Andy's POV
Hala? Wala pala akong partner sa prom. At next week na iyon. Hindi ko namalayan na ang bilis pala lumipas ng mga araw. Huhu. Si Maddie wala din naman. Pero hindi naman kasi sasayaw iyon. Si Louise partner na si Ethan. Tapos si Leen si Gian. Ako wala pa. Gusto ko may partner!
Ayoko naman biglang sumayaw doon sa hindi ko kakilala. Kahit na sabi ng adviser namin na kung sino lang daw basta maging partner doon. Well, si Drex naman papartner'an ang pinsan niyang si Kelly for sure. Saka kahit di naman niya partner si Kelly di ko siya aayain. Nahihiya pa din ako sa kaniya dahil sa nangyari. Alam kong sooner or later kailangan makausap ko na siya. Hindi pwedeng iwasan ko na lang siya forever. Pero kasi hindi pa talaga ako ready sa ngayon. Wala pa akong courage.
Napatingin ako sa mga heart-shaped papers na nakalagay sa isang kahon ko. Kinuha ko ito at pinagmasdan. Bakit ganon? Parang hindi ako masaya na may secret admirer ako. Bakit gusto kong umasa na kay Drex galing ito? Pero imposibleng sa kaniya ito di ba? Hindi niya na nga ako pinapansin eh. Hays.
Kakakuha ko lang kila Louise ngayon ng gown ko. Nakabox ito na malaki pati yung maskara nakabox pa. Halatang sosyal. Hahaha!
Nang buksan ko ang box ay napangiti ako nang makita ang gown ko. Hindi siya ganon kagarbo pero maganda. Itinapat ko ito sa sarili ko at humarap sa salamin at saka nagsayaw ng parang tanga. Hehe. Excited na ako sa prom kahit wala akong partner.
Napatigil ako nang tumunog ang phone ko. Kaya nga agad ko itong kinuha. Nakita kong nagchat si David. Inadd niya kasi ako last week lang. Tapos ito madalas siyang magchat sa akin. Nirereplyan ko na lang kasi mabait naman siya.
David: I heard prom ng Eastwell next week? 😊
Me: Oo nga eh. Wala pa akong kapartner. 😭
David: Can I come? I can accompany you. 😅
Napangiti naman ako nang mag-alok siya. Waaah! Buti naman. Answered prayer. Kahit na medyo straight to the point siya.
Me: Really? Pwede ka? 😳
David: Of course. 😂 What's your theme?
Me: Parang masquerade ball. So, need ng mask.
David: Okay then. Noted. Kailan ba ang exact day? ☺️
Me: Saturday night.
David: Okay. See you on Saturday. 😊
Buti na lang pala nandito si David. Kahit papaano may maaasahan ako. Wala namang malisya kung siya ang isasama ko. Friend lang ang turing ko sa kaniya at ganon din naman siya siguro sa akin. Saka isang gabi lang naman. Hahaha! Kahit nahihiya ako ipush ko na lang.
Ilang saglit pa ay tumunog ulit ang phone ko. Nakita kong nagrerequest ng video call si Louise sa groupchat naming magkakaibigan. Agad ko naman itong sinagot kaya tumambad sa akin ang mukha nung tatlo.
"So guys, I called to inform you that me, Cassandra Louise Monteclara will be the one to do your make up." nakangiting sabi ni Louise. Marunong kasi mag-make up iyang si Louise. Saka kompleto siya sa make-up. As in lahat ng maisip mong gamit sa pag-mmake up meron siya.
"Hindi ka naman excited sa lagay na iyan?" sagot ni Maddie.
"Hindi naman. Konti lang." sabi ni Louise at humagikgik. Nakita ko namang napairap si Maddie.
"I can't wait na make-upan kayo. Hihi." excited na sabi ni Louise. Hindi na lang kami umangal. Tutal may tiwala naman kami sa make-up skills niya. Saka diyan siya masaya eh. Hahaha! Kami naman kasing tatlo walang alam sa make-up, make-up na iyan. Pulbos at liptint lang kami lagi. Si Louise lang talaga ang mahilig mag-ayos sa amin.
"Nga pala guys. May partner na ako. Hehe." sabi ko. Napatigil naman sila.
"Who? Drex? Ayos na kayo?" sagot ni Louise. Umiling ako.
"No. Not Drex." sagot ko.
"Eh sino?" tanong ni Maddie.
"Si David. Yung kinukwento ko sa inyo? Remember?"
"Ahhh. Yung nakilala mo sa supermarket?" tanong ni Maddie. Tumango ako.
"Hindi ba parang nakaka-offend sa side ni Drex iyan?" tanong ni Leen kaya napakunot ang noo ko.
"Why naman?" tanong ko.
"Kasi nagpakita kang motibo sa kaniya. You wrote him love letters. Tapos iniiwasan mo siya ngayon without knowing his answer. Then may dadalhin kang bago sa prom night." sabi ni Leen.
"Oo nga gurl. Mamaya kasi gusto ka din pala ni Drex ikaw lang itong gaga na hindi man lang siya hinayaang magsalita." sagot ni Louise.
"Eh ano naman gagawin ko? For sure kapartner niya yung cousin niyang si Kelly no. Mga baliw kayo. Saka hayaan niyo na. Isang gabi lang naman. Hindi naman niya siguro ako makikilala doon dahil mga nakamask lahat." sabi ko.
"Nako, porque pinsan lang kapartner eh. Paano kaya kung ikaw nasa posisyon ni Drex ano? For sure maguguluhan ka. Kasi panigurado naguguluhan na si Drex sa iyo ngayon." sabi ni Maddie at humalakhak.
"Oo nga. You're playing with his feelings. That's bad. Tsk. Tsk." sabi ni Louise at umiling-iling pa.
"Hindi naman. Nahihiya lang talaga ako sa lahat ng kahihiyang nagawa ko sa kaniya. Like as in. Wala na akong mukhang maiharap sa kaniya." sabi ko.
"We respect your decision. Paalala lang na hindi habang buhay ay pwede mo siyang iwasan. He deserves a concrete answer." sabi ni Leen. Napatango na lang ako.
"I know. Wag lang talaga ngayon. Kasi hindi pa talaga ako ready."
"Kailan ka naman magiging ready?" tanong ni Maddie.
"Ewan. Hehe. Bahala na." sabi ko.
"Gulo mo gurl. Kakaistress ka." sabi ni Louise. Nag-peace sign na lang ako sa kanila. Triggered na naman sila sa akin eh. Hahaha!
Napaisip tuloy ako. Kailan nga ba ako magkakaroon ng lakas ng loob para kausapin si Drex? Natatakot kasi talaga ako na baka mamaya mareject niya ako.
Pero naaawa din naman ako sa tao kasi after kong aminin feelings ko para sa kaniya eh iiwasan ko siya ng walang pasabi.
Sige. Sa mismong prom. Kakausapin ko na siya. Tatanggapin ko na lang whole-heartedly ang magiging desisyon niya. Atleast ang mahalaga eh makausap ko na siya. At nang wala na din akong iniiwasan or pinagtataguan araw-araw. Ang hirap kaya mag-hide ng walang nag-sseek. Hehe.
***
(Andy's photo on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)