8: Project

43K 1.3K 28
                                    

Eirol's POV

Excited akong nag-ayos ngayon ng sarili dahil maya-maya lang ay pupunta na ako kila Maddie. Ala una ang napag-usapan na pupunta sa kanila. Pero syempre mauuna ako. Mwahaha!

"Hmm. Ano kayang pabango ang magandang gamitin?" sabi ko at namili sa bote ng mga pabango kong nakadisplay dito sa lamesa ko.

"Ahh. Ito na lang. Para amoy hottie. Panigurado maiinlab si Maddie nito. Mwahaha!" sabi ko at nagspray ng pabango sa buong katawan ko. Tapos tumingin pa ako ulit ako sa salamin para icheck ang sarili ko.

"Mabango? Check. Gwapo? Check na check!" sabi ko at saka masayang lumabas na ng kwarto ko. Nagpaalam na ako kila Mama na pupunta na ako sa kaklase ko. Pumayag naman siya. Kaya agad na akong umalis. Kanina ko pa hindi maiwasang mapangiti.

Syempre dadaan muna ako sa isang flower shop para bilhan si Maddie ng bulaklak.

Nang makadating akong flowershop ay pinili ko yung pink roses na bouquet tapos excited na akong sumakay ulit sa kotse ko. Kinikilig na ako iniisip ko pa lang na iaabot kay Maddie ito. Hehe.

Bigla ko tuloy naalala yung nangyari nung nagdouble date kami nila Ethan. Pero ang ending kasi sila Ethan na lang ang nagdate. Hehe. Hinabol ko si Maddie non eh. Cr daw kasi pero lumabas ng café.

Flashback:

"Maddie! Wait!" sigaw ko at tumakbo para habulin siya. Hinawakan ko siya sa braso nang maabutan ko siya.

"Ano ba? Bitawan mo nga ako." masungit niyang sabi. Kaya nga binitawan ko.

"Bakit ka umalis?" tanong ko saka nagpuppy eyes.

"Eh sa gusto ko eh." sabi niya sabay irap.

"Ayaw mo ba ako ka-date?" naka pout kong tanong.

"Ayoko talaga."

"Aray, Maddie. You hurt my feelings." sabi ko at umaktong sumakit ang puso. Napairap naman siya.

"Bakit mo ba ako sinundan. Doon ka na nga. Lubayan mo ko!" sabi niya. Umiling ako.

"Ayoko. Date kita eh. Susundan kita." sabi ko.

"Ang kulit mo kamo nakakabwisit ka." sabi niya. Ngumiti ako.

"Payagan mo na kasi ako." sabi ko.

"Na ano?" kunot noo niyang tanong.

"Manligaw. Sa iyo." diretsahan kong sabi. Napasmirk naman siya.

"Sira ka ba? Ni hindi nga kita gusto. Ikaw lang nagpupumilit." sabi niya. Ouch yun ha?

"Eh bakit. Kaya nga kita liligawan eh para magkagusto ka sa akin." sabi ko.

"Ayoko nga. Wala akong interes sa love, love na iyan. Makakasira lang ng pag-aaral yan." sabi niya saka naglakad na ulit. Sinundan ko naman siya at sinabayan sa paglalakad.

"Ay basta. Kukulitin pa din kita hanggang sa umoo ka na." sabi ko.

"Ewan ko sayo. Mapapagod ka din naman." sabi niya.

"Hindi ako mapapagod! Promise yan!" sabi ko. Hindi siya kumibo.

Napangiti ako nang maalala iyon. Hindi niya man sabihin ng directly alam kong parang pumayag na din siya. Mwahaha! And I will officially court her na talaga. Hindi niya man sinabing sige. Alam kong ganon na din yon.

Nang makarating ako kila Maddie ay nagdoorbell na ako. Inamoy ko pa ang hininga ko tapos inayos sarili ko bago umayos ng tindig.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Maddie. Napatitig na lang ako sa ganda niya. Grabe ganon pa din. Walang kupas ang ganda niya kahit nakapambahay lang. Hehe. Ang swerte niya sa akin.

Truth or Dare [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon