33: Love Letters

101 2 0
                                    

I accidentally deleted the previous version of chapter 33, kaya if mapapansin niyo the reads of this chapter is different from the other ones. Luckily, I have a back up copy kaya narepublish ko ulit. Bad news is hindi ko na mababalik yung naging reads and votes. 🥲

***
Andy's POV

Nang magrecess na ay sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria. At dahil nga kasama ni Drex si Kelly ay hindi ako sumasabay sa kaniya ngayon. Kay Maddie ako sumama. Nalungkot ako dahil hindi man lang ako pinapansin ni Drex buhat kanina. Kanina pa kay Kelly naka-focus ang atensyon niya.

Hindi ko halos nagalaw ang pagkain ko dahil nawalan akong gana. Kasi kanina pa sila nag-uusap. Hindi ba sila nauubusan ng kwento? Bakit parang ang tagal nilang hindi nagkita? Akala mo mga may sarili silang mundo ngayon.

"Psst. Hindi mo pa nagagalaw pagkain mo ah?" sabi ni Maddie.

"Wala akong gana." sabi ko.

"Himala yata? Ngayon ka lang nawalan ng gana." sabi ni Maddie. Napapout na lang ako. At saka napatingin ulit kila Kelly at Drex. Kaso saktong pagkalapat ko ng tingin sa kanila ay tumingin pala sa akin si Drex. Nginitian niya ako. Pero hindi ako ngumiti pabalik. Nakita kong tila nadisappoint siya dahil hindi ako ngumiti pabalik. Kaya nag-iwas na lang akong tingin.

Nang matapos ang recess ay bumalik na kaming lahat sa room. At sa buong klase ay hindi ako nakinig. Paano kasi hindi ko maiwasang lumingon sa pwesto nila Drex. Hindi ko alam kung bakit parang binabantayan ko siya na ewan na akala mo naman eh jowa ko siya.

Nagpaalam ako sa adviser ko na magccr muna ako kaya nga nung payagan ako ay dumiretso na ako papunta doon. Pumasok ako sa isang cubicle at umihi. Pagkatapos ko umihi ay finlush ko agad tapos lumabas na ng cubicle.

Nang paglabas ko ay saktong pumasok din ng banyo si Kelly at dumiretso din sa isa sa mga cubicles. Habang ako naman ay naghihilamos dito sa lababo.

Nang makalabas siya ay pumunta din siya sa sink at naghugas ng kamay kaya tinignan ko lang siya sa salamin habang nagpupunas ako ng tissue sa mukha. Nang makita niyang nakatingin ako ay ngumiti siya sa akin.

"You're Andy, right?" tanong niya.

"O-Oo. Ako nga. And you are Kelly right?" sabi ko. Paano niya ako nakilala?

"Yes. I'm Drex's cousin by the way. It's nice to meet you." nakangiti niya sabi. Napahinto naman ako nang marinig ang sinabi niya. Teka? Magpinsan sila? Siya ba yung sinasabi ni Drex noon na dadating niyang pinsan from states? Shet. Bakit hindi ko naisip iyon?

"Drex tells me everything about you." sabi niya at ngumiti. Hindi naman ako makapaniwalang napatingin ulit sa kaniya. Hala? Si Drex kinukwento ako sa kanya? Bakit naman?

"T-Talaga?" tanong ko. Tumango siya.

"Yes. Like all the time. He's very fond of you. And he's right. You're really pretty." sabi niya at ngumiti pa ulit sa akin bago umalis. Ako naman ay napatulala doon. Sinabi ba talaga ni Drex iyon sa kaniya? At hanudaw? Maganda daw ako? Totoo kale yon?

Nang makabalik ako sa classroom ay naupo na ako agad sa pwesto ko. Nang lumingon ako kay Drex ay nakita ko siyang nakangiti sa akin. Bigla namang nag-init ang mga pisngi ko at agad nag-iwas ng tingin sa kaniya. Lalo na nung maisip ko ulit ang mga sinabi ni Kelly sa akin kanina. Bakit naman ako kinukwento ni Drex sa kaniya?

_

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nag-iisip isip. Hindi mawala sa isip ko si Drex at ang mukha niya ay parang nakatatak na sa akin. Sa isip ko. Totoo nga kaya ang inaasar sa akin nila Maddie na may gusto ako kay Drex? Nagkakagusto na nga ba ako sa kaniya?

Napapikit ako ng mariin sa iniisip ko at nagpagulong-gulong sa kama. Hindi ko na naman mapigilang maisip siya lalo na nang malamang magpinsan lang sila ni Kelly. Parang may kung ano sa sistema ko ang natuwa.

"Waaaah! Andy! Gusto mo na nga yata siya!" sabi ko sa sarili ko at ginulo-gulo ang buhok ko. Kasi naman. Hindi naman kasi mahirap magustuhan ang katulad ni Drex. Mabait tapos gwapo. Saka yung ngiti niya. Yung ngiti niya waaah! Nakakahulog.

Napabalikwas naman ako ng bangon nang biglang may pumasok sa isip ko. Agad akong umupo sa study table ko at tinignan sa drawer ang letter set stationary ko. Bumungad sa akin ang mga piraso ng papel at sobre na may iba't-ibang disenyo. Mahilig kasi ako magcollect ng ganito. Lalo na mga stationaries.

Pinili ko yung design na may mga puso tapos kumuha ako ng ballpen. Nagsimula akong magsulat ng thoughts ko. Sa kung ano talaga ang nararamdaman ko. Kapag nagsusulat kasi ako eh gumagaan pakiramdam ko. Yung mga iniisip ko ay humuhupa.

Nang mayari akong isulat ang letter ko ay sineal ko na ito sa sobre. At inipit sa notebook ko. Hehe. Pasikreto ko itong ibibigay kay Drex.

_

Lumipas ang mga araw. Araw-araw din akong gumagawa ng sulat para kay Drex na nilalagay ko sa locker niya. Yung mga sulat kasi na iyon araw-araw ay mga thoughts ko sa kaniya. Doon ko ineexpress para kahit papaano hindi ako gambalain gabi-gabi.

Siguro sa estimate ko ngayon naka pitong sulat na ako? At ngayon natanggap niya yung ika-walo.

"Wow. Letters. How sweet." rinig kong sabi ni Louise nang makita ang hawak ni Drex.

"Ahh. Oo. Araw-araw kasing may ganito sa locker ko." sabi ni Drex.

"Nice, brad. May admirer ka. Hahaha!" kantyaw ni Ethan.

"Pero bakit ganon? Parang nakita ko na iyan somewhere? It looks familiar eh." kunot noong sabi ni Louise. Napalunok naman ako. Hundred percent sure akong ako yung tinutukoy niya. Hindi niya lang matandaan. Baka mamaya mabuking pa ako agad.

"B-Baka nakita mo sa mall." sabi ko.

"Hmm. Maybe. Baka nga." sabi niya at saka nagkibit-balikat. Nakahinga naman ako ng maluwag. Buti na lang hindi naalala ni gaga. Kundi lagot ako kung nagkataon. Buking agad ako.

"Pero ha? Naalala ko tuloy sa ganiyan si Andy nung elementary. Mahilig siya magbigay noon sa mga nagiging crush niya." sabi ni Maddie at tumawa. Bigla naman akong nanlamig. Shet. Naalala pa pala ni Maddie iyon? Nako. Mabubuking na yata ako. Huhu.

"Baka naman kay Andy yan." gatong ni Louise at humalakhak din. Takte. Feeling ko humiwalay kaluluwa ko sa katawan ko. Para akong nasa hot seat ngayon. Bwisit na dalawang ito. Hindi ako makasagot. Baka sabihin defensive ako masyado.

Nang mapatingin ako sa direksyon ni Drex ay nakatingin na siya sa akin ngayon na parang may malalim na iniisip. Agad naman akong napaiwas ng tingin. Potek. Nakakahalata na yata siya ah?

At dahil mukhang nakakahalata na si Drex ay hindi muna ako nagpadala ng tatlong araw. Pinahupa ko muna. Pero nang lumipas ang tatlong araw ay nagsimula na ulit akong maghulog doon sa locker niya.

Tumingin-tingin muna ako sa paligid upang siguraduhin na walang tao. Saka dahan-dahang hinulog ang sobre sa loob ng locker niya. Ito na ang last letter ko. Hindi na ako magpapadala pa. Nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya. At ayos na iyon.

"So, you are the mysterious admirer." bigla akong napatalon sa gulat nang marinig kung sinong nagsalita. At kahit hindi pa ako humaharap ay alam kong siya iyon. Si Drex.

Napapikit ako ng mariin at saka dahan-dahang lumingon sa kaniya. Nakangisi siya sa akin ngayon na para bang tuwang-tuwa siya na sa akin nga nanggaling ang mga sulat na natanggap niya.

"I know It's you." simple niyang sagot. Hindi pa din maialis ang titig sa akin.

"Ahh. H-Hindi ako ah! Napag-utusan lang ako." palusot ko.

"You're a bad liar, you know that?" sabi niya at tumawa. Nakapamulsa naman siyang tumingin sa akin.

"So, what will you do now that I have already caught you? Miss secret admirer." sabi niya at inemphasize pa ang word na secret admirer.

"U-Uhh. Abort?" sabi ko. Kumunot naman ang noo niya.

"Abort?" tanong niya.

"Yeah. Mission abort. Babye!" sigaw ko at tumakbo sa kaniya palayo. Palayo sa kahihiyan.

***
(Kelly's photo on the gallery...)

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon