Andy's POV
Nandito ako ngayon sa kwarto ko at kasalukuyang kumakain ng vcut nang maubos na ito. Kaya nga nagtungo ako sa kusina namin ang naghanap ng mga snacks sa pantry. Pero wala na. Naubos na naman. Kaya nga dali-dali kong pinuntahan si Mama sa garden.
"Ma! Ma!" tawag ko.
"Oh? Why anak?" sagot niya at napatigil muna sa pagdidilig ng mga halaman at napatingin sa akin.
"Ubos na stocks natin sa pantry. Wala na akong snacks." sabi ko.
"Ganon ba? O, ito. Ikaw na bahalang mamili ng mga gusto mo. Hindi pa kami nakapag-grocery ulit ng Papa mo eh. Okay na ba yan?" sabi ni Mama sabay abot ng limang libo sa akin.
"Ahh opo, Ma. Madami na akong mabibili dito. Thanks po." sabi ko at masayang umalis ng bahay at nagtungo sa supermarket sa mall.
Nandito ako ngayon sa snack section at kumukuha ng mga bagong stocks ng pagkain ko para sa isang linggo. Namimili ako kung ano ang kukunin ko dito sa dalawang malaking cheetos na hawak ko. At dahil hindi ako makapili ay parehas ko na lang itong inilagay sa food cart. Well, masisisi niyo ba ako? I can't choose. Pareho silang masarap. Hahaha! Papunta na sana ako sa beverages section para kumuha naman ng chuckie at delight nang makita ko si Drex na namimili din. Nanlaki ang mata ko. Hala? Dito din pala siya naggrocery?
Napalingon siya sa direksyon ko. Nagulat din siya nang makita ako pero nginitian niya din agad ako at saka binati.
"Uy, Andy!" tawag niya. Kumaway naman ako. Lumapit siya sa akin kaya napalunok ako. Ewan ko ba. Medyo nahihiya pa din kasi ako sa kaniya dahil sa mga kagagahan kong nasaksihan niya na.
"Uy, Drex. Nandito ka din pala." sabi ko.
"Yep. Namili lang ako ng konting snacks saka ice-cream. Umuwi kasi ang pinsan ko galing states at nagpabili nito sa akin." sabi niya at saka pinakita sa akin ang laman ng bitbit niyang basket. Napatango naman ako.
"Eh ikaw? Mukhang nagpanic buying ka ah?" halakhak niya nang mapatingin sa food cart ko na puro pagkain.
"Oo nga eh. Mamaya panic eating ako." biro ko. Natawa naman siya.
"Good for you hindi ka tumataba." sabi niya. Well, kahit malakas ako lumamon hindi ko talaga alam kung bakit hindi ako tumataba. Samantalang puro kain inaatupag ko.
"Wala, hindi ako tabain eh." sabi ko. Hinanap ko ang chuckie ko para kumuha sana ng dalawang malaking carton. Nakita itong nasa medyo mataas na part kaya pinilit ko itong abutin.
"Here. Let me help you." sabi ni Drex at tumingkayad saka kinuha ang chuckie na hindi ko maabot. Inabutan niya ako ng isa. Kaso sinabi ko dalawa kukunin ko kaya kumuha ulit siya ng isa.
"Thanks." sabi ko. Ngumiti lang siya at saka tumango.
"Magbabayad ka na ba? Sabay na tayo?" tanong niya. Tumango na lang ako. Tutal nakuha ko naman na lahat ng favorite kong kainin. Pinauna niya ako sa pila although mas konti naman ang kaniya. Ladies first daw kasi. Hahaha! Nang mailagay na sa supot ang mga pinamili ko ay siya naman ang hinintay ko para sabay na din kaming lumabas. Kinuha niya sa akin ang ilang bitbit ko at nagpresintang ihahatid muna ako kung nasaan ang sasakyan ko bago siya umalis.
Binuksan ko ang compartment ko at doon inilagay ni Drex ang binitbit niyang pinamili ko. Nilagay ko na din ang bitbit ko doon saka sinara. Tapos humarap ako sa kaniya.
"Uy, thank you ah?" sabi ko.
"Walang anuman. Sige ha? Una na din ako. Mag-ingat ka sa pagmamaneho." sabi niya.
"Sige. Ikaw din." sabi ko at saka pinagmasdan na lang siya hanggang sa makalayo na siya. Ewan ko ba pero bigla akong napangiti. Bakit ba kasi ang bait-bait niya? Tapos palangiti. Ang kinis pa ng mukha akala mo kutis ng babae. Tapos ang tangos ng ilong. Ang silky ng buhok at ang rosy ng lips.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)