Andy's POV
Balik klase ulit nang sumapit ang sumunod na mga linggo. Pero heto ako. Patuloy na namomroblema kung nasaan ang nawawalang peineta. Like hindi ako makatulog ng ayos gabi-gabi. Hinahunt ako nung peineta na iyon. Huhu. Baka multuhin ako ng lola ko sa tuhod nito saka ng lola ko.
"Alam mo Andy gurl nagtatampo talaga ako sa iyo eh. Hindi ka tumuloy sa prom. I made you pretty pa naman that night. But since masama nga ang pakiramdam mo, I understand." sabi ni Louise. Oo, kinokonsensya talaga ako ni Louise na tipong araw-araw eh sinasabihan ako about nung sa prom. Well, pumunta naman talaga ako. Nakasayaw ko pa nga si Drex. Pero umalis din ako agad. Pero syempre di ko sasabihin sa kanila iyan. Lalo na kay Louise. Madaldal iyang babaeng na yan. Saka ma-triggered na naman sila sa akin pag nalaman nilang tinakbuhan ko na naman si Drex.
Nung prom ko nga sana kakausapin si Drex kaso napaatras ako. Umurong dila ko. Nataranta ako kaya umabort na lang ulit ako. Hehe.
Nang magrecess ay kay Maddie ulit ako sumama para makaiwas kay Drex. Alam mo yung tipong kakausapin ko na siya kaso padagdag ng padagdag kahihiyan ko? Like? What the heck. Walang awat?
Nang matapos ang recess ay bumalik na kami sa room. Sabi ng adviser namin mag-gegeneral cleaning daw kami mamaya para sa upcoming intramurals. Meaning, lahat kami ay maglilinis ng classroom. Napaangal naman ang iba dahil doon. Isa na si Louise.
"My gosh? Is that serious?" maarte'ng sabi ni Louise. Napairap naman si Maddie.
"Ay hindi Louise. Nagjojoke lang ang adviser natin." sarkastiko'ng sabi ni Maddie na inirapan lang din ni Louise. Ayaw na ayaw kasi talaga ng babaeng iyan ang maglinis. Kasi never siyang pinapahawakan ng walis sa kanila. Kasi nga may mga maid sila. Perks of being rich ika nga.
Isa-isang nilabas ng mga boys sa hallway ang mga desks kaya kaming mga babae ay nagsimula na ding maglinis sa loob. Si Maddie isa sa mga nagwawalis. Tapos si Leen tumutulong sa pagpupunas ng bintana. Ako naman ay nagpupunas ng blackboard. Tapos si Louise nagcecellphone lang sa tabi kaya pinagalitan ng adviser namin. Napilitan siyang magkuskos ng mga lamesa tuloy sa labas. Hahaha!
Nang mayari ang general cleaning ay pinauwi na din agad kaming mga girls. Naiwan pa ang mga boys dahil isa-isa pa nilang binuhat ang mga desks para ibalik sa room. Bukas na lang daw kami magmemeeting para sa intramurals. Sports festival tawag nila dito eh. Pag-uusapan bukas kung anong booth ang iaassign sa section namin.
Napahinto ako nang kapain sa bulsa ko ang peineta. Wala ito! Nataranta ulit ako. Like what the heck talaga! Nawala na nga ang isa. Pati ba naman yung isa? Huhu. Dinala ko kasi ngayon dahil maglilinis ng kwarto ko si Mama. Baka mamaya kapag nakita niyang iisa lang ang peineta sa jewelry box ko eh malaman niya agad na nawawala yung isa. Tapos ngayon ito. Nawawala na din ang isa?!
"Guys, balik muna ako sa room. May naiwan ako. Mauna na kayong umuwi." sabi ko sa kanila. Napahinto naman sila.
"You sure?" tanong ni Louise. Tumango ako.
"Hindi pa naman kami uuwi agad. Tatambay pa kami sa café. Sunod ka na lang doon. Hintayin ka namin." sabi ni Maddie. Tumango na lang ako saka nagpaalam sa kanila. Naglakad na ako pabalik sa room nang makasalubong si Ethan at Gian. Mukhang tapos na nilang buhatin ang mga desks.
"Sila Louise?" tanong ni Ethan.
"Sa café na malapit. Tatambay daw muna sila doon." sabi ko. Napatango na lang si Ethan.
"Susunod ka doon?" tanong niya.
"Oo. May babalikan lang ako sa room. May naiwan ako." sabi ko.
"Okay sige. Ingat." sabi niya at umalis na kasama si Gian. Bigla naman akong napaisip. Nasa room pa kaya si Drex? Sana wala na. Hehe.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare [PUBLISHED]
Teen FictionTruth or Dare is more than just a game. A game with two simple rules. Don't Lie. Do the challenge. *** [INSPIRED BY TEEN CLASH & ANIME SERIES SPECIAL A] (SORRY FOR THE WRONG SPELLINGS & GRAMMATICAL ERRORS!)