Cyleen's POV
Pauwi na ako sa amin nang biglang tumawag si Dad. Kaya nga tumahan na ako at sinagot ang tawag.
"Hello Dad?"
[Hello, Leen. Nandito kami sa ospital.]
"P-Po? Bakit po?" tanong ko.
[Sinugod namin si Noreen. Nagseizure kasi siya.]
"Po? Sige Dad. Itext niyo po sa akin kung saang ospital. Pupunta po ako." sabi ko then ended na the call. Agad namang tinext sa akin ni Dad kung saang ospital at anong room number kaya nga agad akong nag-iba ng direksyon at nagtungo doon.
Nang makarating ako doon ay agad akong pumunta sa room na tinext ni Dad. Nang pumasok ako ay naabutan ko si Noreen na walang malay at si Mom and Dad na nag-uusap. Napatingin sila sa akin nang pumasok ako ng kwarto.
"Mom, Dad." bati ko. Tumayo naman si Dad at lumapit sa akin.
"Cyleen, we need to leave pagkadischarge ni Noreen." buntong hininga ni Dad. Mukhang mapapabilis pala ang pag-alis namin. Napatingin ako sa kapatid ko na nakaratay ngayon. Bigla akong nalungkot sa sitwasyon niya. Kasi ang bata pa niya para makaranas ng ganito. Mom is right. Kailangang siya ang unahin namin. Bilang nakakatanda niyang kapatid ay kailangang alagaan ko din siya. Kaya dapat lang talagang sumama ako sa kanila ni Dad sa France. Kailangan nga ako ni Gian dito. Pero mas kailangan ako ng kapatid ko doon.
"Sige po. I understand." sagot ko. Napatingin naman ako kay Mom na nakatingin sa amin ngayon. Yes, Mom. I give up. Wala na akong lakas para lumaban pa. I'm so tired. Emotionally and mentally.
"Sige. Maiwan ko muna kayo saglit dito. Bibili lang ako ng makakain." sabi ni Dad sabay tap sa balikat ko. Pagkaalis ni Dad ay naupo agad ako sa tabi ng kapatid ko. Pinagmasdan ko ang inosente niyang mukha na taimtim na natutulog ngayon.
"Buti naman hindi ka na kumontra." bungad ni Mom kaya napatingin ako sa kaniya.
"May choice pa po ba ako?" sabi ko. Hindi nakasagot si Mom kaya natahimik na din ako.
"So, I heard hindi ka na kasama sa with high honors." sabi ni Mom kaya napatingin ako sa kaniya. Tinignan ko ang reaksyon niya. Pero nanatili ang composure niya. Hindi siya naghysterical gaya ng inaakala ko. She remain calm. Na nakapagtaka sa akin. Dapat ngayon sinisigawan niya na ako eh or sinusumbatan. Pero hindi. Pinagsawalang bahala ko na lang. Baka walang panahon si Mom na pagalitan ako kasi nandito ngayon si Noreen sa ospital.
"With honors lang po, Mom." sagot ko.
"Still bumaba ka pa din. You never fail to disappoint me, Cyleen." sabi niya. Hindi na lang ako sumagot. Dahil alam kong puro masasakit na salita ang lalabas sa bibig niya kapag sumagot pa ako.
"And I think there's no point for you to attend in that recognition. Kaya dapat lang nga talaga na sumama ka na sa Dad mo at umalis dito. I told you, boys are just a distraction. Hindi ka nakinig sa akin. Look what happened." sabi niya. Nagbuntong hininga na lang ako.
"Mom, nangyari na po ang nangyari. Can we just move on? Wala na pong mangyayari kahit i-blame niyo pa sa akin. Ang importante po ngayon ay si Reen. Kaya please po. Stop." sagot ko. Sasagot pa sana siya kaso dumating na si Dad dala ang mga pagkain. Kaya nagpanggap na lang kaming dalawa na walang nangyaring sagutan between us.
"Excuse me. Labas lang po ako." paalam ko at saka lumabas at naupo doon sa may hagdan. Agad kong kinuha ang phone ko at nagchat sa group chat namin nila Maddie.
Me: I'm here at the hospital. Naka confine si Reen. I can't go to class tomorrow.
Louise: Hala? Is she alright? 😳
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)