Truth or Dare is more than just a game.
A game with two simple rules.
Don't Lie. Do the challenge.
***
[INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A]
(SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)
Magkasama kami ni Eirol ngayon. Sinusulit na kasi namin dahil babalik na ulit siya bukas sa states. Hindi na siya pwede magstay ng matagal dahil kinulit niya lang daw talaga ng matindi ang Papa niya.
Nandito kami ngayon sa bahay at napagpasiyahang magbaking session dito sa kusina. Cake ang parehas na binebake namin. Natatawa na lang ako kasi nag-eeffort talaga siya kahit na pangit kinalabasan ng cake niya. Nag-ffrosting na kasi kami ngayon.
Habang naglalagay ako ng strawberries sa ibabaw ng cake ko ay pinagmasdan ko siya habang busy siya sa paglalagay ng message sa ibabaw ng cake gamit ang icing. Parehas kaming naka-apron. At dahil parehas kaming dalawang babae dito sa bahay ng Tita ko ay kulay purple na apron ang suot niya na may design na bear. Tapos meron pa siyang icing sa pisngi na mukhang hindi niya alam.
"Yes! Tapos. Look Maddie!" tawag niya sa akin nang matapos niya ang cake. Agad ko naman itong tinignan. 'I love you Maddie' ang nilagay niya sa cake tapos may pa-heart pa. Hahaha! Kahit na paling-paling ang sulat niya doon ay natuwa ako at kinilig at the same time. Pero syempre hindi buo araw ko kapag hindi ko ito inasar.
"Hala? Ano yan? Sulat kinder?" biro ko sa kaniya. Napapout naman siya.
"Not bad for beginner naman ah? Hirap kaya magsulat gamit icing." sabi niya sabay tumingin sa cake na kayayari ko lang. Strawberry shortcake kasi ginawa ko. Tapos kay Eirol naman, chocolate cake.
"Sana all marunong mag-bake." sabi niya nang makita gawa ko. Natawa na lang ako.
"Saan ka nga pala natuto mag-bake?" tanong niya. Bigla namang nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya.
"Sa Papa ko." simple kong sagot. Natahimik naman saglit si Eirol.
"I'm sorry." malungkot niyang sabi. Alam niya kasi kung gaano ako ka-fragile pag usapan na tungkol sa Papa ko. Pinilit ko namang ngumiti para sa kaniya.
"No, It's okay. You don't have to say sorry." sabi ko.
Bata pa lang kasi ako ay tinuturuan na ako ni Papa na magbake. Iyon ang bonding naming dalawa. Hanggang sa magustuhan ko na din siya at madala ang pagkahilig dito hanggang ngayon.
"Come on, let's slice these cakes and taste it." nakangiting sabi ni Eirol. Tumango na lang ako at saka pinrepare na ang mesa. Naglagay lang akong dalawang platito saka fork. Tapos gumawa na din akong milkshake para sa aming dalawa.
"Mmm. The best pa din talaga ang cake mo. Although madami na akong natikman doon sa states." nakangiting sabi ni Eirol nang tikman ang gawa kong cake.
"Nangbobola ka na naman." sabi ko.
"Hindi ah. Promise. Cake mo talaga favorite ko. Hays, mamimiss ko na naman ito." sabi niya at napabuntong hininga. Nalungkot din ako nang maisip na aalis na ulit siya bukas. Ayaw niyang ihatid ko pa siya sa airport kasi alam niyang iiyak ulit ako.
"You know what? Gusto kang makilala ni Papa. Na-curious siya sa iyo kasi panay kita bukambibig." he chuckled.
"Really? Hindi ko pa namemeet ang Papa mo." sabi ko.
"He's always busy kaya sa tuwing magka-videocall tayo eh lagi siyang nasa office niya. But he told me that, he's looking forward on meeting you soon." nakangiti'ng sabi ni Eirol. Tumango na lang ako at ngumiti.
"Don't worry. He's a bit strict lalo na kapag tungkol sa akin. Pero he's nice when you get to know him."
Kaisa-isa kasing anak si Eirol kaya hindi na ako magtataka kung strict nga talaga ang Papa niya sa kaniya.
"By the way, may pupuntahan tayo." sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
"Where?"
"Basta. Kaya magbihis ka na at aalis tayo." sabi niya. Sumunod na lang ako agad at saka nagtungo sa kwarto ko upang magpalit ng damit.
Habang nagbibihis ako ay nakita ko ang jersey ko nung intrams. Nakangiti ko itong kinuha at nilagay sa paperbag. Mas maganda siguro kung ibibigay ko ito kay Eirol. Tiyak na matutuwa iyon.
Nang mayari ako magbihis aya agad na akong bumaba at sinalubong si Eirol.
"Let's go?" tanong niya. Tumango ako tapos sabay na kaming lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan niya patungo sa kung saan.
Napansin kong ihininto niya ang sasakyan sa tapat ng isang pet shop kaya nagtaka ako. Nang pagbuksan niya ako ng pinto ay agad naman akong bumaba.
"What are we doing here?" tanong ko.
"Basta." sabi niya lang sabay hinila ako papasok ng pet shop. Napairap na lang ako. Puro si basta kasi. Maanong sabihin na. Hahaha!
Nang makapasok kami sa shop ay hindi ko maiwasang mapangiti nang makita ang mga aso at pusa na sobrang cute. Pet lover kasi ako. Kaya natutuwa talaga ako kapag nakakita ng pusa or aso.
"Hello, pick up ko lang po yung binili kong cat?" sabi ni Eirol doon sa staff. Nagtaka naman ako sa narinig ko. Namili siyang pusa?
"Ay sige po, Sir. Saglit." sagot ng staff sabay kinuha ang isang pusa na kulay puti sa isang kulungan at inilagay sa pet carrier.
"Ito na po siya, Sir. Thank you." sabi ng staff. Nakangiti naman itong kinuha ni Eirol saka bumaling sa akin.
"She's now yours. And you'll gonna name her Mallows." nakangiti'ng sabi sa akin ni Eirol. Napatingin naman ako sa pusa'ng fluffly. Hahaha! Ang cute. Bagay ang pangalan na binigay ni Eirol.
"Why are you giving me a cat?" tanong ko.
"Para kahit malayo ako eh maalala mo ako. Para hindi ka malungkot. Kasi sabi nila cats can help to ease your loneliness." sabi niya. Napangiti naman ako.
"Thanks. I will take good care of her." sagot ko at nakangiting napatingin sa pusa. After non ay bumalik na din kami agad sa sasakyan. Inilapag ko muna si Mallows sa may backseat tapos humarap kay Eirol.
"I also want to give you something." nakangiti kong sabi.
"What is it?" tanong niya. Kaya nga agad kong inabot ang paperbag sa kaniya. Excited niya namang binuklat iyon. At halos magningning ang mata niya nang makita ang jersey ko. Nakasulat sa likod non ang surname ko at ang numero'ng 28. Araw kung kailan naging kami.
"Talaga bang binibigay mo na sa akin ito?" nakangiti niyang tanong. Tumango ako.
"Well, yes. Gusto din kasi kitang bigyan ng bagay na makakapag-paalala sa iyo na may Maddie na laging maghihintay at magmamahal sa iyo." sagot ko. Napangiti naman siya sabay agad akong niyakap.
"Thank you. I will keep this. Like the way I keep you in my heart." sabi niya. Napangiti na lang ako sa sinabi niya at saka niyakap siya pabalik.
I will miss this, Eirol. I will miss you. Nalulungkot akong isipin na matatagalan na naman bago ulit tayo magkita. Ngayon pa lang sa tuwing iisipin kong aalis ka na ulit ay namimiss agad kita. Pero kailangan muna nating unahin ang mga bagay na alam nating mas importante. And I understand. I will always understand.
Kahit mahirap, titiisin ko para sa iyo. Para sa ating dalawa at sa relasyon natin.
*** (Maddie's photo on the gallery...)
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Maddie's cat, Mallows ⬆️
P.S. real cat po siya ni Kim So Eun (Alliyah Maddieson Dimaculangan) pero hindi Mallows ang name in real life.