Andy's POV
Nandito ngayon si Drex sa bahay. Nagpakilala na siya kila Mama bilang manliligaw ko. Tuwang-tuwa sila Mama at Papa sa kaniya. Winelcome siya sa bahay na akala mo anak nila kaya hindi maiwasan ni Drex ang mapangiti.
At kasalukuyan kaming nandito ngayon sa may garden namin. Naglalaro kami ng snake and ladders. Nang matapat ang pato niya sa may ahas ay natawa ako. Kasi bumaba ulit siya ng numero. Kaya nga ako naman ang kumuha ng dice at niroll ito. Lumabas ang 4 kaya nagbilang akong apat. Saktong lumanding ito sa finish line.
"Yeyy! I'm so lucky to this." sabi ko sabay napapalakpak. Natawa naman siya sabay napailing-iling.
"Your parents are nice." bigla niyang sabi.
"Yep. And they like you." sabi ko kaya napangiti siya.
"Nagkakausap pa kayo nung lalaking kasama mo nung prom?" bigla niyang tanong.
"Si David?" tanong ko. Tumango naman siya.
"Hmm. Hindi na eh." sabi ko.
"Good. Mukhang seryoso nga talaga siya sa pinsan ko." sabi niya.
"Why? Sila na ba?" tanong ko.
"Hindi pa siguro. Pero mukhang nagkakamabutihan na sila ni Kelly." sagot niya. Lumipat kasi sa kabilang school si Kelly after ng prom. Siguro dahil doon kay David? Hahaha! Di ko inaasahan iyon ah?
"Mabait naman si David. Safe si Kelly doon." nakangiti kong sabi. Napatingin naman siya sa akin.
"So, hindi ako mabait?" tanong niya. Natawa naman ako nang makitang parang nagtatampo siya.
"Mas mabait ka syempre." sabi ko. Napangiti naman siya.
"At mas gwapo." sabi ko kaya napangiti siya lalo. Hindi na nagsusuot ng salamin si Drex ngayon. Laging contact lense na ang suot niya. Which is mas bagay naman sa kaniya.
"I want to give something nga pala." sabi niya sabay may dinukot sa bulsa niya. Inabot niya sa akin ang isang heart-shaped paper kagaya nung binibigay sa akin ng--Teka? Ibig sabihin ba nito?
"Ikaw yung nagbibigay sa akin nito?" tanong ko. Nakangiti naman siyang tumango. Napanganga naman ako. So, since then pala may gusto na din siya sa akin?
"Bakit heart-shaped origamis?" tanong ko.
"Well, sinuggest kasi ni Kelly na padalhan din daw kitang letter gaya ng ginawa mo. Pero I'm not good at writing letters so naisipan ko na lang gumawa ng ganiyan for you." sabi niya. So, si Drex pala talaga ang nagbigay ng mga iyon? Dati hinihiling ko lang na sana siya nga nagbibigay ng mga iyon. Tapos iyon pala, siya talaga. Like omg. Haba ng hair mo Andy. Hahaha! Buti na lang pala tinago ko ang mga iyon. Memories din iyon. Someday baka mapakita ko pa sa mga magiging anak namin. Hihi.
"You know what? Parang panaginip ito lahat." sabi niya at napatingin sa kalangitan.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Kasi parang dati lang. Ang lungkot ng buhay ko. Puro school at bahay lang ako. Kahit na ayain ako nila Ethan eh hindi ako makasama dahil natatakot akong magalit si Mama. Pero magmula ng dumating ka. Natutunan kong palayain ang sarili ko. Natutuhan kong lumabas sa sarili kong shell. You showed me how beautiful the life is." sabi niya.
"May lahing pagong ba kayo, Drex?" tanong ko. Kasi sabi niya sa shell niya daw eh. Natawa naman siya sa tanong ko.
"No, I mean. You taught me how to go out of my comfort place. You taught me to explore life." paliwanag niya. Napatango naman ako.
"Ahh. Iyon pala." sabi ko. Ginulo-gulo niya naman ang buhok ko.
"Bakit ba ang cute mo? Hahaha! Kaya lalo akong nahuhulog sa iyo eh." sabi niya. Hindi naman ako nakasagot dahil sa kilig.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)