"Alam mo? Hindi pa din ako makapaniwala ngayon." sabi niya habang kinakain ang ice-cream crepes na inorder niya.
"Saan?" tanong ko habang kumakain naman ng cotton candy.
"Dito. Sa kung anong meron tayo ngayon. Wala talaga kasi sa plano ko na magiging ganito tayo kalapit sa isa't-isa. Kasi nga di ba ang tingin ko sa iyo noon ay maarte. Hahaha!" sabi niya. Napairap naman ako nang maalala ang una naming encounter. Yung sinabi niyang di bagay sa akin ang lipstick ko.
"Yah. I hate you. Sinabihan mo ko na hindi bagay sa akin ang lipstick ko that day! Mahal pa naman ng bili ko doon." sabi ko. Natawa naman siya.
"Hindi ba talaga bagay sa akin iyon huh?" tanong ko.
"Well, wala namang hindi babagay sa iyo. Naartehan lang ako sa iyo non kaya nasabi ko sa iyo ang bagay na iyon. Ganda mo kaya." sabi niya. Napapout naman ako. Sinasabi niya lang yata iyan eh dahil sa nililigawan niya na ako. Hahaha! Pero, oh well. Compliment is compliment. I'll accept it na lang. Maganda naman talaga ako.
"Pero you know what? Thankful ako kay Eirol. Kasi kung hindi dahil sa kagaguhan niya eh hindi kita makikilala. All thanks to him kasama ko ngayon ang babaing soon to be girlfriend ko." sabi niya.
"Ows? Talaga lang ha? Lakas ng self-confidence." sabi ko at natawa. Natawa na lang din siya.
"By the way, I have another gift to you. From now on I want you to use it." sabi niya
"Hala? Gift ulit? Baka maispoiled ako niyan." biro ko.
"Okay lang. Kaya ko naman ibigay sa iyo lahat." sabi niya at tumawa. Tapos dinukot niya na sa bulsa niya ang bagay na nakakahon at nakabalot sa gift wrapper. Inabot niya ito sa akin. Nakangiti ko naman itong tinanggap.
"What is this?" tanong ko.
"See it for yourself." sabi niya kaya agad ko ng sinira ang gift wrapper at binuksan ang box. Bumungad sa akin ang isang lipstick. Napanganga naman ako ng makita ang lipstick. Like sis! The limited edition lipstick! Omg. La Bouche Rouge! The price is not a joke. 160 dollars isa. Equivalent to 8 thousand pesos. Nakita ko ito sa net. I tried to find it in all online shops. Pati sa mga malls. Pero ubos na. Gosh. Paano siya nakabili nito?
"H-How--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang magsalita agad siya.
"Well, my Dad helped me. Kakilala niya ang may-ari ng cosmetic line na iyan. Kinulit ko kasi siya about diyan na baka kilala niya ang may-ari. Luckily, kilala niya." sabi niya.
"Omg! Thank you so much. Kung saan-saan ako naghanap nito." sabi ko at niyakap siya dahil sa tuwa.
"You're welcome. I'm glad I made you happy." nakangiti niyang sabi.
"I'm more than happy!" sabi ko with full of energy. Natawa naman siya. Excited kong kinuha ang salamin sa bag ko at agad ginamit ang lipstick.
"What do you think? Bagay ba?" tanong ko kay Ethan nang matapos ako maglagay sa lips.
"Bagay. Bagay tayo." nakangiti niyang sabi. Napairap na lang ako saka natawa. Tapos inaya ko na ulit siya mag-ikot ikot at sumakay sa iba pang rides.
_
Nandito kami ngayon sa ferris wheel. Parehas kaming nakatanaw ngayon sa tanawin. Palubog na din ang araw kaya nag-aagaw ang liwanag at dilim sa kalangitan.
Tahimik lang kami parehas na pinagmamasdan ang tanawin. Di ko maiwasang mapatingin dahil sa papalubog na araw. I love sunsets kasi.
"Louise?" tawag ni Ethan. Napatingin naman ako sa kanya.
"Yeah?"
"Look there." sabi niya at tumuro sa kalangitan na nagdilim na ngayon. Napatingin naman ako doon. At halos magning-ning ang mga mata ko nang makita ang fireworks display. Naramdaman ko ding huminto ang ferris wheel nang makarating kami sa tuktok.
Napangiti ako sa ganda ng mga fireworks. I'm sure sinabi din sa kaniya ni Dad ito. Hahaha! Mukhang maraming binigay na tips sa kaniya ah? Ano ba yan. Lalo akong mahuhulog nito eh.
"You like it?" tanong niya. Hindi ko pa din inaalis ang tingin ko sa foreworks.
"I love it. Ang ganda." sabi ko.
"Pretty indeed." bigkas niya kaya napalingon ako sa kaniya. Nakatitig siya sa akin ngayon. Teka? Ako ba ang sinasabihan niya na maganda?
Well, lagi ko naman sinasabihan sarili ko na maganda ako. At totoo naman talagang maganda ako. Pero kapag siya na ang nagsabi ay iba ang dating sa akin. Parang kinikilig ako?
He smiled at me kaya nakita ko ang pagsingkit ng mata niya at ang paglabas ng dimples niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko.
This guy is a perfect 10. Nasa kaniya na ang lahat ng katangiang matitipuhan ninuman sa isang lalaki. And I'm lucky that I caught his attention. Natutuwa akong ako ang pinili niyang ligawan sa dami ng mga babae diyan sa tabi-tabi.
Pero syempre, ang swerte niya din. Dahil bukod sa sexy ako ay saksakan ang kagandahan ko. No joke. Hahaha!
***
(Ethan's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)