23: Paranoid

32.6K 1K 42
                                    

Andy's POV

Nandito kami ngayon sa kwarto ni Maddie. Nagkkwentuhan. Bigla na lang nag-aya si Louise tumambay eh. Gora naman ako.

Naikwento ko sa kanila yung naging ganap sa amin ni Drex nung isang araw. Alam din nila kasi yung about sa trauma ko dahil naikwento ko na sa kanila dati.

"Tatahi-tahimik lang si Drex no pero hindi tayo aware na may iniisip na pala siyang ganon." sabi ni Leen.

"Buti na lang kamo at itong si Andy eh niligtas si Drex. Kung hindi baka wala ng Drex ngayon." sabi ni Maddie.

"Taray mo friend mala light and shining armor peg mo doon ah?" sabi sa akin ni Louise.

"Tanga. Knight iyon hindi light." pagcorrect ni Maddie sa kaniya. Napairap si Louise.

"Ganon na din yon. Magkatunog sila." sagot ni Louise.

"Ang nakakapagtaka lang Ands, ikaw lang nakapansinin kay Drex na ganon. Eh kami or maski sila Eirol na mga kaibigan niya hindi napansin." sabi ni Maddie. Umagree naman sila Leen at Louise.

"Baka naman kasi pinapansin niya gurl. Yiee. Crush mo yata si Drex eh." sabi ni Louise at tinukso ako.

"Hoy! Hindi ah. Concern lang ako sa tao. Kasi nga same sila ng situation ni Tita Mela." sabi ko.

"Iyon lang nga ba talaga? Ahem." sabi ni Leen.

"Oo nga! Kulit niyo. Wala akong crush kay Drex kaya shut up na lang kayo." sabi ko at nilantakan ang pancakes na gawa ni Maddie.

"Kayo nga diyan eh. Lagi niyo kasama mga jowa niyo. Out of place ako. Kaya masisisi niyo ba ako kung si Drex lagi kasama ko." sabi ko.

"Hoy, di ko pa jowa si Ethan." pagtatanggol ni Louise sa sarili niya.

"Doon din naman punta niyo." sabi ko

"Well, sabagay." kibit balikat niya sabay inom ng juice.

"Malay mo kayo din ni Drex." sabi naman ni Maddie. Hindi talaga papaawat mga ito ano?

"Hindi no. Friends lang kami. Hindi pumasok sa isip ko ang ganiyan." sagot ko.

"Sa ngayon hindi pa yan. Pero pustahan pag lipas ng panahon eh kayo din sa isa't-isa. Hahaha!" sabi ni Leen.

"Bahala kayo diyan. Napaka issue niyo." sabi ko at kinuha yung isang plato ng pancakes at kinain. Bahala sila di ko sila bibigyan nito. Inaaway nila ako. Pinagtutulungan ako kay Drex. Wala naman talaga akong gusto doon sa tao.

_

Kinabukasan ay sinadya kong magpahuli. Dahil ngayon lang nagprocess sa akin ang ginawa ko kay Drex nung nasa rooftop. Haler, niyakap ko siya. Omg. Nakakahiya iyon. Bwisit ano pang mukha maihaharap ko sa kaniya. Nagpahuli ako para di kami magkasabay sa pagpasok. Hmph.

Panigurado nagsisimula na ang first sub. Pero okay lang yan. Atleast makaiwas kay Drex pagsamantala hanggang sa makalimutan niya ang nangyari non. Wahaha!

Napatigil ako sa paglalakad ng makita si Drex na lumabas ng room. Kaya bigla na naman akong kinabahan. Feeling ko may gagawin na naman siya. Kaya nga sinundan ko siya. Dinahan-dahan ko ang lakad ko para hindi niya marinig ang yabag ng mga paa ko.

Bigla siyang huminto kaya nga agad akong tumakbo sa likod ng locker at nagtago. Tapos nagpatuloy na siya sa paglalakad kaya sumunod ulit ako sa kaniya. Pumasok siya sa isang kwarto kaya agad din akong pumasok doon.

"Drex! Wag!" sigaw ko. Pero nanlaki ang mata ko at tila naestatwa ako nang makita siyang nakatalikod sa dingding. Nanlaki din ang mata niya.

"A-Andy?" gulat niyang sabi. Napatakip naman ako ng mata at nagmadaling lumabas doon. Potek! Pumasok lang naman ako sa boy's restroom. Iihi lang pala siya takte! Masyado akong praning. Nakakahiya! Waah! Lupa kainin mo na ako. Huhu. Buti na lang nakatalikod siya at hindi ko nakita yung ano niya.

"Following me huh?" inalis ko ang kamay kong nakatakip sa mukha at nag-angat ng tingin sa kaniya. Nakangisi siya ngayon. Kaya lalo akong nahiya.

"Sorry! Sorry! A-Akala ko kasi uulitin mo na naman. Kinabahan ako." sabi ko.

