24: Act

33.7K 1K 50
                                    

Cyleen's POV

Papasok na ako ng school. Nagtext sa akin si Gian na susunduin niya na daw ako sa bahay. Puta talaga yung lalaking yun. Mahuhuli na kami eh. Hays nako kung di lang inutos ng Dad niya na sumabay ako sa kanya hindi talaga ako sasabay sa tukmol na yun.

Maya-maya may narinig na akong bumusinang sasakyan sa labas. I'm sure si Gian na yun kaya nga agad ko ng binitbit ang gamit ko.

"Ma nandiyan na yung service ko aalis na po ako." paalam ko.

"O, sige." sagot ni Mom.

Hay! Ang alam ni Mom service ko ang sasakyan ni Gian kasi hindi niya pa alam na kasabay ko lagi si Gian. At saka hindi niya rin alam na nagpapanggap kaming mag-syota ni Gian. Bakit niya pa kailangang malaman yun eh kasinungalingan lang naman ang mga yun. Ayoko ng idamay pa sila Mom dito sa kalokohan ng Rodriguez na ito.

"Hay nako! Hindi mo ba kayang maagang pumasok? Ang bagal-bagal mong kumilos. Tignan mo nga oh? Mahuhuli na naman tayo." singhal ko pagkapasok ng sasakyan niya.

"Alam mo? Ikaw pa ang may ganang magalit. Eh ikaw na nga lang ang nakikisabay diyan." masungit na sagot ni Gian.

"Hoy, hindi ako galit I'm just scolding you." apila ko.

"So? Galit ka nga. Ganon din iyon."

"Magkaiba ang galit sa nagbabawal." sabi ko. Napaismid na lang siya tapos ay pinaharurot niya na ang sasakyan paalis.

Nang makarating kami sa school ay agad ginarahe ni Gian ang kotse. Pero di pa rin kami bumababa kaya napatingin ako sa kaniya.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

"Okay, nandito na tayo. Magsisimula na ulit ang laro." sabi niya. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Ang ibig sabihin nun ay tuloy na ang pagpapanggap naming magsyota. I feel bad nga kasi nagsisinungaling kami sa mga kaibigan namin.

"Baba." maotoridad niyang sabi. Natauhan ako nung nakita ko si Gian na binuksan ang door ng kotse kung nasaan ako. Syempre dahil kailangan mapagkamalan kaming magsyota talaga ay nagiging gentleman siya. Pero tuwing nasa school lang kami. Pero kapag nasa bahay na nila, potek parang nirecruit akong maid hindi tutor.

Bago namin buksan ang pinto papasok sa may hallway ay inilahad sa akin ni Gian ang kamay niya.

"Anong gagawin ko diyan?" tanong ko.

"Ano ba naman yan? Honor student ka ba talaga?" sarkastiko niyang tanong.

"Ah. Okay gets ko na. Sorry naman, di ka kasi nagsasalita eh. Basta ka lahad ng kamay diyan. Di ko mahulaan ang gusto mong palabasin. Kung mamamalimos ka ba o makikipagapir." paliwanag ko.

Dahil maraming tao sa hallway. Kailangan galingan ang acting sa palabas. Parte ng isang magsyota ang pagiging PDA. Di naman lahat PDA pero kailangan talaga mapaniwala ang lahat na kami na talaga para daw di na magtaka ang ibang tao kung bakit kami laging magkasabay.

Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko at binuksan ang pinto.

Habang naglalakad kami nararamdaman ko ang mga tingin ng nga ibang estudyante sa amin.

Ano ito? Fashion show? Red carpet? What the heck. Kami ang main attraction nila doon. Napapalunok na lang ako pero naramdaman kong lalong hinigpitan ni Gian ang hawak niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya at tumingin din siya. Diretso siyang tumingin sa mata ko. Hays. Ano na naman ba ang ibig sabihin nun? Di ko mabasa ang gusto niyang ipakita.

Ahh. Siguro ang ibig sabihin nun ay, wag akong kabahan. Oo tama! Iyon nga yung gusto niyang sabihin.

Nung nasa tapat na kami ng room binitawan niya na ang kamay ko. Pumasok na siya sa room at sumunod na rin ako.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon