Maddie's POV
Gabi na, 11:26 pm na. Pero ito ako nakabukas pa ang ilaw ng kwarto ko at nakaharap sa laptop ko. Naka videocall kasi ako kay Mama ngayon. Ayaw pa yata ako patulugin nito. Palibhasa umaga sa kanila ngayon kaya ang taas ng energy niya dahil nakatulog na siya. Inaantok na nga ako eh.
Halos mahikab-hikab na ako sa mga kinukwento niya sa akin. Pero ang kinaiinis ko, yung lagi niyang sinasabi sa akin ay sinabi niya na naman. Nabibwisit kasi ako sa paulit-ulit na bagay.
"Anak, Iyah--" simula niya. Napabuntong hininga naman ako. Alam ko saan na papunta ito.
"Anak, Iyah sorry ah? Sorry talaga."
"Mama. Ayan na naman po kayo. Sabing ayoko po ng paulit-ulit eh. Naririndi na po ako."
"Pero anak. Sorry talaga. Kasi walang time si Mama para sa iyo. Masyado kasi akong busy dito eh. Halos sa screen lang nga kita nasusubaybayang lumaki, saka alam mo naman na para sa'yo ito di ba? Hayaan mo, pipilitin kong umuwi diyan sa birthday mo."
"Hays, Mama. Wag niyo na pong pilitin ang sarili niyo. Saka sanay naman na po ako na sa screen ko lang po kayo nakikita. Don't worry about me Ma, I'm not a kid anymore. Naiintindihan ko po kayo." sabi ko.
"Basta, itatry ko talagang umuwi diyan sa birthday mo. Wether you like it or not. Saka It's almost 12 years na rin na hindi kita nakikita in person. Bakit? Hindi mo ba ako namimiss?"
"Syempre naman Mama namimiss ko na rin po kayo! Pero--" naputol ang sasabihin ko nang maghikab ako.
"Oh. Naghihikab ka na. Inaantok ka na ba?" tanong niya. Marahan akong tumango.
"Oh, sige matulog ka na. Good night! Sweet dreams anak! I love you! Bukas na lang tayo mag-usap." sabi niya. Kumaway na ako kay Mama as a sign of goodbye at saka pinatay na ang laptop ko. And then humiga na agad ako sa kama ko at natulog.
_
Kinabukasan...
Habang bumababa ako ng hagdan naaamoy ko na agad ang mabangong breakfast. Pagkarating ko sa dining room nakahain na ang agahan ko. Si Tita Aubrey laging nasa trabaho kaya sanay na akong kumain ng agahan na mag-isa.
"Goodmorning po Mam Iyah. Nakahain na po ang breakfast niyo!" bati nung maid. Tumango lang ako at saka kinain ko na ng mabilis ang breakfast ko at umakyat ulit sa kwarto ko para maligo at magsipilyo. Then after that ginamit ko ang blower ko para matuyo agad ang buhok ko at pumunta na ako sa closet ko para kunin ang uniform ko.
Nung nakahanda na ako para pumasok, bumaba na ako sa garage para kunin na ang bike ko pero nakita kong nakakadena ito at may padlock pa. Agad ko namang tinawag ang maid.
"What the! Bakit nakakadena yung bike ko?" I asked.
"Umm. Mam Iyah sabi po ng Tita Aubrey niyo wag daw po namin muna ipapagamit yung bike niyo sa inyo." sabi nito.
"Ano?! Bakit naman daw huh? At saka anong gagamitin ko papuntang school kung kinadena niya itong bike ko."
"Hindi niyo daw po kasi ginagamit yung kotse niyo eh. Kaya po iyan pinakadena ng Tita niyo yung bike ninyo para magamit mo naman daw po yung kotse niyo." sagot ng maid. Napasinghap na lang ako.
"Okay, fine! Panalo siya. Nasaan ang susi ng sasakyan?" tanong ko. Dali-dali namang kinuha ng maid ang susi ng kotse saka inabot sa akin. Kaya nga sumakay na ako sa kotse. Hindi na ako makikipagtalo at baka mahuli pa ako sa klase.
Nang makarating akong school ay agad ko ng pinarada ang kotse ko tapos dumiretso na ako papuntang room. Pagkadating ko doon wala pa sila Andy, Louise at Leen. Kaya nga umupo na lang muna ako sa pwesto ko at nagsapak ng earphones sa tenga. Pero ilang saglit din naman ay dumating na sila. At umupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)