"So pinapakaba pala kita?" sabi niya. At nung may chansa na ako tumakas ay agad na akong tumakbo at kumaway na lang sa kaniya.

Ano ba yan Andy. Nagrerecover ka pa nga lang sa ginawa mong kahihiyan sa rooftop, dinagdagan mo na naman. Grr. Wala na talaga ako mukhang maihaharap sa kaniya. Huhu.

Lumipas pa ang ilang araw. Ilang araw ko na ding iniiwasan na magtagpo kami ni Drex. Iwas na iwas ako ngayon as in. Syempre dalawang kahihiyan na nagawa ko. Sa susunod talaga mag-iingat na ako. Huhu.

Papasok na ako ngayon. Nagpahuli ulit ako gaya ng dati kong ginagawa. Pinapagalitan nga ako lagi ng adviser namin eh. Pero binabalewala ko na lang. Mas ayos na ito kaysa magkaharap kami ni Drex.

Nang makapasok ako wala si Drex sa upuan niya. As in wala. Bigla na namang kumabog dibdib ko. Pero pinigilan kong mag-isip ng kung ano dahil baka mamaya absent pala talaga siya. Pinakalma ko ang isip ko.

Nang magrecess ay wala pa din si Drex kaya nagtanong na ako kila Louise.

"Nasaan si Drex? Absent?" tanong ko.

"Hindi. Pumasok iyon. Lumabas kanina nung wala pa adviser natin. Hanggang ngayon hindi pa bumabalik nga eh." sabi ni Louise. Kumabog ulit dibdib ko. Shet. Paanong hindi ako mag-aalala ngayon huh? Dahil sa sinabi ni Louise kinabahan na talaga ako. Kaso baka mamaya tamang hinala na naman ako tapos mapahiya na naman ako. Kaya pinilit ko ulit pakalmahin sarili ko at sumama sa kanila sa cafeteria. Ngunit natapos na ang recess eh wala pa talaga siya.

Pagbalik ng room wala pa din siya. Kaya nga nagpaalam muna ako kila Louise na mag-ccr kunwari. Tapos hinanap ko na siya sa buong school. Wala siya.

Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang rooftop. Dali-dali akong umakyat doon. At nang makarating ako ay naghabol pa ako ng hininga ko dahil sa pagod.

Tumingin ako sa paligid. At doon nakita ko siyang nakatayo habang nakamasid sa tanawin. Nakapamulsa siya.

Nang dahan-dahan akong lumapit ay humarap siya sa akin with a grin on his face. Biglang kumunot ang noo ko.

"Finally you're here." sabi niya at saka humakbang na din papalapit sa akin. Parehas hinahangin ang buhok namin ngayon.

"A-Ano ibig sabihin nito? Hinihintay mo ako?" tanong ko. Tumango siya.

"Well, kanina pa actually. Tagal mo nga eh." sabi niya at tumawa pa. Hinampas ko nga siya sa braso niya. Kainis eh. Pinakaba na naman ako.

"Are you avoiding me?" tanong niya.

"H-Huh? Di ah." sagot ko. Nakita ko naman sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa sagot ko.

"Really? Eh bakit lagi kang late. Tapos kapag lalapitan kita tatakbo ka agad kila Louise?" tanong niya.

"Eh sa trip ko." sagot ko. Natawa siya.

"Lakas pala ng trip mo kung ganon." sabi niya. Natahimik siya saglit tapos nagsalita ulit.

"Ayos na kami ni Mama. Thanks to you." nakangiti niyang sabi.

"Bakit ka nagpapasalamat?"

"Kasi kung hindi dahil sa iyo baka wala na ako ngayon. Saka you made me realize things. Napag-isip isip kong ako ang may mali. Kaya nagsorry ako kay Mama. Hindi ko magagawa ito kung hindi dahil sa iyo kaya gusto kitang pasalamatan." nakangiti niyang sabi.

"And don't worry. I won't do that again. Kaya hindi mo na kailangang mag-alala sa akin. I promise." sabi niya na tinutukoy yung balak niyang pagpapakamatay noon.

"Promise?" tanong ko para i-assure sa kaniya at mapanatag na ako.

"Yes, I promise. I won't do that again." sagot niya. Naniwala ako sa kaniya. Kasi nakikita ko sa mga mata niya ngayon na totoong hindi niya na balak ulitin iyon. Na masaya na siya. Napangiti na lang din ako.

"So, here's my thank you gift." sabi niya at inabot sa akin ang chichiryang tempura. Natawa naman ako saka tinaggap iyon.

"Thanks." sabi ko at binuksan iyon tapos sinimulan lantakan. Ginutom ako sa pag-akyat dito eh. Hmph. Kaya dapat lang talaga na bigyan niya akong pagkain. Hahaha!

***
(Andy's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon