Gian's POV
Agad akong tumakbo palabas ng bahay nila Maddie nang marinig ang sinabi ni Andy about sa pag-alis ni Leen. Nagmadali akong pumunta sa bahay nila na malapit lang dito.
Nang makarating ako sa tapat ng bahay nila ay agad kong pinindot ang doorbell ng sunod-sunod.
"Leen! Lumabas ka diyan! Leen!" sigaw ko habang pinipindot ang doorbell.
"Leen! Magpakita ka sa akin!"
Gusto ko siyang makita. Hindi totoo ang sinasabi nila Andy na umalis siya. Hindi ako naniniwala. Alam kong naguguluhan lang siya sa amin pero hindi siya aalis. Hindi.
"Leen! Lumabas ka diyan!" sigaw ko na wala pa din tigil kakapindot sa doorbell. Ilang saglit pa ay lumabas ang nanay niya. Bigla akong nakaramdam ng kung anong galak nang makita ang nanay niya. Dahil baka nagsisinungaling nga lang sila Maddie. Kasi nandito pa ang Mom ni Leen.
"What are you doing here?" bungad sa akin nito.
"Si Leen po. Gusto ko siyang makausap." sabi ko. Napangisi naman siya at saka nag-cross arms.
"Oh? So, she didn't tell you." sabi niya na nagpakaba ulit sa akin.
"Ano pong ibig niyong sabihin?" tanong ko. Kahit mukhang alam ko na ang sagot.
"Umalis na siya kasama ang Dad niya. Last week pa. At hindi na siya babalik. Kayo kung ako sa iyo, hijo kalimutan mo na siya. Kasi wala ng pakialam sa iyo ang anak ko." sabi niya at saka umalis na.
"Hindi! Hindi totoo iyan! Nagsisinungaling kayo! Leen! Lumabas ka diyan! Leen!" sigaw ko. Tumingala ako sa bintana niya na walang ilaw. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number niya para tawagan pero hindi na ito nagriring. Binato ko ang cellphone ko sa inis. At naiyak na lang ulit. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pero hindi ko ito inalintana. Wala akong pakialam kung magkasakit ako. Ang mahalaga sa akin si Leen.
Putangina! Hinayaan kitang umalis dahil akala ko gusto mo lang ng space. Akala ko babalik ka din sa akin agad gaya nung una. Pero tangina naman Leen. Bakit umalis ka? Bakit mo ako iniwan? Nangako ka sa akin na hindi mo na ako sasaktan. Pero ano ito? Putangina Leen napakasakit. Bakit lagi mo na lang akong sinasaktan.
Napaluhod ako sa daan sa harap ng bahay nila habang wala pa ring tigil ang pag-agos ng luha ko. Nagsisigaw ako para ilabas ang frustration ko. Pero ano pa nga bang magagawa ng pagwawala ko? Hindi ko na siya maibabalik. Iniwan niya na ako dito. Umalis siya ng walang pasabi sa iyo Gian. Mukhang tama nga talaga ang sinabi ng Mom niya. Na wala siyang pakialam sa iyo. Hindi ka talaga niya minahal gaya ng pagmamahal mo sa kaniya.
Napatigil naman ako nang maramdamang hindi na ako nababasa ng ulan. Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko si Maddie na pinapayungan ako. Sinundan niya ako. Wala akong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa ngayon sa harap niya.
"Umalis ka dito." sabi ko.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ka sumasama sa akin pauwi." matigas niyang sabi. Inis ko naman siyang tinignan.
"Hindi mo ba nakikita ha? Gusto ko mapag-isa!" sigaw ko.
"Tingin mo ba may magagawa pa iyang pag-iyak mo diyan? Tingin mo ba mapapabalik mo si Leen sa kakangawa mo diyan ha Gian?" sabi niya.
"Anong gusto mong palabasin? Na magpakasaya ako dahil iniwan ako ni Leen ha? Ganon ba?"
"Ang sinasabi ko sa iyo, ayusin mo iyang sarili mo. Dahil wala namang magagawa iyang pag-iyak mo dito. Magkakasakit ka lang." sabi niya.
"Ano bang pakialam mo ha?!" sigaw ko.
"Ako wala talaga akong pakialam sa iyo. Pero si Leen meron. Binilin ka niya sa akin kaya ginagawa ko lang ito para sa kaniya. Kaya umayos ka diyan kung hindi tatadyakan kita." sabi niya. Dahan-dahan naman akong tumayo.
"Sabihin mo. Bakit siya umalis. Totoo bang wala na siyang pakialam sa akin?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya umimik.
"Hindi ako ang makakasagot niyan Gian."
"At sino? Si Leen? Nasaan siya para sagutin ang mga tanong ko Maddie? Nasaan?! Wala di ba? Umalis siya. Iniwan niya ako. Tangina! Hindi mo ako naiintindihan." galit kong sigaw.
"Hindi nga kita naiintindihan Gian. Pero sana kung anuman ang rason ni Leen sana intindihin mo din siya."
"Intindihin? Tss. Bakit? Inintindi niya ba ang mararamdaman ko? Hindi di ba? Kasi wala siyang pakialam sa akin." sabi ko.
"Hindi totoo iyan." simpat niya.
"Totoo Maddie! Kasi kung hindi, hindi siya aalis. Hindi niya ako iiwan. Hindi niya ako sasaktan ng ganito!" sigaw ko.
"Balang araw maiintindihan mo din siya Gian." sabi niya.
"Bakit balang araw pa?! Gusto ko na siyang maintindihan ngayon! Kasi putangina! Gulong-gulo na ako Maddie!" sigaw ko at naglakad palayo. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Maddie pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad palayo.
Walang makakaintindi sa akin. Hinding-hindi nila maiintindihan kahit kailan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Dahil sa ikalawang pagkakataon, iniwan na naman ako ng babaeng naging mahalaga sa buhay ko. Iniwan ako ni Leen.
Hindi ko alam kung anong nagawa kong masama para ganituhin niya ako. Wala naman akong ginawa kung hindi ang mahalin siya. Gusto ko siyang intindihin. Pero kahit saang anggulo ko tignan ay hindi ko talaga siya maintindihan.
Paano ko pa ipagpapatuloy ito? Kung mismong si Leen na ang tumapos nito. Paano ako magiging ayos ulit after ng ginawa niya? Tangina. Move on? Paano ko gagawin iyon? Kung kailan mahal na mahal ko na siya. Madaling isipin. Pero ang hirap gawin. Ang sakit, sakit Leen. Pero bakit meron pa din ditong puwang sa puso ko na umaasa na babalik ka? Na umaasa'ng may pake ka pa talaga sa akin? Dapat pa nga ba akong umasa? May aasahan pa ba ako?
***
(Gian's photo and song video on the gallery...)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)