36: End

24.6K 841 14
                                    

Cyleen's POV

Nandito ngayon sila Maddie. Nag-aya kasi silang mag group study dahil exam na next week. Papasok na din ako dahil medyo okay naman na ako. Sabi ng doctor 4-12 weeks pa nga eh. Pero okay naman na ako.

"Guys." tawag ko sa kanila at inabot ang marker sa kanila para lagyan nila ng message ang cast ko. Tuwang-tuwa naman tumayo si Andy at kinuha ang marker. Tapos nagdrawing siya ng teddy bear na may nakalagay na get well. Sumunod naman si Louise na kinuha ang marker.

"Woah, kiss my ass huh?" sabi ni Louise nang binasa ang sinulat ni Gian. Natawa siya.

"Yung mokong na si Gian ang nagsulat niyan." sabi ko. Tapos nagsimula na ding magsulat si Louise ng message. Hoping for your fast recovery gurl, fight! Fight! Yan sinulat niya. Sunod niyang inabot kay Maddie ang marker. Kaya nga agad itong kinuha ni Maddie at lumapit sa akin. Bigla namang kumunot ang noo niya at tumingin sa paa ko.

"Why?" tanong ko.

"May isa pang message sa may paa mo. Dito sa bandang ilalim." sabi ni Maddie.

"Anong nakalagay?" tanong ko dahil hindi ko naman iyon makikita.

"Thank you for everything. Tapos may heart na drawing." sabi ni Maddie. Napangiti naman ako. Alam kong si Gian ang may gawa non. Panigurado sinulat niya iyon nung nakatulog ako.

"Did Gian wrote that?" tanong ni Louise. Tumango na lang ako at saka ngumiti sa kanila.

"Well, much better than kiss my ass." sabi ni Louise kaya natawa na lang ako. After masulatan ni Maddie ay naupo na din siya ulit sa pwesto niya.

"Sure ka bang kaya mo na talaga next week pumasok?" tanong ni Maddie.

"Yep. Kailangan din eh. Para makapag exam ako. At dami ko na ngang namiss na activities kaya nag-aalala akong baka bumaba ako ngayon." sabi ko.

"Duh? Ikaw? Kung bababa man iyon gurl for sure naman mababawi mo agad." sabi ni Louise.

"Sana nga." sagot ko. Kasi nag-aalala talaga ako ngayon. For sure magagalit si Mom kapag nalaman niyang bumaba ako. Hindi ko alam anong gagawin ko kapag nangyari iyon. Baka ilayo niya ako dito.

"Kaya yan! Nandito naman kami. Para samahan kang bumagsak. Hahaha!" sabi ni Andy.

"Ikaw na lang gurl. Nandadamay ka pa eh." sabi ni Louise at umirap. Napailing-iling na lang ako sa kanila at saka nagfocus na sa nirereview namin.

Napatigil naman ako sa pagbabasa nang magring ang phone ko. Nakita kong nakadisplay ang number ng Dad ni Gian kaya agad ko itong sinagot.

"Hello po?" bungad ko.

[Hello, Cyleen. I heard about your situation. Gian told me about it. Get well, hija.]

"T-Thank you po." sagot ko.

[Well, I want to tell you something. Goodnews.]

"Ano po iyon?"

[Your adviser called me. Sinabi niyang nag-iimprove si Gian ngayon sa klase. I was delighted when I heard that. Finally, that kid is studying hard.]

"Opo. Good for him nga po." sabi ko. Sabi ko naman eh. Magiging proud ang Dad niya kapag nakikitang nagbabago siya.

[Gian is a smart kid. I know he can study by himself. That's why I called you. Maybe hindi niya na kailangang tutoran.] sabi ng Dad niya. Napatigil naman ako. So ibig sabihin ba nito eh hindi na ako babalik sa kanila para itutor si Gian?

[Thank you for your help hija. Tatanawin ko itong utang na loob. Pero tingin ko hanggang dito na lang. You need to focus on your study too. You're a student like my son. Don't worry about your fees. I'll pay all of it as a sign of gratitude. Is that okay to you?]

Hindi ako nakasagot sa sinabi ng Dad niya. So hanggang dito na lang pala talaga? Hindi ko na itututor si Gian? Mukhang hindi naman na nga kailangan kasi binayaran na ng Dad niya lahat ng expenses ko sa school. Wala na akong pproblemahin. Pero bakit parang may part dito sa akin na parang ayoko pa?

[Hija? Are you still there?] tanong ng Dad niya kaya nabalik ako sa wisyo.

"Ahh. Opo. Sorry po. Uhm. Sige po. Maybe you're right. Gian can handle on his own." sagot ko.

[Thank you hija. Get well soon.] then he ended the call. Napatulala na lang ako. My role as Gian's tutor is done. Now makakapagfocus na ako sa sarili ko. Sa studies ko. Pero bakit parang hindi ako masaya?

"Who's that?" tanong ni Louise.

"Dad ni Gian." sagot ko.

"Anong sinabi sa iyo?" tanong ni Maddie.

"Sabi niya hindi ko na daw kailangang tutoran si Gian kasi nag-improve na si Gian sa klase. Kaya niya na ang sarili niya." sagot ko.

"Paano na mga kailangan mong bayaran sa school niyan?"

"Babayaran daw lahat ng Dad ni Gian." sagot ko.

"Iyon naman pala eh. Edi wala ka ng pproblemahin pa." sagot ni Maddie. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanila. Wala na nga ba talaga akong pproblemahin? Wala na nga. Kasi shinoulder na lahat ng Dad ni Gian ang mga gastusin ko sa school. Pero meron naman akong iisipin. Which is si Gian. Did he also agree on this? Pumayag ba siyang umalis na agad ako?

Well sabagay hindi naman habang buhay eh magiging tutor niya ako. Alam ko naman na tutoring him will come to an end. At ang katapusang iyon ay ngayon.

_

Kinabukasan pumunta ulit si Gian dito sa amin. Buti na lang at wala si Mom. Kasi baka ano na naman isipin non.

"I heard papasok ka na next week? Narinig ko kila Maddie." sabi ni Gian. Tumango ako bilang sagot. Nakita ko namang lumiwanag ang mukha niya.

"That's good. I'll pick you up gaya dati. Tapos ako na din maghahatid sa iyo sa dito pauwi after mo akong itutor." sabi niya. Natahimik ako. So hindi niya pa pala alam na tapos na ang pagiging tutor ko sa kaniya? Mukhang hindi pa nasasabi ng Dad niya sa kaniya.

Should I tell him? Kaso mukhang excited siya. Ayoko munang sirain ang araw niya. At saka ayokong pangunahan ang Dad niya. Kaya hindi ko muna sasabihin. Mas maganda siguro kung sa Dad niya na lang mismo manggaling.

"I heard also na nag-iimprove ka na." nakangiti kong sabi.

"Yes. Nag-aaral akong mabuti ngayon. Para naman makita ni Dad na may naitulong ka sa akin ng malaki." nakangiti niyang sabi. Yes, Gian. Nakita na ng Dad mo. Kaya nga sabi niya hindi na kita kailangang itutor pa dahil you can do it on your own na. Una pa lang naman alam kong kaya niya na. May tiwala ako sa kakayahan niya.

"That's good. Ipagpatuloy mo yan ha? Para masama ka sa honors list." sabi ko.

"Sure." sabi niya. Napangiti na lang ako. That's it Gian. Ipagpatuloy mo iyang ginagawa mo. Kahit na tapos na ang pagiging tutor ko sa iyo. Prove to your Dad na may ibubuga ka. Show him how intelligent you are.

***
(Gian's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon